“No
Mr. Santos, stable naman ang department mo, you need to rest first kahit week
or two, in fact andyan naman si Emily kung may kailangan kami, no need to
worry, you can take your vacation now, if things get worst here in company? e
ano pat naging CFO ako” ang sabi ng Boss ni Marco sa cellphone.
Alas Nueve ng Umaga ng Martes, nakatayo si Marco habang
nakadungaw sa bintana ng ospital.
Malinis na ang kapaligiran, wala na ang mga nalagas na mga dahon at
sanga gawa ng bagyo. Lumabas na rin ang haring araw at pumapasok ang sinag nito
sa silid ni Marco.
Si Aling Josephine lang ang kasama niya sa silid na
tempong nagliligpit ng mga gamit, umuwi na si Jane nung gabi upang makapaghanda
na rin para sa pagpasok sa eskwela. Maagang nakarating si Grace sa ospital upang
ayusin ang mga papeles at bayarin, ngayon din ang araw kasi ng pag ‘discharge’
ni Marco.
“Okay
then, I’ll have my vacation, pero 3 days lang Sir, kasi nakakabagot ng walang
ginagawa sa bahay” sagot ni Marco.
“Well
if you can rest for that short period of time then why not? It’s up to you,
pero kung ako ang bibigyan ng opportunity, I’ll spend it to the fullest, hehehe,
By the way, injured ang right arm mo, so you’ll be immobilized for two to three
months so what you can do Mr. Santos?” dagdag pa ng Boss niya.
“Well
sir? I’ll just see first the situation andyan naman si Emily e..” sabi ni
Marco.
“Okay
then, pagaling ka bye for now.”
“Thank
you sir bye”.
“Ano
raw sabi ng boss mo?”tanong ni Aling Josephine.
“Pagaling
daw po ako kahit isang lingo lang” sabi ni Marco.
“O,
yun naman pala e? Ba’t ayaw mo munang magpahinga? Mamasyal tayo, Mag-‘grocery’?
Anong nakakabagot dun?” tanong ulit ni Aling Josephine.
“Maaa?
Ayoko pong masanay ang katawan ko sa ganon?”
At
may kumatok sa pinto, si Aling Martha. Agad namang binuksan ni Aling Josephine.
Pagpasok ni Aling Martha sa silid, ito agad ang tanong niya.
“O
di kapa ba nakapagbihis Marco? Aba’y pagkatapos ng trenta minutos e aalis na
tayo? Naghihintay na si Grace sa baba, Teka Mare tulungan na kita dyan sa
ginagawa mo para mabilis tayo” sabi ni Aling Martha.
“Ay
naku mare, si Marco gusto na agad magtrabaho, mababagot daw siya pag nagpahinga
daw siya” sumbong ni Aling Josephine.
“Alam
mo Marco? Minsan sa buhay kailangan natin ng pahinga para marami tayong lakas
na magamit, kailangan nating magrelax para mas panatag ang ating kaisipan, Ikaw
kailangan mong magpagaling mahirap magtrabahong may dinaramdam wala kang
trabahong matatapos niya” paliwanag ni Aling Martha.
“Ok,
Ok, Ok, magbibihis na po ako”
Pumasok
si Marco sa banyo, agad pumunta sa salamin at tiningnan ang sarili. Agad siyang
nalungkot sa kanyang nakita. Iba na ang kanyang itsura, naka ‘cast’ na ang
kanyang kanan kamay, nakasimento na ito, ngunit hindi nagbago ang kanyang
pangangatawan, hinawi niya ang kanyang buhok at pinansin niya ang puti niyang T-shirt
na halos bumakat sa maganda niyang katawan. At kanyang sinabi sa sarili
“Di bale, pogi pa naman ako..hehehe”
“At macho pa!” sabay
itinaas ang kanyang kaliwang braso at ng pinakita ang kanyang ‘muscle’.
“ Pansamantala lang naman ‘tong kalagayan ko di naman
ako imbalido” At sabay ngumiti. Nang
nasa akto na sya para magpalit ng damit, bigla niyang naisip, natigilan ng
matagal at biglang namoblema…
.
.
.
“PAANO
AKO MAGHUHUBAD???!!!”
Sa
taxi na silang lahat noon ng magpaliwanag si Marco kung papanong nakapagpalit
siya damit. Napagpasyahan muna nilang ihatid si Aling Martha sa ‘boarding
house’ bago umuwi.
“O
tapos magtatrabaho ka na niyan, e magpalit nga damit inabot ka na ng higit pa
sa trenta minutos?” sabi ni Aling Josephine.
