Sunday, February 16, 2014

Chapter 4: Si Lenard


      Alas kwatro y medya ng madaling araw, Lunes ng umaga, nagising si Aling Martha dahil sa “alarm” ng kanyang cellphone na naka-“set” rin sa nasabing oras.  Ito rin kasi ang oras niya para mag -“roving” sa kanyang boarding house at upang makapaghanda na rin para makapagsimba.
Clink Bondad aka Marco Reyes
from Smart Communications Inc.
taken from demigods.tk
Malaki ang boarding house ni Aling Martha, binubuo ng walong kwarto at ang bawat kwarto ay kasya ang apat na “boarders”. Naipundar niya ito sa tulong narin ni Marco at sa kasipagan niya sa pagtitinda sa palengke noong kasa-kasama niya si Aling Josephine. Karamihan sa mga “boarders” niya ay mga “young professionals”, estudyante at mga binata. Tahimik ang lokasyong ng kanyang “boarding house” kaya gustong-gusto ito ng mga call center agents. Kasa-kasama nya rito sina Rico, ang nagsisilbing gwardiya niya sa gabi, Nancy, kasambahay at mayor-domo at 4 pa niyang tauhan.
            Pagdaan niya sa kusina ay naabutan niyang naghuhugas ng kamay si Rico at agad nya ito tinanong?
            “Dumating na ba si Lenard?”
            “Ay ate kararating lang, akay-akay ko s’yang dinala sa kwarto niya, lasing na lasing, sumuka pa nga sa damit kaya’t tinulungan ko pang magpalit, heto nga’t naghuhugas ako ng kamay, nahawakan ko kasi yung suka, ang asim...” diring-diring paliwanag ni Rico.
            “Mabuti nama’t dumating na.”
“ …nagpaalam siya na baka gabihin daw sya ng uwi, kagabi ata nila ginanap yung padespedida ng mga katrabaho niya sa kanya, papano kaya s’ya nakauwi?”
“… teka muna? umalis na ba si Nancy? Sana’y magsigang siya mamaya para makahigop ng sabaw ito si Lenard, malamang masama pakiramdam nu’n paggising”.
            “Mga alas-kwatro po umalis si Ate Nancy, dala-dala niya yung payong ko, baka daw abutan sya ng ulan”, sagot ni Rico.
            “O shya, magkape ka muna’t, bibihis na ako, baka mahuli ako sa misa, dadaan pa pala ako kina Mareng Jo”, ang sabi ni Aling Martha.
            Likas na maalalahanin si Aling Martha hindi lamang sa mga boarders nya, pati narin sa mga tauhan niya at lalo na rin kay Lenard, kaya’t pagiging “loyal” naman ibinibigay nilang sukli sa kanya.
            Si Lenard ay isa sa mga paboritong “boarders” ni Aling Martha hindi dahil sa ‘good payer’ sya kundi parang ina na rin ang turing niya sa kanya. Ulila na ng lubos si Lenard kanyang mga magulang kaya’t ang tita niya na lamang ang nag-alaga sa kanya kasama ang mga pinsan niyang babae sa probinsya. Nang matapos niya ang high-school, lumuwas siya sa Maynila upang dito makipagsapalaran. Nakilala ni Aling Martha si Lenard ng mga simula magtrabaho si dito. Isa rin siyang mahirap ngunit bunga ng pagsusumikap naipagtapos niya ang kanyang sarili. Dahil sa angking kagwapuhan, naging salesman sya sa kilalang “mall” sa umaga at nag-aaral sa gabi. Kung minsan umi-extra siya sa pamamasada ng taxi, sa kapwa niya boarder, lalo na kung pag-araw ng pahinga. Nang makatapos ng pag-aaral sa Kursong “Computer Science”, nag-apply siya bilang “Programmer” sa Filinvest. Tatlong taon siyang nagtratrabaho sa kumpanya ngunit hindi nya hinangad na magtagal dito kaya’t nagpasya siyang magresign na lamang upang makipagsapalaran sa ibang bansa.
            Makisig at matikas si Leanard na parang sundalo ang pangangatawan, may taas na 5’8, batak ang katawan na para bang inukit ng mga angel. Barakong-barako kung tingnan. Kahawing niya si “Clint Bondad” ngunit mala-kayumanggi ang kanyang kulay. Meron siyang nangungusap ng mga mata at maamong mukha. Dahil din sa kanyang pagiging bigotilyo, lalung lumalakas ang kanyang “appeal”. At kung sino mang babae ang makakasalubong niya sa kanyang daraanan, agad silang mapapalingon at makakandarapang muli siyang tingnan.
 Mabait si Lenard, pasensyoso, maalalahanin at magalang. Ang kanyang ngiti ay nagpapaamo, kaya’t pag ikaw ay nginitian niya, wala kang magawa kundi susuklian mo rin siya ng ngiti. Siya yung tipong iiyakan ng mga kababaihan at di na pakakawalan habang buhay.
Ngunit malayo man sa kanyang imahe, may isa syang kapintasan na pilit niyang itinataboy sa kanyang pagkatao at pilit niyang iwinawaksi sa sarili, iyun yung –paghanga niya sa kapwa niya lalaki. Nasa ikatlong taon na sya sa High school ng maramdaman niya ito. Tila baga isang kaluluwang sumanib sa kanyang ulirat na parang bang damong ligaw na bigla nalang umusbong sa kanyang pagkatao at maihahalintulad mo ito sa aninong gusto mong takbuhan ngunit di ka pa rin nilulubayan. Wala siyang magawa sa bagay na ito kundi ilihim na nalamang sa iba.
            Mag-isa lamang si Lenard sa kanyang kwarto, hiniling niya kay Aling Martha na dun muna siya pansamantala habang wala pang umuukupa nito at pinagbigyan naman siya. Nagising siya ng alas-tres ng hapon dahil sa tunog ng kanyang “cellphone”.  Dahil sa liwanag na tumatagos sa bintana ng kanyang kwarto, hindi niya agad naimulat ang kanya mga mata, kaya’t pilit niya kinakapa ang cellphone dun sa bahaging tumutunog ito. 
            “Hello?” aniya.
            “Ano? 3 to 4 months pa? Bakit?” Ang gulat niyang tanong.
            “Nagkaproblema? E kareresign ko lang, wala akong ‘income after the next 3 months’, pambihira naman.”
            Napaupo siya sa kanyang kama at ibinaba ang “phone” sabay hilot sa kanyang noo.
            “pambihira naman?” bulong niya.
Masama ang kanyang pakiramdam at lalo pang sumama ito tungkol sa masamang balita. Masakit ang kanyang ulo na para bang may binabaong pako. Medyo maasim ang kanyang panlasa at parang umiikot ang kanyang sikmura. Masakit din ang kanyang mga kasukasuan at pati na ang kanyang likuran. Dahil sa kanyang nararamdaman patakbo siyang dumirecho sa banyo para dumuwal, pero wala siyang mailabas.
Pagkatapos noon, saka nalamang niya na pansin na naka sando at brief lang pala siya. Dahil iyon ni Rico, gusto sana siyang palitan ng damit kaya lang nahihiya siyang halughugin ang cabinet ni Lenard kaya’t ang polo niyang may suka at pantalon na lamang pati na ang sapatos at medyas niya ang tinanggal.
Binaba niya ang puting “Handford” brief at itinutok ang kanyang sandata sa “toilet bowl” upang umihi. Mabilis ang daloy ng kanyang ihi. Papikit niyang ginawa iyon at lulugo-lugo pa. Halos di na umiiksakto ang ihi niya sa “toilet bowl”. Pagkatapos nito, pinagpag ang kanyang alaga. Upang maibsan ang kanyang masamang pakiramdam, hinubad niya ang kanyang sando at dung tumambad ang kaya ang ‘karog’ na mala-buhok na pusa na gumagapang papuntang pusod. Hinubad niya rin ang kanyang “brief” at naisipan na maligo na lamang kahit na bumubuhos ang napakalakas na ulan.
Samantala, nagising na si Marco. Nailipat na rin siya sa pribadong kwarto kung saan maliwas at tahimik. Nandun din sila Aling Josephine, Aling Martha at Jane. Si Grace ay umuwi muna upang magpahinga sapagkat may pasok pa siya sa trabaho sa gabi. At si Emily naman ay bumalik na sa opisina.
Nang maimulat ni Marco, agad niyang nakita ang kanyang ina na nakadungaw sa bintana na parang naaaliw sa pagtanaw sa mga tao, kotse at mga nasirang mga puno gawa ng bagyo, sa ibaba ng ospital. Agad naman niyang tiningnan ang kanang braso na noo’y nakasimento na.
“Ma? Kumain na po kayo?”, ang unang binanggit ni Marco na para bang nag-aalala.
            Nagulat si Aling Josephine at masayang tinungo ang kanyang anak. Agad namang inilapag ni Jane ang magasin na kanyang binabasa sa lamesa at tumungo rin kay Marco. 
            “Gising ka na pala anak, Oo kumain na kami, bakit nagugutom ka ba?” sabay hawi ni Aling Josephine sa buhok ni Marco.
            “Ibibili kita kuya ng makakain, anong gusto mo kuya?” ani ni Jane.
            “Oh? gising na pala ang alaga ko e?” ani Aling Martha na palabas sa banyo ng kwarto.
            “Tubig po, na uuhaw po ako? Kumain na po kyo Ninang?” sabi ni Marco.
            “Oo anak, kumain na?” sabi ni Aling Martha.
            “Nadulas ka daw natapakan mo daw yung pentel pen, tapos tumama daw yung ulo mo sa upuan kaya nawalan ka daw ng malay, tapos yang braso mo, iyan daw yung ipantutukod mo. Sa sobrang lakas, nabali yung buto at lumabas sa balat, yun yung sabi samin ni Emily” ang paliwanag ni Aling Josephine habang inaabot ang bote ng “mineral water”.
            “Emily?” sabay tungga ni Marco ng bote ng tubig.
“Ma, pakiabot nga po ng ‘phone’ ko?” pakiusap ni Marco sabay bigay sa nanay niya ng bote.
            Agad namang kinuha ni Jane yung ‘cellphone’ at iniabot sa kanya.                       
            Binukasan ni Marco yung ‘phone’ dahil naka-‘switch off’ ito.
            “Emily?........”
“Yes! I’m good” wika ni Marco na mababa ang boses.
“by the way, thank you so much for all the things you’ve done, I really appreciated it and I acknowledge it for what you did. Maasahan ka talaga…”
“And... I’m sorry for what I did early this morning. Can you forgive me?” ang pansensya ni Marco sa Emily.
            “I will not forgive you sir, hmmp.. unless you blow me a kiss?” ang sabi ni Emily sa isipan at kinikilig pa.
“Don’t mention it Sir, magpagaling nalang muna kayo?”
            “Anyway, how’s the meeting?” tanong ni Marco.
“Sir, due to the weather, they cancelled the meeting, in fact, maraming mga managers ang di nakapunta,”
“Buti nga e, kasi di ko pa nanatapos yung report” ang sabi ulit ni Emily sa isip.
“I’ll try to inform you sir, as soon as the meeting has been rescheduled pherow, definitely not tomorrow yung bagong sched, kasi may iba ng schedules yung mga managers, wala pang particular date na ibinibigay ang mga taga-Laguna, they said they will send us notifications daw, by the way sir, have you try to call Mr. CEO and Mr. CFO? They already know your situation Sir? They’ve been trying to call you? And they felt sorry for that?” paliwanag ni Emily.
“Ah ganon ba? Sige I’ll try to call them later, di bale papasok nako bukas…” sabi ni Marco.
“BUKAS???!!!” ang sabi nila Aling Josephine, Aling Martha, Jane at pati na si Emily.
“Sabay sabay pa kayo ah? OO, bukas, papasok na’ko” sagot ni Marco.
“Sir magleave muna kayo mga couple of days or a week segurow, I can handle things here naman e.” sabi ni Emily.
“No, pag-sinabi ko sinabi ko.” Sabay baba ng phone ni Marco.
“Toot…Toot…Toot…”
“Edi pumasok ka! Namimiss mo lang siguro ako e? Hmmp…” sabi ni Emily na pagalit habang kinikilig.
“’Nak? Papasok kana bukas? Yang lagay mung yan? Abay magpahinga ka muna?”, ani ni Aling Josephine.
“Adik din ‘tong si kuya, pamartir effect? pabayani? Nako nasayang lang ang buong maghapon ko sana pumasok nalang pala ‘ko, gagawa pa naman kami ng bagong recipe..” bulong ni Jane.
“Hay nako? Bahala na nga kyo diyan, naku mare uuwi muna ako, panatag na ‘kot nagkamalay na si Marco, para nuong tinuli sya, nawalan din ng malay hehehe.  O shya, uuwi muna ako, titingnan ko muna yung bahay ko, kung buo pa. Ang lakas ng ulan. Bibisita nalang ulit ako bukas.” ani Aling Martha.
Biglang namula si Marco.
“Ingat ka Mare ha maulan? At salamat narin, Jane hatid mo nga si Tita mo palabas?” sabi ni Aling Josephine.
“Magtataxi nalang ako pauwi, tara na Jane”, sagot ni Aling Martha.
“Bye Ninang” ani Marco.
            Mag-aalas kwatro na ng hapon ng makauwi si Aling Martha, agad siyang sinalubong ni Nancy sa taxi at may dalang payong para isukob siya.
            Ng pagpasok niya sa bahay, naabutan niya si Lenard na umihigop ng “instant noodles” sa lamesa. Pinagmasdan niya ito at napansing namumutla at malalim ang iniisip. Nilapitan niya ito at tinanong.
            “May problema ba? May hangover ka? Para kang nalugi ah?” tanong ni Aling Martha.
            “Sinisikmura ako ‘Nay e… Naparami ang inom naming, buti nahatid ako dito sa tapat ng bahay, hinapon ata po kayo? May kadate po kyo ‘no?” sabi ni Lenard habang hinaplos ang tiyan.
            “Che! galing ako sa hospital sinugod si Marco naaksidente kasi… yung anak ni Ate Jo mo? Kilala mo ba yun?” sabi ni Aling Martha.
            “Ahh… yung pogee?,” ang padulas na sabi ni Lenard na biglang namula at nahiya.
            “Este yung may itsura? kaya lang mukhang isnabero. Nakikita ko lang siya paghinahatid si Ate Jo dito. Pagdumadalaw sya, pero di naman bumababa ng sasakyan yun e. Napano daw ba?”
“Hmmp! Basta wag munang itanong, Teka?! Ang dami mo daw sinuka, pati daw sa damit mo may suka sabi ni Rico? Siya ang naghatid syo sa kwarto mo. Teka uminom ka na ba ng gamot? May Kremil-S ako dyan?” sabi ni Aling Martha.
            “Siya ba ang naghatid sakin sa kwarto? Di ko namalayan e, asan na nga pala sya?” ani ni Lenard.
            “Ay tulog pa yun… mamaya pa gising nun mga alas – siyete, duduty yun ng alas-syete y medya” sabi ni Aling Martha.
            “Nakakainis ‘Nay, tumawag yung agency na papasukan ko sa Dubai, 3 to 4 months pa daw bago ako makaalis ng Pilipinas, bigla daw kasi nagkaproblema yung kumpanyang papasukan ko sa abroad, kareresign ko lang, matetengga ako dito ng 4 na buwan” ang sumbong ni Lenard kay Aling Martha.
            “O mabuti naman samahan mo muna ako rito sa bahay, nako mamimiss kita pag-umalis ka…” ang sagot ni Aling Martha.
            Hindi pa nanatatapos sa pagsasalita si Aling Martha e may biglang sumingit sa usapan nila.
            “Hoy! BOY-SUKA! Nagising ka na pala? Langya ka di mo kami pinatulog kagabi kakasuka mo? Naririnig ka namin sa kabilang kwarto, para kang kinakatay ah? Dahil di mo kami pinatulog kagabi, magpapainom ka ngayon... Hehehe!!!” ang sabi ng isa sa mga boarder ng kararating lang galing trabaho.
            “Ahahaha, ipainom ko sa inyo ang mga isinuka ko e heeheheh, Next time tol, sinisikmura pa ako e hehehe…pass muna ako”sagot ni Lenard.
            “Asahan namin yan ha?!” sago ng isang boarder na papalayo na sa kanilang dalawa.


            Itutuloy…

Wednesday, February 5, 2014

Chapter 3: Sa Ospital


Isang kalunus-lunos na kapaligiran ang tumambad kina Aling Josephine at mga kasama niya. Ang mga daho’t sanga ng mga puno ay nakakalat sa daraanan nila. Si Ate Beth lamang ang tanging naiwan noong Lunes ng umagang yaon sa bahay.  Di na gaanong malakas ang ulan ngunit di parin humuhupa ang baha. Lulan ng taxi, lahat ay balisa at ang tanging dinandalangi’y sana’y nasa maayos ang kalagayan si Marco at di malubha ang nagyari sa kanya. Kung gaano katindi ang pag-aalala si Aling Martha, Jane at Grace, sampung beses kay Aling Josephine sapagkat napagdaanan na niya ang pangyayari ito sa kanyang asawa.  Sana’y isang panaginip na lamang ang lahat ng nangyari.
“Hello? Ms. Grace? …Yes,…I’m here at the hall near sa admission ng hospital, dito ko na lang kayo imemeet?...So far unconscious parin sya pero mas ‘at ease’ sya dito, nasa E.R. sya ngayon,… It’s a long story e,… I’ll tell you later once we meet here” ang sabi ni Emily habang kausap niya ang pinsan ni Marco na si Grace.
Abala ang mga tao sa hospital kahit ‘di maganda ang panahon. May kararating lamang na pasyenteng duguaan. Isa siyang motorista naaksidente gawa ng madulas ng daan, meron ding mga “out-patients” na nagpapacheck-up, may mga grupo ng mga nurses na nagkukumpulan sa isang sulok at ang iba nama’y nag-aantay lamang sa bulwagan.
Pagkahinto ng taxi sa harapan ng ospital, agad-agad na bumaba si Aling Josephine at tumungo sa bulwagan, tila baga walang kasama kung bumaba ng taxi. Agad ring bumunot ng pera si Aling Matha upang ipambayad sa driver ng taxi at sabay na bumaba, kasama ng dalawa at tumungo na rin sa bulwagan.
Malawak ang ‘hall’ ng opital, malinis at makitab ang “marbled floorings” nito. Maaliwalas at maliwanag dahil salamin ang nagsisilbing dingding nito sa harapan, at malamig dahil sa “centralized airconditioning system” nito, isabay mo na rin ang malamig na panahon.  Hindi mo akalaing nasa ospital ka.  
Pagpasok ni Aling Josephine sa bulwagan ay bigla siyang nataranta, di alam kung saan pupunta at kung sino ang nais nyang pagtanungan. Hindi nya napansin na nasa kalagitnaan na pala sya ng bulwagan. Dahil sa nagawa niyang yaon, agad na napansin ni Emily na nakaupo sa “bench” malapit sa admission desk.
“Mrs. Santos?!” aniya at sabay kaway upang mapansin siya nito.
Agad na lumapit si Aling Josephine sa kanya.
“Ikaw pala Emily, saan si Marco? Kumusta na sya? Ano bang nangyari?” Nag-aalalang bati ni Aling Josephine.
“It’s nice to see you again Mrs. Josephine, kaya lang, nagkita pa tayo sa ‘di magandang situasyon, nasa emergency room po sya, wala pa ring pong malay” ang bati ni Emily.
“Hi Ms. Em..Muah..” ang biglang singit ni Grace sabay beso, “How’s Kuya? What happened to him?”
“Well he’s in the E.R., still unconscious, he but his fine there” sagot ni Emily.
“We’re unaware what was happened to him, we thought that he had a car accident” sabi ni Grace.
“He casted the whiteboard marker, then nalaglag sa floor ta’s natapakan nya, nadulas shya, yun, nabali yung ‘arm’ nya and tumama yung ‘head’ nya sa chair and that made him segurow ‘unconsious’, you know walang malay”. “After that we rushed him here, buti malhapit lang itong hospital kaya whalha pang 30 minutes nandito na kami”.
Si Aling Josephine at Aling Martha ay nakatingin lamang sa dalawa. Titingin kay Emily kung magsasalita si Emily at titingin din kay Grace kung magsasalita din si Grace. Para silang nanunuod ng laro sa Tennis court. Gusto sanang magtanong ni Aling Martha, kaya lang baka maubusan siya ng ‘english’ kaya minabuting manahimik na lamang siya. Si Jane naman ay malapit ng kumulo ang dugo dahil sa kakikayan ng pananalita nila Emily at Grace.
“So what’s the findings daw?” tanong ni Grace.
“Well? he needs daw ng ‘reduction’, you know?, yung ibabalik yung ‘dislocated bones’ niya, kasi kumabas sa ‘arm’ e…”paliwanag ni Emily. “Pherow, you have to sign some papers there, to start the operations daw, I’m not authorize to do it e”.
“Oh Shitty Men, isa pa mananapak na’ko” bulong sa sarili ni Jane.
“Can you lead us there, Ms. Em.., We’ll try to see his condition” sabi ni Grace.
 “Yeah sure follow me” sabi ni Emily.
            Sinundan nila si Emily papuntang Emergency Room. Habang naglalakad sila, may nasalubong silang matandang lalaki na nakasuot ng puting damit. Ang doktor na tumitingin kay Marco.
“Wait, I think that’s his physician, We better ask him” sabi ni Emily “Excuse me Dr. Rivera? What’s the latest findings? By the way doc, sila yung family ni Sir. Marco, she is his mother, si Mrs. Santos. Mrs. Santos si Dr. Rivera po ang duktor ni Sir Marco”.
“Hello Ma’am, I’m Dr. Antonio Rivera, I’m Mr. Santos’ Orthopaedic, it’s nice to see you” magalang na sabi ni Dr. Rivera.
“Good Morning Doc” sabi ni Aling Josephine. “Kumusta na po ang anak ko?”
“We’ll kailangan operahan siya mamaya-maya, pero kailangan po naming kasi ng permission na mangagaling sa inyo to start the operation, so far OK naman si Marco, unconscious nga lang, but we’ve checked his contrast CT-scan, wala namang damage sa ‘head’ niya” paliwanag ni Dr. Rivera
“Pero doc yung kamay niya, OK naman ba?” tanong ni Aling Josephine.
“Well based dun sa X-ray niya sa arm, parehas bali yung ‘radius’ at ‘ulna’, lumabas sa balat yung ‘radius’ so we have to do the reduction, yung ibabalik into correct positioning ng bones and kailangang i cast ito, pero don’t worry Mrs. ‘di naman malubha ito, common yan sa mga basketball players and athletes, All you need to do, is to sign the papers there kay nurse Joy sa E.R. upang dalhin na namin sya sa O.R.”paliwanag ni Dr. Rivera naparang nagmamadali. “Am? Mrs. Santos I’m very sorry, I have to cut this conversation, I need to prepare for the operation, I’m on my way to Anestethics para mastart na operation within 30 minutes”.
“Mare ano daw?” blankong tanong ni Aling Martha.
“Radius daw? Ulna? Anistitik daw? Ay ewan, ipaliwanag mo nga Grace” sabay kalabit ni Aling Josephine kay Grace. Blanko rin ang utak ni Aling Josephine matapos magpaliwanag ng duktor.
Mamatay-matay sa pagpipigil ng tawa si Jane. Halos mamula ang mukha. Para syang may sariling mundo sa gilid ng grupo.  “Anistitik… wahahahahaha anistitik ang puta… whaahahahhah parang Itik wahahahahaha” ang sabi sa isip ni Grace at nakangisi.
Agad na nilapit nila si Marco, tiningnan ang kalagayan at hinimas ni Aling Josephine ang ulo niya. “Mas OK na po Mrs. Santos ang kalagayan nya kaysa kanina, tinurukan na kasi ng duktor ng pain reliever” sabi ni Emily.
Agad namang nagtungo si Grace kay nurse Joy para asikasuhin ang papeles.
Matapos ang 30 minutes ng pagpoproseso sa mga papeles, agad na dinala ng mga nurses si Marco sa “Operating Room” upang simula ang operasyon.
Maliwanag at maluwag ang loob ng ‘operating room’, kumpleto sa gamit. Naroon narin si Dr. Rivera sa loob, kasama ng isang pang nurse, at abalang inaanyos ang mga gamit pang-opera. Sila Aling Josephine naman ay nasa labas at hinihintay ang resulta ng operasyon.  Umalis muna sandali si Jane upang kumuha ng maiinom. Si Emily naman ay abala sa kakatawag sa kanyang cellphone.
Nang magsisimula na ang operasyon, nagkamalay na si Marco. Nagising siya dahil sa ilaw ng nakatutok sa kanya. Agad na hinawakan niya ang kanyang ulo, sapagkat masakit ito, gamit ang kaliwang kamay.  Malabo pa ang paningin niya, kaya’t kinusot nya ang kanyang mga mata. Nang luminaw na ang kanyang paningin ay nagtataka siya. Hindi niya alam kung nasaan siya. Maliwanag ang kisame at tahimik ang paligid. Mabuti na lamang ay lumapit ang kanyang duktor.
“Oh, you’re awake Mr. Santos, but I’m sorry you have to sleep again” sabi ni Dr. Rivera sabay tinurukan ng pampatulog upang ‘di niya maramdaman ang sakit ng operasyon.
“Where am I Sir?” sabi ni Marco.
“You’re in the operating room, you had been in an accident earlier? Your secretary, Ms. Emily, together with some of your personnel had been rushed you through here, by the way, I’m Dr. Antonio Rivera, your surgeon” paliwanag ni Dr. Rivera.
“So, Doc what’s my diagnosis?” tanong ni Marco na may malalim at lalaking-lalaki ang boses.
Pinagmasdang mabuti ni Dr. Rivera si Marco, napansin niyang malakas ang loob ni Marco sa anumang gagawin nila operasyon.
“Hmmm, you have a right arm injury, dislocated yung radius at ulna so kailangang ibalik ito sa dati”. sagot ni Dr. Rivera.
Agad na nabigla si Marco, namutla ng makita ang kanang kamay niya. “Sosoo, what’s your procedure doc?”
“Well?... I’m going to cut the tissue here…” ang prangkang sagot ni Dr. Rivera sabay turo at iginuhit ang haba ng paghihiwaan sa kamay ni Marco. “to have an opening para madaling ibalik ang buto, we’ll just put an anesthesia so you won’t feel the pain”.
“Pain? Oh! my God!” ang pabulong niya sabi. Lalong kinabahan si Marco at pinagpapawisan. Dahil mauulit muli sa buhay niya ang paghiwa sa balat niya. Gusto niyang sumigaw ng malakas. Gusto niyang magpumiglas. Pero din niya ginawa. Kaya pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Ngunit lalo pang lumala ang pagkatakot niya ng makita ang isang pang duktor na lumapit sa kanila at may dalang malaking “injection”.  Sa sobrang takot, hinimatay siya. Napansin ni Dr. Rivera ang nagyari sa kanya, pero binalewala nya lamang iyon at sinabi niya sa sarili, “siguro umepekto na ang pampatulog”. Kaya’t inumpisahan na nila ang operasyon.
Sa labas ng operating room, biglang tumawa ng malakas si Aling Martha parang may naalala, “Ay mare, naalala mo yung tinuli si Marco? Simple operasyon lang yun di ba? Bat siya hinimatay? Wahahaha!”.
“Ay oo nga hahahah!, naku sana wag muna syang magising, baka himatayin siya ulit hahaha!” ang sabi ni Aling Josephine na tawang-tawa. 
Pansamantalang bumaba ang tensyon sa kanila.
Pasimpleng narinig iyon ni Emily at gumana ang kanya imahinasyon, “Naku, ano kaya ang itsura nung tuli ni Sir? Naku naman? Hmmmmm…Hehehe” ang sabi niya sa isip habang nakatingin sa labas ng ospital at kagat-kagat ang labi.
Napansin iyon ni Grace at nagkunot-noo. Kababalik lang niya upang kumuha ng kape at kunting pagsasaluhan nila.


“Ano kaya ang ginagawa ng babae iyon? Parang kinikilig at may tinitingnan sa labas? May minamanyak kaya siya doon? Hmmp”, sabay tingin sa labas.


Itutuloy