Friday, June 20, 2014

Chapter 9: Pangarap na Pamilya


Chapter 9
Pangarap na Pamilya


                Maaliwalas ang panahon at maliwanag ang kalangitan, sapagkat iilan lamang ang ulap sa himpapawid para takpan ang haring araw ng umaga yaon, ngunit bakas parin sa kapaligiran ang  nagdaang bagyo. Nabawasan kasi ang mga sanga ng mga punong-kahoy at lumiwanag ang mga daan. Nagsipaglagasan kasi ang mga dahon nito na nagsisilbing lilim sa mga daraanan.

              Kapansin-pansing araw iyon ng Sabado. Wala makikitang mga estudyante na naka-unipormeng naglalakad at mga empleyadong nakasuot ng pangtrabaho. Sa loob ng ‘subdivision’ nila Marco, ay makikita mo ang mga batang masayang naglalaro sa ‘club house’. Araw ng Sabado, araw ng pahinga, pero kay Marco, ito na ang huling dalawang araw na kung saan matatapos na ang kayang pahinga at ‘excited’ na syang pumasok muli sa kanilang opisina. Si Lenard naman, ito ang unang araw niya ng paninilbihan kay Marco bilang isang driver.
              
   “Ah?... Sir Marco, masyado pa po ‘ata tayong maaga para pumunta sa ‘Festival Mall’ 8:30 pala po ng umaga… mga alas diyes pa po ang bukas nun sa pagkakaalam ko…” wika ni Lenard.

                 “Oo nga pala nun? Ah Sige iderecho mo nalang sa Makati, dun nalang tayo bibili ng cellphone, para tamang-tama ang oras sa pagbukas ng ‘mall’ doon at para makahinga na rin ako nakakabagot sa bahay e…”, sagot ni Marco.

                “Ok po Sir…” wika ni Lenard na halatang excited.

                “Yes! Excited nako mahal ko sa date natin hehehehe” wika ni Lenard sa isip at nakangiti pa.

                Habang binabaybay nila ang SLEX papuntang Makati, matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan nila dahil nagkakailangan pa ang mag-amo. Nag-iisip silang dalawa kung ano ang na dapat nilang pag-usapan. Parehas silang ayaw na masabihang ‘boring’ kaya’t kung anu-ano nalang ang kanilang maiisipan pag-usapan kahit na wala naman itong katuturan, gaya ng…

SA BILLBOARD…

“Sino yang nasa billboard na yan? Maganda sya ah? Chinita…” tanong ni Marco.

“Ah sya po ba? Yan po si Kim Chiu, sya po ang bagong Pinoy Big Brother Teen Edition Winner…” sagot ni Lenard. “Pero mas bet ko si Gerard...gwapo pa…” bulong ni Lenard.

SA SPORTS…

“Umabot pala ng 12 rounds ang laban ni Pacquiao kay Oscar Larios…unanimous decision ang hatol” sabi ni Marco.

“Oo nga daw Sir…” sagot ni Lenard “Si Lia Andrea Ramos kaya Miss Photogenic sa Miss Universe” bulong ulit ni Lenard.

SA PULITIKA…

“Talamak na ang mga tao sa gobyerno ngayon? Lataran na ang pangungurakot…” wika ni Lenard…

“Onga e!” sagot ni Marco…“Ano naman ang paki mo …” bulong ni Marco.

SA IBANG BANSA…

“Lalong lumalaganap ang sakit na SARS sa Hongkong…” wika ni Marco.

“Ah talaga Sir?” sagot ni Lenard “Teka pa’no ko durugtungan…’to” bulong ni Lenard…

SA KALUSUGAN…

“Alam nyo Sir? Mabisa daw pantanggal ng bato sa kidney ang parsley…” wika ni Lenard.

“Ah Talaga…?” sagot ni Marco.  “E wala naman akong sakit bato e” sagot ni Marco sa isip.
                
Hanggang sa napunta sila sa…

                “Sir ba’t wala kayong girlfriend? Sayang naman ang ganda lalaki ninyo… hehehe” tanong ni Lenard.

                “Hmm…matagal na kong wala girlfriend… Hmmp… Siguro… maglilima ng taon na akong bakante… Wala na siya…Wag mo nang itanong kung bakit, ayoko nang pag-usapan pa…” sagot ni Marco namalamlam ang boses at parang irita…

                Napansin iyon ni Lenard at biglang tumingin sa salamin upang pagmasdan si Marco. Malungkot ang kanyang mga mata at nakatingin siya sa kanyang mga hita. Banaag sa kanyang mga mukha ang lungkot.

 At namayani muli ang katahimikan sa loob ng kotse.

Nabali nalang ito ng magtanong si Marco…

                “E ikaw may girlfriend ka ba?”

                “Pucha?! Ito na nga ba ang sinasabi ko e… mali ang tanong ko e… tiyak talagang sa’kin din ang balik ng tanong na ito… kainis naman…” wika ni Lenard sa sarili at nag-simulang mag-alala.

                “Ah? Sir wala pa…” sagot niya kay Marco.

                “Talaga…? Seryoso ka…? Ba’t naman…? Alam mo sa totoo lang mas pogi ka pa nga sa’kin e, tapos wala ka pang girlfriend?” gulat na tanong ni Marco.

                “E kasi Sir ano e?... Ano?” sagot ni Lenard na kinakabahan… “Waah! paano ko ‘to lulusutan? Ang mga kagaya mo ang type ko Sir e…”

“Naku baka malaman nyang bading ako! Wag sa ganitong paraan wag waaah!” ang nagsusumamong bulong ni Lenard sa kanyang isipan.

                “Alam mo kasi, dalawa lang ang dahilan yan ‘Nard… Either Torpe ka… o –BADING KA!” wika ni Marco.

                Umalingawngaw kay Lenard ang salitang “-BADING KA” ng paulit-ulit. Gustong dumugo ng mga tenga niya ng oras ding yun. Banayad ang pagkakabigkas ni Marco sa mga salitang iyon pero kay Lenard ay parang nakakabingi at tumatagos sa kanyang mga buto. Parang sasabog ang kayang ulo at hindi niya alam ang kanyang isasagot kay Marco kundi ang mga salitang…

                “Hindi ako bading sir ah?!…”sagot ni Lenard na malaki at buo ang boses.

                “Ah? So Torpe ka pala…buti nalang di ka bading, kasi kung bading ka? Matitikman mo ang tamis ng kamao ko! Hehehe Ayoko sa mga bading e…” wika ni Marco.

                Lalong nanlamig ang buong katawan ni Lenard at para siyang lalagnatin. Pakiramdam niya ay lumapat na ang kamao ni Marco sa kanyang mukha at parang isang daang beses tinutusok ang kanyang puso.

                “Di sa torpe ako Sir Marco, marami pa kasi akong pangarap na dapat tupdin…wala pa kasi akong panahon sa mga babae e, sa totoo lang marami ang nagpaparamdam dyan sa tabi-tabi…” palusot ni Lenard.

                “Sabagay sakit lang sa ulo yang mga babae yan, teka ano naman ang masasabi mo kay Grace?...sa pinsan ko?” wika ni Marco.
                “Mukha namang mabait si Grace…” sagot ni Lenard.

                “Teka nga…? Sino nga ulit yung Grace? Yung katabi ko o yung nasa dulong upuan?”

                Nakalimutan na kasi kaagad ni Lenard kung sino sa 
dalawang pinsan ni Marco ang Grace. Kapansin-pansing hindi siya interesado sa mga babae.

                Panatag ang pagsasalita ni Marco wala syang kamalay-malay na nanadudurog na ang damdamin ni Lenard. Si Lenard naman ay nananalangin na tuldukan na ang pagtatanong ni Marco tungkol sa mga babae…

                “Please? Mahal ko tama na ang pagtatanong?!, Oo tanggap ko, na bading ako! E ikaw kaya, tanggap mo ko? E di ba hindi…so please stop this…bago mo pa ako mabuko” wika ni Lenard sa isip habang nakakagat sa labi…

                Kaya’t naisip ni Lenard na ibaling nalang pagtatanong ng…
                “Ah Sir di ba sumasakit yang kanang braso mo?”

                “Well?, Sumasakit pagsinusumpong at pagnagagalaw… medyo makati sa loob ng simento… gusto ko ngang kamutin e” wika ni Marco.

                Alam ni Lenard kung ano ang nangyari sa kanang braso ni Marco kaya’t di na sya nag-atubiling tanungin pa. Ayaw nya rin kasing mapahiya pa ang kanyang amo sa sinapit nito.

                “Ilang araw na po pala kayong ganyan?” tanong ni Lenard.