“Oo
nga naman Marco? Iaasa mo na naman yan kay Emily? Sige sabihin nating maasahan sya
sa opisina, pero di sa lahat ng bagay? Magbuhat ng gamit mo? Mga personal mong
mga ginagawa, tulad ng pagpapalit ng damit? At higit sa lahat magdrive!”
paliwanag ni Aling Martha.
“Tita,
di naman ako imbalido? Makakaya ko ang mga yan? Sana?” sabi ni Marco.
“Siguro
Anak maghanap ka muna ng driver na ihahatid-sundo ka, kahit part-time lang
muna, kahit dalawang buwan lang? Mahirap kasing bumyahe ng gayang
kalagayan”sabi Aling Josephine.
“I
think your company must provide you kuya a driver? Or to be particular, a
personal assistant that knows how to drive, preferable male, fara di naman
awkward syo. Mga couple of months lang naman.” Dagdag ni Grace.
Mabilis
ang takbo ng taxi. Habang ng sasalita pa si Marco, napadaan sila sa isang ‘hump’
ngunit di napansin iyon ng driver kaya’t lumagabog ang taxi. Dahil sa lagabog,
umangat ang hita ni Marco at di sinasadyang natuhod niya ang kanyang sementadong
braso.
“Hanapan
mo na lang kaya ako ng ‘caregiver’. Ang
kulit e, di nga ako imbalido! Ang hirap mag hanap ng ganong tao sa
ngayon...kaya ko naman e, kaya ko ‘to, kaya ko ‘to!”
Bugogggggg!!!
“Arayyyyyyyyyyyyy!!!
Ang sakit!!!” sagaw niya habang namimilipit sa sakit.
“Manong
driver mag-ingat ka naman! May pasyente tayo O! Naku naman?” pasigaw na sabi ni
Aling Martha nakakunot-noo.
“Ay
pasensya na po Mam, pasensya na po di ko napansin e” sabi ng driver.
Imbis
na magalit sa Aling Josephine, siya ay maluha-luha sa kakatawa..
“Ahahahahah,
OK ka lang anak??? Waahahahah!!!”
“Ano
kaya mo ba talaga? Whaahahahah!!!”
“Wahahahaha
Kaya nga!”
Pati
si Grace ay napahalakhak din. Hanggang ang lahat ay nagtawanan maliban na
lamang si Marco.
Samantala,
nagising si Lenard na tahimik ang buong “boarding house”. Katutulog lang kasi
ng mga ka-‘boardmates’ niyang ‘call center agents’ ang iba naman ay pumasok sa
kani-kanyang trabaho, tanging tunog lang nag pagwawalis ni Nancy ang maririnig
mo sa paligid. Maaga siyang nakatulog kagabi dahil sa kanyang nararamdaman at
upang maibsan ang ‘hangover’ niya. Nagising siyang naka-‘boxer shorts’ at sando
at tinungo ang banyo upang gawin ang kanyang umagang ritwal. Upang desente ang pagbaba
niya sa kusina, nagsuot siya ng ‘jersey short’ at tumungo na sa baba. Pagbaba
niya, naanduon ang isa sa mga tauhan ng ‘boarding house’ at handa nang maglaro
ng basketball.
“Pre,
sali ka? Laro tayo? Lumalaki na kasi ang tiyan ko e, kailangan ng mag-exercise”
yaya niya sabay himas sa tiyan.
“Sige
sunod ako, magkakape lang muna ako, iba kasing exercise ang ginagawa mo e?
hehehe” loko ni Lenard.
“Ahahahah,
di maiwasan e…” ang prangkang sagot nito at tumungo na sa ‘basketball ring’ sa
tapat ng ‘boarding house’.
Pagkatapos
ng 30 minutes, sumunod na rin si Lenard at iniwan muna pansamantala ang
kalahating tasa ng kape sa lamesa.
Nakasando
siya kaya’t mapapansin mo ang batak nitong katawan.
“P’re
pasa mo naman dito ang bola” bigkas niya.
“Hanep
sa katawan p’re, ang hirap habulin yang katawan na yan" banggit ng kalaro
ni Lenard, sabay pasa ng bola sa kanya.
Maya-maya
pa’y dumating na taxi na sinasakyan nila Marco at pumarada sa harapan ng ‘boarding
house’.
“Sige
mare, dito nalang ako. Oy Marco magpagaling ka ha? Dadalawa nalang ulit ako sa
makalawa sa bahay ninyo.” Sabi ni Aling Martha sabay bukas ng pinto ng taxi.
Napansin agad ni Grace na may naglalaro ng
basketball sa harapan ng boarding. Agad niyang nakita si Lenard dahil sa lakas
ng ‘appeal’ nito. Napatulala siya at napanganga.
“Oh
syeet ang gwapo!!!” bigkas niya na hindi naman talagang ginagawa sa buong buhay
niya.
Tamang-tama
na nakaakto si Lenard ng pa‘free-throw’.
“Manong
driver wait muna, wag mo munang iandar, apashoshootin ko lang yung ‘cute’. Heheheh”
ang sabi ni Grace sa driver habang kinikilig.
“Ano
ba yun Grace?” sabi ni Aling Josephine.
Napalingon
si Marco sa mga naglalaro dahil kay Grace. Napansin nya kaagad si Lenard na
nakaakto ng pa-‘freethrow’. Tinitigan niya itong mabuti. Napansin nya rin ang malaki
nitong braso na basang-basa ng pawis at sabay niyang tingnan ang sarili niyang
braso. Para bang ikinukumpara niya ang sarili kay Lenard.
Sabay
“shoot” ni Lenard sa bola.
At
pumasok ito.
“Wow ang galing!” sabi ni Grace.
Napataas ng kilay si Marco at sabi sa isip
“hmmp, mas magaling pa ako dyan at mas pogi ako sa kanya
hmmp.”
Napangiti
si Lenard ng mapa ‘shoot’ niya ang bola at halos ikabaliw yun ni Grace.
“Ang
cute niya!” sigaw niya.
“Hoy
ang ingay mo, manong alis na tayo!” sabi ni Marco.
“Pero ang ganda ng ngiti niya ah?” sabi niya sa isip.
Hindi
tinigilan ng tingin ni Marco si Lenard na para bang nagmamasid.
Sa
di kalayuan, nasalubong ni Aling Martha ang dalawa habang naglalaro. Lumapit
siya kay Lenard at gayon din si Lenard sa kanya.
“Kumusta
ang date Nay?” bati ni Lenard.
“Anong
date pinagsasabi mo? Galing ako ng ospital kasama ko sila Ate Jo mo at si Marco…
Ay naku sandali….”
Hindi
pa natatapos si Aling Martha sa pagsasalita, may bigla siyang naalala at yun
yung pinag-uusapan nila sa taxi kanina.
“Gusto
mo bang magtrabaho kay Marco?” sabay lingon ni Aling Martha sa taxi
“Ayun
O, nasa taxi sila, naku paalis na”.
Sabay
tiningnan ni Lenard ang taxi. Sampung metro ang layo nila dito. Imbis na makita niya si Grace, napansin niya
kagad si Marco na tempong nakatingin din sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa. Biglang natigilan si Lenard at parang na-“love
at first sight”. Para bang nakakita siya ng anghel na handa na syang kunin
papunta langit. Bigla namang kinabahan
si Marco, di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Parang matagal niyang
kilala si Lenard.
Nawala
na lamang ang pagtitinginan ng dalawa ng umalis ang taxi. Ngunit sinundan parin
ng tingin ni Lenard si Marco. Gayun din si Marco kay Lenard.
“Ang gwapo naman nun?” sabi ni Lenard sa sarili.
“Siya
ba yung Marco nay?”
“Oo
sya nga, gusto mo bang magtrabaho sa kanya? Kailangan niya ng driver at
assistant kahit 2 buwan lang. Naaksidente kasi siya kaya di makapagmaneho. Kaya lang nakaalis na e, sayang ipapakilala pa
naman sana kita. ” paliwanag ni Aling Martha.
“Sayang
naman” pabulong na sabi ni Lenard.
“Ano
kamo?” tanong ni Aling Martha.
“Wa…wala
nay, sige nay, pag-iispan ko”. paliwanag ni Lenard.
Sa
di kalayuan,
“Do
you know him tita? Yung Makisig na guy” tanong ni Grace kay Aling Josephine.
“Yun
ba, si Lenard yun, boarder yun ni Mare, anak-anakan ang turin nya sa kanya”
paliwanag ni Aling Josephine.
“So Lenard pala ang pangalan ng mokong na yun. Ang
lagkit makatingin. Pero ang gwapo niyang makatitig pero pucha naman ba’t naman
ako magwagwapuhan dun mas gwapo naman ako hehehe.” sabi ni Marco sa sarili habang nakangiti.
Itutuloy…

haha, andito si Makisig...
ReplyDelete