Wednesday, March 5, 2014

Chapter 5: Sa Unang Tingin


“No Mr. Santos, stable naman ang department mo, you need to rest first kahit week or two, in fact andyan naman si Emily kung may kailangan kami, no need to worry, you can take your vacation now, if things get worst here in company? e ano pat naging CFO ako” ang sabi ng Boss ni Marco sa cellphone.
            Alas Nueve ng Umaga ng Martes, nakatayo si Marco habang nakadungaw sa bintana ng ospital.  Malinis na ang kapaligiran, wala na ang mga nalagas na mga dahon at sanga gawa ng bagyo. Lumabas na rin ang haring araw at pumapasok ang sinag nito sa silid ni Marco.
            Si Aling Josephine lang ang kasama niya sa silid na tempong nagliligpit ng mga gamit, umuwi na si Jane nung gabi upang makapaghanda na rin para sa pagpasok sa eskwela. Maagang nakarating si Grace sa ospital upang ayusin ang mga papeles at bayarin, ngayon din ang araw kasi ng pag ‘discharge’ ni Marco.
“Okay then, I’ll have my vacation, pero 3 days lang Sir, kasi nakakabagot ng walang ginagawa sa bahay” sagot ni Marco.
“Well if you can rest for that short period of time then why not? It’s up to you, pero kung ako ang bibigyan ng opportunity, I’ll spend it to the fullest, hehehe, By the way, injured ang right arm mo, so you’ll be immobilized for two to three months so what you can do Mr. Santos?” dagdag pa ng Boss niya.
“Well sir? I’ll just see first the situation andyan naman si Emily e..” sabi ni Marco.
“Okay then, pagaling ka bye for now.”
“Thank you sir bye”.
“Ano raw sabi ng boss mo?”tanong ni Aling Josephine.
“Pagaling daw po ako kahit isang lingo lang” sabi ni Marco.
“O, yun naman pala e? Ba’t ayaw mo munang magpahinga? Mamasyal tayo, Mag-‘grocery’? Anong nakakabagot dun?” tanong ulit ni Aling Josephine.
“Maaa? Ayoko pong masanay ang katawan ko sa ganon?”
At may kumatok sa pinto, si Aling Martha. Agad namang binuksan ni Aling Josephine. Pagpasok ni Aling Martha sa silid, ito agad ang tanong niya.
“O di kapa ba nakapagbihis Marco? Aba’y pagkatapos ng trenta minutos e aalis na tayo? Naghihintay na si Grace sa baba, Teka Mare tulungan na kita dyan sa ginagawa mo para mabilis tayo” sabi ni Aling Martha.
“Ay naku mare, si Marco gusto na agad magtrabaho, mababagot daw siya pag nagpahinga daw siya” sumbong ni Aling Josephine.
“Alam mo Marco? Minsan sa buhay kailangan natin ng pahinga para marami tayong lakas na magamit, kailangan nating magrelax para mas panatag ang ating kaisipan, Ikaw kailangan mong magpagaling mahirap magtrabahong may dinaramdam wala kang trabahong matatapos niya” paliwanag ni Aling Martha.
“Ok, Ok, Ok, magbibihis na po ako”
Pumasok si Marco sa banyo, agad pumunta sa salamin at tiningnan ang sarili. Agad siyang nalungkot sa kanyang nakita. Iba na ang kanyang itsura, naka ‘cast’ na ang kanyang kanan kamay, nakasimento na ito, ngunit hindi nagbago ang kanyang pangangatawan, hinawi niya ang kanyang buhok at pinansin niya ang puti niyang T-shirt na halos bumakat sa maganda niyang katawan. At kanyang sinabi sa sarili
“Di bale, pogi pa naman ako..hehehe”
“At macho pa!” sabay itinaas ang kanyang kaliwang braso at ng pinakita ang kanyang ‘muscle’.
“ Pansamantala lang naman ‘tong kalagayan ko di naman ako imbalido” At sabay ngumiti. Nang nasa akto na sya para magpalit ng damit, bigla niyang naisip, natigilan ng matagal at biglang namoblema…
.
.
.
“PAANO AKO MAGHUHUBAD???!!!”

