Apat na araw na ang nakakalipas simula ng makalabas si
Marco sa ospital. Nuong unang araw niya’y isang makabuluhan at abalang araw.
Tanging kasakasama lang niya ay ang kanyang ina sa pagsho-“shopping”, panonood
ng sine at pamamasyal sa ibat-ibang lugar. Ngunit para kay Marco, ito’y para
isang lamang pagpapalipas ng kanyang responsibilidad sa opisina na hindi niya
madalas gawin. Ang dalawa niyang pinsan ay parating abala sa kani-kanilang
gawain kaya di nila ito nakakasama. Si Grace ay abala sa kanyang trabaho sa
gabi at si Jane nama’y sa kanyang pag-aaral. Masama ang pakiramdam ni Aling
Martha nitong huling araw kaya’t di muna siya naglalabas ng ‘boarding house’.
At dumating na ang ikatlo at ikaapat na araw.
Ramdam na ramdam niya ang pagkabagot sa bahay. Di siya gaanong makakilos ng
maayos dahil sa naka-‘cast’ ang bali niya sa kanang braso.
Samantala, alas-siyete at kalahati ng umaga, si Lenard ay
nakaupo sa harapan ng ‘boarding house’ katabi ang isang tasang kape. Malamig na
ito at parang wala pang bawas. Tulala siya at parang may tinatanaw sa kalayuan.
Nagdadalawang isip kung tatanggapin niya yung inaalok sa kanya ni Aling Martha
na mamasukan munang driver ni Marco habang nagpapagaling siya.
“Ba’t di ko kaya
subukan? Wala namang mawawala sakin kung susubukan ko muna, tutal mga 4 na
buwan lang naman yun. Di naman mawawala ang dignidad ko kung pansamantalang
magdi-“driver” muna ako. Pagkatapos nun, sana tumawag na yung kumpanyang
papasukan ko sa Dubai, para tiyak na ang alis ko, siguro naman sa 4 na buwang
iyon magaling na yung Marcong yun.”
“Kaya
lang, kakayanin ko kaya? Ano kayang ugali meron ang Marcong yun? Mabait kaya
sya? Sana madaling pakibagayan? Ang angas makatingin. Nakakatunaw. Kaya lang
dyahe naman, nakakahiya, ang gwapo niya, naiilang ako sa mga taong tulad niya.”
“Gwapo nga kaso tatanga-tanga naman. Biruin mo sabi ni
Aling Martha naaksidente dahil sa pagkadulas gawa ng ‘pentel pen’ hehehe. Pero
‘shit’ talaga ang guwapo niya. Baka mahulog ang loob ko sa kanya. Tsk. Tsk.
Tsk. Sana di niya malaman na… Naku, delekado ito. ‘Wag nalang kaya? Para biglang
kinabahan ako, pero sayang naman yung oportunidad, ipagdidrive ko lang naman
sya tapos…, tapos na…Tama!”
“Pero
si Marco yung ipagdidrive ko e, yung lalaking maangas makatitig, ‘shiiit’
weakness ko yun, ‘tas malalaman niya na ano ako… waaaaaaah?!!! Baka bugbugin
ako. Wag nalang nga…hehehe”.
“Pero
talagang mababagot ako ng 2 hangggang 4 na buwan dito sa ‘boarding house’ at baka
magamit ko pa ang naitatabi kong pera, kailangan ko ring makaroon ng ‘income’
kahit pambayad dito sa ‘boarding house’.”
Yan ang mga bumabagabag sa kaisipin ni Lenard, ng
biglang tumunog ang kanyang ‘celphone’.
“Rrrriiiiiiiinnnnngggg!!!”
Nagising siya sa kayang
pagkatulala, agad na tiningnan at biglang napakunot ng noo ng malaman niya ang
kanyang kakausapin.
“Hello ‘Nay Martha, di ko ako sa harap ng ‘boarding
house’ tumawag pa kayo?” sagot ni Lenard.
“Ay pasensya na hindi kita kasi mahanap dito sa loob…”sagot
ni Aling Martha nasa mababa ang boses. “Ano na ang desisyon mo? Puntahan mo na yung sinasabi ko syo, ibibigay
ko syo ang adres ng bahay nila para makita mo narin si Marco’t magkausap na kyo.”
“Ayoko!, ayoko!, ayoko!, ayoko!” ang sinisigaw ni Lenard sa isip habang kausap niya si
Aling Martha . At natigilan si Lenard
ng matagal, matagal na halos nagtaka si aling Martha kung ano na nagyari.
“Hello?, Hello?!, Lenard?” sabi ni aling Martha.
“- Sige po! Maghahanda lang po ako ng
biodata pupunta ako diyan sa kwarto niyo ‘within 30 minutes’ po” ang sabi niya kay Aling Martha.
“O sige kung ganon atayin kita” sabay patay ng
‘celphone’.
“Haaay?! Ano ba yan? Napasubo ako dun,
makapag-‘prepare’ na nga, teka may ‘stock’ pa ata ako ng biodata sa folder ko,
yun nalang muna ang gagamit ko” agad siyang tumayo upang maghanda na.
Ngunit parang may nakalimutan siya
“Teka ang kape ko?” sabay higop
“Naku malamig na pala.”
Mag-aalas
diyes ng Byernes ng umaga, maaliwas ang panahon, ang lahat sa bahay nila Marco
ay nakapag-almusal na. Si Grace ay nagpapahinga na sa kwarto at si Jane ay
umalis para pumasok sa eskwela. Si Ate Beth, ang kasambahay nila Marco, ay
abalang-abala sa paglalaba, at si Aling Josephine nama’y abala sa paghahanda ng
pananghalian nila ng biglang tumunog ang telepono…
“Rrrriiiiiiiinnnnngggg!!!”
“Uy
Mare, kumusta na? Kumusta ang pakiramdam mo?”
“Ha?
may nahanap ka na?”
“Si
Lenard?”
“Talaga?”
“Pero
OK lang ba sa kanya? E Professional yun e, di ba nakakahiya kung magiging
driver lang sya ni Marco?”
“OK
sige, sabihan ko si Marco..”
“Nasa
sofa nagbabasa ng dyaryo, gusto na nga pumasok sa Lunes e buryong-buryo na sya
dito sa bahay.”
“Ano?
Papunta na sya? Naku nakapambahay lang si Marco, alam mo na? Nahihirapang
magbihis ng damit kaya naka sando lang at maikli na short, yun kasi ang kaya
niyang suotin e heheheh alam mo na. Naku nakakahiya naman kay Lenard”
Di
pa natatapos ang kanilang usapan, biglang tumunog ang doorbell at sabay na napalingon
si Aling Josephine sa gate. Di pinansin iyon ni Marco sapagkat ang alam niya
abala si Ate Beth sa gawain malapit sa gate at alam niyang pagbubukasan niya
iyon. Nadoon na si Lenard at nag-aabang ng magbubukas ng gate.
Si
Lenard naman ay nininerbiyos sa labas. Parang gusto sumama ng kanyang
pakiramdam. Sa lahat naman kasi ng interview na napuntahan niya dito pa siya nakaradaman
ng kaba. Unang araw niyang makakausap si Marco pero ang pakiramdam niya parang katapusan
na ng mundo. Hindi niya matukoy kung bakit at ano ang nagpapakaba sa kanya?
Parang bang pinaghalong hiya, takot, ‘excitement’, curious at pakiramdam na may
LBM ang nadarama niya.
Natanaw
niyang sumisenyas si Aling Josephine sa bintana ng kusina na para bang
nagsasabing “- sandali lang” habang hawag pa niya ang telepono. Agad namang
hinintay ni Lenard ito. At napansin niya rin yung kulay pulang kotse ng ipagdi
‘drive’ ban niya. Honda City na may plakang ‘RLA-051’.
Samatala,
si Aling Josephine nama’y kausap pa si Aling Martha.
“Mare,
nandito na si Lenard teka bababa ko muna ito ha’t pagbubuksan ko ng gate,
tawagan nalang kita mamaya, sige pagaling ka, bye”
Pumunta
agad si Aling Josephine sa kinaroroonan ni Marco at ibinalita sa kanya na may
nakuha na silang magiging driver niya papuntang trabaho.
“Anak,
pwede ka ng pumasok sa Lunes!”, surpresa ni Aling Josephine.
“Talaga
Nay? Bakit?” tanong ni Marco.
“May
magdidrive na syo!”
“Ha?
Magdidrive? Ano? Ba’t ganon ang bilis? Akala ko biruan lang natin yun nila
Ninang?” gulat ni Marco at sabay biglang napakunot ng noo.
“Ano
ka ba? Yung mga ‘di mo inaasahan yun pa
ang may kabuluhan” paliwanag ni Aling Josephine.
“Nay!?
Ano ba? Di naman ako baldado?”
“Papasukin
ko na si Lenard, dyan ka lang muna” sagot ni Aling Josephine.
“Si…”
nabigla si Marco sa winika ng ina.
“Naku yung kumag na naglalaro ng basketball ang
magiging driver ko?” bulong nito sa
sarili, sabay kagat sa labi na para bang naiinis.
“Bakit yun pa? Hmp! Sabagay ako naman ang boss, nasa
akin ang desisyon kung gusto ko syang tanggihan. Hehehe”
At
lumabas ng bahay si Aling Josephine at pinagbuksan ng gate.
“Kumusta na Lenard?
Kakakwento lang sakin ni Mare, halika tuloy ka, teka kumain kaba?” bati ni
Aling Josephine.
“Mabuti naman po,
nakapag-almusal na po ako” wika niya kay Aling Josephine.
“sa totoo lang kapeng malamig na ang
inalmusal ko e”, bulog niya sa
sarili.
“Ba’t parang gumagwapo ka
ngayon ah? Hehehe.” Bati uli ni Aling Josephine.
“Tita Jo naman? Natural sakin
yon, hehehe” sagot ni Lenard. “Pero mas
gwapo ang anak ninyo” bulong niya.
Agad naman silang dumerecho sa sala kung saan andun si
Marco na nagbabasa ng dyaryo, at patay-malisya niya itong di pinansin.
“Marco,
siya nga pala si Lenard, boarder ni Mareng Martha, mag-aaply siya sayo bilang
driver mo para di kana mahirapan, naku napagwapo ng driver mo hehehe” wika ni
Aling Josephine.
Agad na niligon ni Marco si Lenard at agad na binaba ang
binabasa ng dyaryo sa lamesa.
“Good Morning Sir Marco, I’m Mr. Lenard Sison at your
service and I’m glad to meet you!” ang ‘introduction’ ni Lenard na nakangiti.
Agad na napalingon si Marco, napatulala at napanganga
dahil sa ngiti ni Lenard na tila ba walang kapares, ngiting nagpapaamo at nagpapabagal
ng oras.
“Naku? Napakapormal naman, O sha!, iwan ko muna kyo’t may niluluto pa ko.” Sabi ni Aling
Josephine.
Ngunit si Lenard na akala mo’y panatag, e halos pumutok
ang puso sa kaba dahil nakita niya si Marco ng malapitan. Maliwalas ang mukha
ni Marco at kaakit-akit tingnan. Nakasando lang ito at mapapansin mo ang malaki
niyang dibdib. Noong ibinaba ni Marco
ang dyaryo, napansin ni Lenard na nakabukaka siya at nakita ni Lenard na naka-
“boxers’” short lamang ito na halos bumakat na ang kanyang pagkalalaki sa ikli
at sikip nito. Napansin din niya ang digaanong kalaguang buhok ni Marco sa maputi
niyang hita papuntang binti. Ngunit mas kapansin-pansin ang ‘cast’ niya sa
kanang braso na nagsasabi sayong na naaksidente siya.
Dahil sa pananamit ni Marco lalong nailang si
Lenard at halos pagpawisan ng malamig ngunit walang siyang magawa kundi patay-malisya
niyang nginitian na lamang si Marco.
Si
Lenard naman bagamat simpleng polo-shirt na kulay puti, na halos bumakat din sa
matikas nitong pangangatawan, at naka-‘jeans’ na bumagay sa kanyang polo-shirt,
di mo akalaing mag-‘aapply’ siyang driver.
“Marco anak bahala kana kay Lenard ha? Mabait na bata
iyan” wika ni Aling Josephine na nagpagising kay Marco sa pagkatulala.
At inabot ni Lenard ang kanyang biodata kay Marco.
“By the way Sir, this is my biodata.” wika ni Lenard.
Imbis na basahin ni Marco ang nilalaman nito agad niyang
nakita ang 2 X 2 picture ni Lenard at napansin ang mga mata nito nalalong nagpaamo
sa kanya at ang kanyang ngiti. Para bang matagal na niyang kakilala ang taong
ito.
Habang nakatingin si Marco sa biodata ni Lenard, si
Lenard naman ay panakaw na nakatingin sa mukha, dibdib at hanggang sa mga paa
ni Marco.
“Napakakinis ni Sir
Marco, malaki ang katawan wala kang itatapon sa kanya. Napakaperpekto. Ang
mukha parang anghel at ang kilay napakakapal na lalung nag papalalaking-lalaki sa
kanya. Shit naman wag sana mahulog ang loob ko sa kanya. Huwag!” yan ang
nasa isip ni Lenard.
Agad na,
“Ok Mr. Sison, say something about yourself?” wika ni
Marco.
“Naku” wika ni Lenard sa isip.
“Before anything else Sir Marco, Let me once again
introduce myself, my name is Lenard Sison, 26 years of age, currently resident
in Muntinlupa city particularly at Ms. Martha Rosales’ boarding house for
almost 10 years. I was connect ADR Insdustry, one of the largest software
industry in south of Manila, as Junior Programmer there.” paliwanag ni Lenard.
“Kaedad
ko pa ang mokong na ‘to”, ang nasa
isip ni Marco.
“Teka, teka, teka di ako nghihire ng executive, are you
willing to demote yourself, from professional programmer to a simple driver?”
tanong ni Marco na nakagiti.
“Acctually Sir?... Yes! In fact 3 to 4 months lang naman
po ito, nag-aantay lang po ako ng tawag abroad, may ‘cliché’ po kasing nangyari
doon kaya nadelay po ang ‘summoning’ sa’kin” paliwanag ni Lenard.
“Ahuh? Pero maliit ang sahod ng driver? OK lang ba syo?”
tanong ni Marco.
“OK lang po sakin Sir Marco, (-kahit libre pa basta ikaw ang kasama ko Ok na Ok)” bulong ni
Lenard.
“Talaga lang ha?”
bulong ni Marco.
“May girlfriend ka na ba? Sure akong meron na sa gwapo
mong yan.” tanong ni Marco.
“Pucha!
mali ata tanong ko nakakahiya”, patay-malisyang
sumisigaw sa isip si Marco at biglang namula sa hiya.
“Wala pa po akong girlfriend pero po maraming umaaligid
sakin hehehehe” nahihiyang paliwanag ni Lenard.
“Kasi ang mga
katulad mo ang gusto ko! hehehe” ang nasa isip ni Lenard.
Sabay tumayo si Marco at ibinaba ang biodata sa lamesa at
handa na niyang tanggihan si Lenard.
“Acctually Mr. Sison, frankly speaking, di naman talaga
ako ng hihire ng driver e, kaya ko naman ‘to.” wika ni Marco.
Nawala ang mga ngiti ni Lenard at biglang nalungkot.
At sabay humakbang si Marco papalapit kay Lenard para
kamayan, ngunit di niya napansin na di pa niya pala nalalagpasan ang lamesa,
kaya’t tumama ang binti niya rito at biglang natalisod.
“Si Nanay kasi, kaya ko namang magtaxi e, overacting lang
‘to sila nanay at Ninang Martha….Arrrgggg”
Agad na humakbang si Lenard papunta kay Marco upang
saluhin.
Napasubsob naman ang mukha ni Marco sa pumuputok at
matigas na dibdib ni Lenard at biglang napayakap siya. Naamoy ni Marco ang
pinaghalong halimuyak ng pabango, ‘fabric conditioner’ ng damit at pawis ni
Lenard na syang nagbaliw sa kanya. Nang iangat ni Marco ang mukha niya,
tumambad naman ang mukha ni Lenard na nakagiti, at napatingin ng matagal si
Marco sa mga mata at pagkatapos naman sa ngiti ni Lenard. Para bang nakakita siya
ng aparisyon at parang lumiliwanag ang mukha ni Lenard. Matagal ang
pagkakatitig ni Marco sa mukha ni Lenard. At si Lenard nama’y gayun din. At
naamoy ni Marco ang mabangong hingi ni Lenard sa pagbikas niya ng
“OK
ka lang ba? Sir Marco?”
Bigkas
ng mahinahon, ngunit parang tumatagos sa puso na syang nagpapalaki ng mga mata
ni Marco. Ramdam naman ni Lenard ang mahigpit na pagkakayakap ni Marco. Yakap
na sana ‘wag nag matapos.
“Ok lang ako” wika ni Marco na nakayakap pa.
Sa pagkahumaling ni Marco kay Lenard, nabigla siya sa
pagbibigkas na
“Sige tanggap ka na…”
Nagulat si Lenard at nagbigas ulit ng mahinahon.
“Talaga Marco...?
Este Sir Marco pala?”
At natauhan si Marco, parang sumabog ang sandali at
biglang natapos ang pangyayari.
Wika niya, “Ay sorry natapilok ako, di ko sinasadya
pasensya na..(pucha anong ginawa ko?)”
Pulang-pula si Marco sa hiya ngunit di napansin ito ni
Lenard sapagkat biglang tumalikod siya upang tanawin ang kotse sa labas.
Patay malisyang kinilig naman si Lenard,
“Oh
shyet!, niyakap ako ni Marco, pucha wala namang ganyanan, ang hirap magpigil
kung gagawin nya ulit yun, muntik ko ng halikan buti napigilan ko kundi
masasapak ako nito, pero salamat sa lamesa.. haaay..” wika niya sa sarili.
“By
the way Sir? When shall I start?” tanong ni Lenard naparang walang nangyari.
“Ha?” tanong ni Marco na parang wala sa sarili.
Ngunit bigla siyang nakapag-isip,
“Pasok
ka ng maaga ng Monday mga thirty minutes after 6:00 am, ok lang ba?” sagot ni
Marco na nakatulala at di parin maalis sa isip ang pangyayari.
“OK Sir Marco” sagot ni Lenard.
“Nasa biodata mo naman yung contact number mo ‘no? Paghindi kita tinawagan ibig sabihin tuloy
tayo Oks ba?” wika ni Marco.
“OK, by the way Sir? Si Tita Jo po, magpapaalam po muna
ako” sagot ni Lenard.
“Ay teka. Nay? Magpapaalam na po si Lenard” wika ni
Marco.
Pasigaw na tumugon si Aling Josephine na nasa kusina
“Ha? Aalis ka na agad? Atayin mo na muna ‘tong
pananghalian, sabayan mo na kami ni Marco”
Biglang napaisip si Lenard
“Tanghalian? Kasama
si Sir Marco, naku di ko na yata kakayanin ‘to nakakahiya maghihintay pa ako ng
2 oras, baka magtanong ng magtanong pa si Marco at mabuking ako, mahirap na
baka mabisto pa ako. Waaaaaah…”
“Tita Jo, hindi na po-" at biglang nagpalusot si
Lenard.
“- Bibilihan ko pa po kasi ako ng gamot si Nay Martha,
next time nalang po”.
“O sige, sabihin mo kay Mare na pagaling sya ha? Ingat ka
sa daan Lenard.” paalala ni Aling Martha.
At biglang lumingon si Lenard kay Marco na nakangiti,
“O sige Sir, manuna muna po ako, thanks for the time”
pagtatapos ni Lenard.
“Ok, don’t mention it, thank you for visiting us also”
sagot ni Marco habang sinasamahan papunta pinto.
“By
the way Sir Marco? After the office, wala naba tayong ibang lakad?” tanong ni Lenard.
“Wala na. Direcho na tayo dito sa bahay bakit mo
tinatanong?” sagot ni Marco.
“Ha? ‘Di ninyo ihahatid ang ‘girlfriend’ ninyo o
dadalawin sya after office?” tanong ni Lenard.
“Wala akong girlfriend.” sagot ni Marco at nagtataka,
ngunit di na niya pinansin pa ito.
Patay-malisyang bumulong ulit si Lenard, “Oh My God? Single si Marco. Ang 'awkward' naman ng tanong ko.”
“Ok Sir…” sabay isinarado ang pinto ng bahay at
masayang umalis.
Pagkasarado ng pinto, agad na tumalikod si Marco at
gulong-gulo sa sarili.
“PUTANG INA! ANONG
GINAWA KO?!, NAKAKAHIYA!” ang nasa isip ni Marco at parang gulong-gulo sa
sarili habang hinihimas ang gasgas niya sa binti.
Itutuloy…
No comments:
Post a Comment