                “Mag-iisang linggo palang… sabi daw kasi ni Dr. Rivera, mga ilang buwan pa daw bago gumaling” sagot ni Marco.

                “So? Isang mag-iisang linggo na pala kayong walang ano…? Di rin ba sumasakit ang tiyan ninyo? Naku sir…? Buo-buo na yan… Hehehe…” pabirong tanong ni Lenard.

                “Anong ano? Ahh? heheh ikaw talaga? Ang libog mong mokong ka? Hehehe… Siguro gawain mo yan ano? Panay panay ka ata e…ahahahah” sagot ni Marco.

                “Ahahahah!!! Di naman Sir, paminsan-minsan lang din pagbored ahahahah!!!” sagot ni Lenard.

                “Kasi sir kung di pwede yang kanang kamay nyo e...”

                “E ano?” tanong ni Marco.

                “Yung kalawang kamay nalang… hehehe” sagot ni Lenard.

                “Kung gusto mo ako nalang ang gagawa nyan mahal ko…Oh Shit?!... tinigasan ako dun ah? Pero wag na… baka sa ospital pa ako damputin…” wika ni Lenard sa isipan.

                “Oo nga naman, sige mamayang gabi nga? Ahahahah! You give me an idea…” sagot ni Marco.

                At nagsimula nang magpantasya si Lenard.

                Sa ganong usapan nila, nakapalagayan ng loob ang mag-amo. Nawala ang ilangan at pagiging pormal nila sa bawat isa. Pero si Lenard ay lalong nabalutan ng pag-aalinlangan lalo’t alam niyang ayaw na ayaw ni Marco sa mga bakla. Kaya’t ano man ang mangyari hinding-hindi sya dapat bumibigay sa harapan ni Marco at mananatiling nakabaon sa lupa ang kayang lihim.

                Sa Makati avenue nila iginarahe ang kotse. Maaga pa ngunit marami nang tao ang namamasyal sa labas ng mall. Mga magkakabarkada at mag-anak. Pumasok sila sa isang kilalang mall upang makapamili ng cellphoneng ipangreregalo ni Marco sa kanyang ina. Iba’t-ibang ‘stalls’ at mga cellphone shops ang mga pagpipilian pero mas pinili nila yung mismong brand ng cellphone ang pinuntahan nila.

                Naunang pumasok si Marco sa shop, agad syang nilapitan ng isa sa mga ‘sales lady’…

                “Yes Sir, What phone are you looking for?”         

“Ang cute naman nito kahit nakabenda ang kanyang mga braso…tsk..tsk..” bulong sales lady.

“Ah? wait lang miss, tatanong ko lang sa kasama ko…’Nard halika, pakita mo nga cellphone mo” banggit ni Marco.

                Lumapit si Lenard at tumabi kay Marco…

                “Ah? Miss meron pa ba kyong stock ng L7 na Motorola?” singit ni Lenard.

                “Oh my God? Napapalibutan akong dalawang gwapo…” bulong ng sales lady.

                “Meron po Sir… Sundan nyo po ako…ito po ba?”

                “Meron ba kyong kulay pink?” wika ni Marco.

                “Oo nga kulay pink… tama! Sige nga Miss ikuha mo kami ng kulay pink na L7” wika rin ni Lenard.

                Pink ang napili nilang kulay para sa nanay ni Marco ngunit na dismaya ang sales lady…

                “Ay patay na… pink as in Fwwink talaga? Bongga!” bulong ulit ng sales lady na gulat na gulat.

                “Ito po Sir…”

                Ngunit di nagustuhan ito ni Marco kaya’t napagpasyahan nilang kulay itim nalang katulad ng kay Lenard ang kunin. Binayaran agad ni Marco ito at agad na silang umalis sa shop.

                Habang papalabas sila, pinagtitingin sila at pinag-uusapan ng mga sales ladies…

“Sayang naman, ang gwagwapo nila kaya lang… parehas ayaw sa tulya… magjowa pa ata…”         

                                “E kase naman kahit na ako di ako pipili ng bilasang tulya…! hahahaha…” wika ng isa.

                “Ay naku? dibale nang bilasa kesa naman dyan sa tulya mo… nagsasalita…hahahah!... madaldal pa…baka matakot ang makakita nyan baka kasi tumawa…hahaha” ganti naman ng isa.
Habang naglalakad ang mag-amo sa pasilyo ng mall, may naramdaman si Marco na ikinatuwa ni Lenard…

                “Nard, sadali muna…”

                “Bakit Sir? Ano po yun?” tanong ni Lenard

                “Naiihi ako… ihi muna tayo… tara…” wika ni Marco.
Nasorpresa nang labis si Lenard sa sinabi ni Marco, para sa kanya mas exciting yayain ng kanyang amo sa banyo, kaysa mamasyal sa mall. Dali-daling pumasok sila sa CR, ngunit nanlumo si Lenard dahil ‘divided’ ang ‘urinal’ at may mga harang ang bawat isa. Kaya’t imbis na umihi siya ay nanalamin nalamang.

                 Dalawa lang sila sa CR. Napansin ni Lenard na napakatagal umihi ni Marco. Nagtataka siya dahil alam nyang tapos nang umihi si Marco, wala na kasi siyang naririnig na agos ng ihi sa urinal. Ilang sandali pa’y nag-salita si Marco…

“Nard, halika bilis… wala namang tao e?” sabi ni Marco.

Nagulat si Lenard bilang kinabahan at naexcite…

“Paki-sarado nga itong zipper ng short ko… di ko maisara e…di kaya ng kaliwa kong kamay… mahirap… maganit na kasi siguro ang zipper… bilis baka may dumating pa na tao…” pakiusap ni Marco na para walang malisya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Lenard, pakiramdam niya’y lumulobo ang ulo niya. Hindi niya alam kung susundin niya si Marco.

“Sinusubukan ba ni Sir ang pagkalalaki ko…? Kung hindi ko sya susundin…? baka sabihin, naiilang ako? At magiging tama ang teoriya niya na bading ako…”

“Kung susundin ko siya, dapat ngayon na at patay malisya akong isasara ang zipper niya. Kung mabagal ako? Ibig sabihi’y para akong ng dadalawang isip, dapat alam nyang di ako ng aalinlangan – kasi ibig sabihin ay naiilang talaga ako…naku… Kalma lang Lenard… Kalma lang…” yan ang mga bumabagabag sa isip ni Lenard.

                “Sige na ‘Nard, isasara mo lang ‘tong zipper… Sige na please? Lalaki naman tayo parehas di ba? Ang hirap e...Wag ka nang mailang…” pakiusap ni Marco.

                “Putik!? Ano ba ang gagawin ko…? Isasara ko ba o hindi? Ano na Lenard? Ano na?” bulong ulit ni Lenard.

                Hanggang sa…

                “Ay ito na pala…sandali… ayan… nagsara na ang zipper… maganit na kasi e…” sabi ni Marco at sabay lumabas ng CR.

                “Ok na pala sir e… isasara ko na sana?” wika ni Lenard.

                Naiwan si Marco na hinayang na hinayang sa loob ng CR.

                “Putik…! Jackpot na sana naging bato pa? ARGGGG!!! SAYANGGGG!!! Ang tanga-tanga mo Lenard, ang tanga-tanga mo…”

                Palabas na si Lenard ng CR. Natanaw niya si Marco na may kinakausap na bata. Nakaupo siya habang kinakausap ito dahil sa mababa ang bata. Masaya ang mababanaag mo sa mukha ni Marco. Nang lalapitan na nya ang dalawa, may lumapit na babae sa kanila. Nakasuot siya ng mahabang palda at nakaspaghetti-strap na damit. Kinuha niya ang bata, kinarga at para ayaw ipahawak ay Marco…

                “OK Migs…Let’s go… say goodbye to Tito Marco…” wika ng babae.

                “Bha Tito Marco” ang sabi ng bata.

                At iniabot ng babae sa yaya ang bata. Hinintay niya ang magyaya na makalayo sa kanila.

                At kinausap ng babae si Marco.

                “Wala na tayo Marco, matagal na, mahal ko ang anak mo, kaya sa puder ko na sya… mamaya na ang flight namin papuntang Maldives… we will stay there for good…wag mo na kaming sundan pa…” wika ng babae.

                “Oo tanggap ko na wala na tayo… pero bakit mo inilalayo sa akin ang anak ko? Bakit parang ipinagkakait mo na maging tatay ako sa kanya? Bakit?” wika ni Marco habang gumigilid ang luha.

                Natahimik ang babae at tinitigan si Marco.

                “Kalimutan mo na sya… Kalimutan mo na si Miguel… in fact kaya nga kami pupunta sa abroad dahil nag-aantay na ang mapapangasawa ko doon…magpakasal na kami at tanggap siya ng mapapangasawa ko… Marco I’m sorry… Buo na plano ko…” ang malamig na pakikitungo ng babae kay Marco.

                “E paano naman ang mga plano ko? Napakasama mo… Bakit mo ginagawa sa’kin ito? Anong kasalanan ko syo?” wika ni Marco.

Hindi pinansin iyon ng babae bagkus iniwan niya si Marco na lumuluha…

              Natunghayan iyon ni Lenard at nagtaka kung bakit ganon na lamang ang nagyari sa usapan ng babae at ni Marco. Si Marco nama’y parang batang inagawan ng kendi. Napako ang kayang mga paa at tanging ang mga balikat niya lamang ang gumagalaw sa pag-iyak. ‘Di nya alintana ang mga taong dumaan sa harapan niya. Malalim ang kanyang paghinga, magkahalong galit at lungkot ang kanyang pakiramdam. Ilang sadali pa’y naramdaman niya na may humahagod sa likod niya, si Lenard.

                Sa gitna ng mall mayroong chapel na napaliligiran ng halamanan at palaisdaan at ito ang nagiging sentro ng atraksiyon ng mall. Maaliwalas ang kapaligiran. Niyaya ni Lenard si Marco na tumungo sa lugar na ito upang umupo at upang ilayo siya sa mga taong nakatingin sa kanila. Walang tinanong si Lenard kung ano at bakit, gustuhin man niya pero napangunahan siya ng alinlangan na baka pagsabihan siya ni Marco na huwag siyang makialam sa pangyayari.  Ang tanging ginawa niya lamang ay hagurin ang likod ni Marco.

               Nilingon ni Marco si Lenard. Napansin niya ang mukha nito na nag-
aalala at parang nagtatanong kung bakit?

             “Siya si Trixie… sya ang dating kong nobya… nagkaanak kami… Miguel daw ang pangalan…siya yung batang kausap ko kanina…” sabi ni Marco at walang tigil sa pag-iyak.

              “Bakit niya ipinagkait sa akin ang aking anak?  kahit 30 minutes lang! Kahit… 30 minutes lang… Ni hindi ko man lamang nayakap ang anak ko….Tito Marco?! Tito Marco ang gusto niyang itawag sa’kin ng sarili kong anak?! PUTANG-INA NYA!!! NAPAKASAMA NYA!!!” ang hinagpis ni Marco.
              
               Hindi na tapos ang pang-iyak ni Marco. Iyak ng masama ang loob. Malalim ang pahugot niya sa kanyang mga paghikbi. Basang-basa ng pawis ang kanyang leeg. Walang nagawa si Lenard kundi pag-masdan na lamang ang pagluha ni Marco. Gusto na ring gumilid ang luha niya sa kanyang mga mata sapagkat ramdam niya ang kalungkutang sinasapit ng kanyang amo. Ngayon niya rin napagtanto kung bakit ganoon nalang ang ugali ni Marco. Bugnutin at magagalitin parati.
               
                Dahil dito, pansamatalang umalis si Lenard at nagpaalam kay Marco habang nakaupo siya. Natukoy naman agad ni Marco ang kung ano pakay ni Lenard sapagkat napansin kasi niya sa sarili, na ang kaliwa niyang kamay ang pinampapahid niya sa kanyang mga luha. Alam niyang bibili si Lenard ng ‘tissue’ upang ipamahid ngunit nagulat siya sa binili nito…

“Pasensya na Sir...wala akong maipapayo sa'yo sapagkat 'di ko napagdaanan ang mga yan... Heto kainin nyo po, para lumuwag naman kahit na papaano ang dinidibdib inyo…” wika ni Lenard habang inaabot ang binili.

“Ice cream daw ang mabisang gamot sa mga pusong sugatan...”

“Salamat ‘Nard…” wika ni Marco.
Natigil ang pangluha ni Marco pansamantala, naibaling kasi ang atensiyon niya sa pagkain ng ice cream.

“Sir, kung gusto nyo ng mahihingahan nandito ang lang ako… kung gusto nyo ng karamay tawagin nyo lang ako… sa totoo lang Sir, hindi ako magaling magpayo hindi ako bihasa sa mga ganyan, pero kung gusto nyo ng kasama nandito lang ako…’di ko kayo iiwan…” sabi ni Lenard.

“Salamat ‘Nard, isa kang mabuting kaibigan…” sagot ni Marco.

“Sa totoo lang, ikaw pa lang ang nakakaalam ng matagal kong kinikimkim… Ikaw palang ang taong nag-alok ng ganyang serbisyo… Medyo mabuti na ang pakiramdam ko, nailabas ko nang lahat ang sama ng loob ko… Sayang… Ito na sana ang pinakamasayang araw sa buhay ko… ang mahagkan ko ang anak ko’t maging mabuti ama sa kanya…”

Sa araw na ito, lalong namangha si Lenard sa kanyang amo. Natunghayan niya na napakasimple bagay lang naman pala ang minimithi ni Marco sa buhay. Natunghayan niya rin ang iba’t-ibang emosyon ng kanya amo, ang magalit, ang matuwa at ang lumuha.

“Sa totoo lang, naiinggit ako sa inyo Sir Marco… kaya ninyong ipahayag ang nilalaman ng inyong puso ng walang pag-aalinlangan… kaya ninyong ilabas ng inyo emosyon sa harap ng maraming tao, samatalang ako… pinangungunahan ako ng takot, parang walang lugar sa mundo ang ipaghayag ko ang aking damdamin… bago ko pa kasi ipahayag, naiisip ko na ang kinalabasan, kung matatanggap ba nila o hindi… kung makakatulong ba ito o makakakapanira… Natatakot akong 
mareject…” wika ni Lenard.

                ‘Di pinansin iyon ni Marco, sa halip ay inatupag pa niya ang pagdila sa kanyang ice cream…

                “Nard, pano mo nalamang ice cream ang weakness ko? Ang sarap ah?” wika ni Marco.

                “Tingnan mo, kasasabi ko lang, maganda na sana ang pagkakaemote ko. talagang walang puwang sa mundo ang mga ipinahahayag ko…hmmp… pero ok lang ‘at least’ ok na ang mahal ko… wala talaga akong tyansang ipahayag ang sarili ko syo…hmmp..” sabi ni Lenard sa isip.      

                Lumabas na sila ng mall, nauunang lumakad si Lenard dala ang kanilang pinamili. Nang sasakay na sila sa kanilang kotse, naupo si Marco sa tabi ni Lenard imbis na sa likuran at iyon ang labis niyang pinagtaka…

                “Nard… Salamat… pwede ba kitang maging ‘bestfriend’?... Ikaw palang ang tao sa buong buhay ko ang napahingahan ko ng loob… ikaw palang ang taong nakakaaalam ng aking pagkatao… Sabi ko na nga ba? Tama ako at mali sila nanay, hindi driver ang kailangan ko… Dahil ikaw ang kailangan ko…” wika ni Marco.

                “Oo naman Sir Marco…” tugon ni Lenard.

                “Marco nalang ang itawag mo sakin…” sabay tapik ni Marco sa hita ni Lenard at sabay na umakbay…

                Kinilig ng husto si Lenard at bumilis ang pagtibok ng kayang puso. Dahil doon sinuklian niya ng ngiti si Marco. Napatitig si Marco sa mga ngiti ni Lenard at nagsimulang bumagal na ang oras. May parang kakaiba ginhawa ang mga ngiti nito na nagpabago ng kanyang pakiramdam.

                “Ayan na naman ang kanyang mga ngiti… para akong hinihypnotize… bumibilis ang pagtibok ng puso ko…” bulong ni Marco.

                “Pangiti-ngiti ka nalang dyan ah? Alam mo? Kung naging babae ka? Naku… Hinalikan na kita… hehehehe nakakainlove yang ngiti mo…” biro ni Marco kay Lenard.

                Nagulat si Lenard…            

                “Huh? Naku Sir Marco… Di tayo talo” ang panlinlang tugon ni Lenard na napangiti ulit sa tuwa.

                Bigla syang binatukan ni Marco,

                “Ano kaba? Sinabi nang Marco nalang e… Mokong ang itatawag ko syo…hahahahah” wika ni Marco.

                Nakapagpalagayan sila ng loob. Pero si Lenard, pilit paring pinipigilan ang damdamin niya kay Marco. Mas lalong naging komplekado ang situasyon ngayon para sa kanya. Mas mahihirapan siyang itago ang pagkatao niya kay Marco.


Itutuloy…