Sa taxi na silang lahat noon ng magpaliwanag si Marco kung papanong nakapagpalit siya damit. Napagpasyahan muna nilang ihatid si Aling Martha sa ‘boarding house’ bago umuwi.
“O tapos magtatrabaho ka na niyan, e magpalit nga damit inabot ka na ng higit pa sa trenta minutos?” sabi ni Aling Josephine.
“Oo nga naman Marco? Iaasa mo na naman yan kay Emily? Sige sabihin nating maasahan sya sa opisina, pero di sa lahat ng bagay? Magbuhat ng gamit mo? Mga personal mong mga ginagawa, tulad ng pagpapalit ng damit? At higit sa lahat magdrive!” paliwanag ni Aling Martha.
“Tita, di naman ako imbalido? Makakaya ko ang mga yan? Sana?” sabi ni Marco.
“Siguro Anak maghanap ka muna ng driver na ihahatid-sundo ka, kahit part-time lang muna, kahit dalawang buwan lang? Mahirap kasing bumyahe ng gayang kalagayan”sabi Aling Josephine.
“I think your company must provide you kuya a driver? Or to be particular, a personal assistant that knows how to drive, preferable male, fara di naman awkward syo. Mga couple of months lang naman.” Dagdag ni Grace.
Mabilis ang takbo ng taxi. Habang ng sasalita pa si Marco, napadaan sila sa isang ‘hump’ ngunit di napansin iyon ng driver kaya’t lumagabog ang taxi. Dahil sa lagabog, umangat ang hita ni Marco at di sinasadyang natuhod niya ang kanyang sementadong braso.
“Hanapan mo na lang kaya ako ng ‘caregiver’.  Ang kulit e, di nga ako imbalido! Ang hirap mag hanap ng ganong tao sa ngayon...kaya ko naman e, kaya ko ‘to, kaya ko ‘to!”

Bugogggggg!!!

“Arayyyyyyyyyyyyy!!! Ang sakit!!!” sagaw niya habang namimilipit sa sakit.

“Manong driver mag-ingat ka naman! May pasyente tayo O! Naku naman?” pasigaw na sabi ni Aling Martha nakakunot-noo.
“Ay pasensya na po Mam, pasensya na po di ko napansin e” sabi ng driver.
Imbis na magalit sa Aling Josephine, siya ay maluha-luha sa kakatawa..
“Ahahahahah, OK ka lang anak??? Waahahahah!!!”

“Ano kaya mo ba talaga? Whaahahahah!!!”

“Wahahahaha Kaya nga!”

Pati si Grace ay napahalakhak din. Hanggang ang lahat ay nagtawanan maliban na lamang si Marco.
Samantala, nagising si Lenard na tahimik ang buong “boarding house”. Katutulog lang kasi ng mga ka-‘boardmates’ niyang ‘call center agents’ ang iba naman ay pumasok sa kani-kanyang trabaho, tanging tunog lang nag pagwawalis ni Nancy ang maririnig mo sa paligid. Maaga siyang nakatulog kagabi dahil sa kanyang nararamdaman at upang maibsan ang ‘hangover’ niya. Nagising siyang naka-‘boxer shorts’ at sando at tinungo ang banyo upang gawin ang kanyang umagang ritwal. Upang desente ang pagbaba niya sa kusina, nagsuot siya ng ‘jersey short’ at tumungo na sa baba. Pagbaba niya, naanduon ang isa sa mga tauhan ng ‘boarding house’ at handa nang maglaro ng basketball.

“Pre, sali ka? Laro tayo? Lumalaki na kasi ang tiyan ko e, kailangan ng mag-exercise” yaya niya sabay himas sa tiyan.

“Sige sunod ako, magkakape lang muna ako, iba kasing exercise ang ginagawa mo e? hehehe” loko ni Lenard.
“Ahahahah, di maiwasan e…” ang prangkang sagot nito at tumungo na sa ‘basketball ring’ sa tapat ng ‘boarding house’.

Pagkatapos ng 30 minutes, sumunod na rin si Lenard at iniwan muna pansamantala ang kalahating tasa ng kape sa lamesa.
Nakasando siya kaya’t mapapansin mo ang batak nitong katawan.

“P’re pasa mo naman dito ang bola” bigkas niya.

“Hanep sa katawan p’re, ang hirap habulin yang katawan na yan" banggit ng kalaro ni Lenard, sabay pasa ng bola sa kanya.

Maya-maya pa’y dumating na taxi na sinasakyan nila Marco at pumarada sa harapan ng ‘boarding house’.

“Sige mare, dito nalang ako. Oy Marco magpagaling ka ha? Dadalawa nalang ulit ako sa makalawa sa bahay ninyo.” Sabi ni Aling Martha sabay bukas ng pinto ng taxi.
 Napansin agad ni Grace na may naglalaro ng basketball sa harapan ng boarding. Agad niyang nakita si Lenard dahil sa lakas ng ‘appeal’ nito. Napatulala siya at napanganga.

“Oh syeet ang gwapo!!!” bigkas niya na hindi naman talagang ginagawa sa buong buhay niya.

Tamang-tama na nakaakto si Lenard ng pa‘free-throw’.

“Manong driver wait muna, wag mo munang iandar, apashoshootin ko lang yung ‘cute’. Heheheh” ang sabi ni Grace sa driver habang kinikilig.

“Ano ba yun Grace?” sabi ni Aling Josephine.

Napalingon si Marco sa mga naglalaro dahil kay Grace. Napansin nya kaagad si Lenard na nakaakto ng pa-‘freethrow’. Tinitigan niya itong mabuti. Napansin nya rin ang malaki nitong braso na basang-basa ng pawis at sabay niyang tingnan ang sarili niyang braso. Para bang ikinukumpara niya ang sarili kay Lenard. 

Sabay “shoot” ni Lenard sa bola.

At pumasok ito.
        
       “Wow ang galing!” sabi ni Grace.

            Napataas ng kilay si Marco at sabi sa isip

“hmmp, mas magaling pa ako dyan at mas pogi ako sa kanya hmmp.”

Napangiti si Lenard ng mapa ‘shoot’ niya ang bola at halos ikabaliw yun ni Grace.

“Ang cute niya!” sigaw niya.

“Hoy ang ingay mo, manong alis na tayo!” sabi ni Marco.

“Pero ang ganda ng ngiti niya ah?” sabi niya sa isip.

Hindi tinigilan ng tingin ni Marco si Lenard na para bang nagmamasid.

Sa di kalayuan, nasalubong ni Aling Martha ang dalawa habang naglalaro. Lumapit siya kay Lenard at gayon din si Lenard sa kanya.

“Kumusta ang date Nay?” bati ni Lenard.

“Anong date pinagsasabi mo? Galing ako ng ospital kasama ko sila Ate Jo mo at si Marco… Ay naku sandali….”

Hindi pa natatapos si Aling Martha sa pagsasalita, may bigla siyang naalala at yun yung pinag-uusapan nila sa taxi kanina.

“Gusto mo bang magtrabaho kay Marco?” sabay lingon ni Aling Martha sa taxi

“Ayun O, nasa taxi sila, naku paalis na”.

Sabay tiningnan ni Lenard ang taxi. Sampung metro ang layo nila dito.  Imbis na makita niya si Grace, napansin niya kagad si Marco na tempong nakatingin din sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa.  Biglang natigilan si Lenard at parang na-“love at first sight”. Para bang nakakita siya ng anghel na handa na syang kunin papunta langit.  Bigla namang kinabahan si Marco, di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Parang matagal niyang kilala si Lenard.
Nawala na lamang ang pagtitinginan ng dalawa ng umalis ang taxi. Ngunit sinundan parin ng tingin ni Lenard si Marco. Gayun din si Marco kay Lenard.

“Ang gwapo naman nun?” sabi ni Lenard sa sarili.

“Siya ba yung Marco nay?”

“Oo sya nga, gusto mo bang magtrabaho sa kanya? Kailangan niya ng driver at assistant kahit 2 buwan lang. Naaksidente kasi siya kaya di makapagmaneho.  Kaya lang nakaalis na e, sayang ipapakilala pa naman sana kita. ” paliwanag ni Aling Martha.

“Sayang naman” pabulong na sabi ni Lenard.

“Ano kamo?” tanong ni Aling Martha.

“Wa…wala nay, sige nay, pag-iispan ko”. paliwanag ni Lenard.

Sa di kalayuan,

“Do you know him tita? Yung Makisig na guy” tanong ni Grace kay Aling Josephine.

“Yun ba, si Lenard yun, boarder yun ni Mare, anak-anakan ang turin nya sa kanya” paliwanag ni Aling Josephine.

“So Lenard pala ang pangalan ng mokong na yun. Ang lagkit makatingin. Pero ang gwapo niyang makatitig pero pucha naman ba’t naman ako magwagwapuhan dun mas gwapo naman ako hehehe.” sabi ni Marco sa sarili habang nakangiti.


Itutuloy…


1 comment: