Thursday, December 11, 2014

CHAPTER 10 (1ST PART): ANG FIESTA




CHAPTER 10 (1ST PART)
ANG FIESTA

Maliwalas ang panahon at maulap ang himpapawid na siyang nagbibigay ng lilim sa malawak na bahagi ng baybayin. Ang mga ibo’y malayang nakalilipad sa kalangitan at ang iba nama’y abala sa paghahanap ng pagkain sa malinaw na tubig ng dagat. Malinis at tila pulbos ng gatas ang baybayin kaya nama’y nakapanghihikayat ito sa mga taong maglakad ng nakapaa.

 Sa di kalayuan ng baybayin, naglalakad si Marco at nakatanaw sa malawak na karagatan. Maaliwalas ang kanyang mukha at walang bahid ng pag-aalinlangan. Ilang sandali pa’y may lumapit na bata sa kanya upang iiabot ang nalikom nitong mga kabibe. Imbis na abutin ang mga kabibe, binuhat niya ang bata upang kargahin. Hinalikan niya sa pisngi at niyakap ng mahigpit. Ang batang ito’y si Miguel na kanyang anak. May isang babaeng lumapit sa mag-ama. Nakasuot ng asul na bistida at malaking sombrero ang babae. Ibinaba ni Marco ang bata pansamantala upang yakapin naman ang babae na kanyang asawa. Hinawakan niya ang baba nito at hinalikan ng matagal. Matapos nito’y iminulat ni Marco ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang mukha ng kanyang asawa. Lubha siyang nagulat ng makita niya na si Lenard pala ang hinalikan niya at nakasuot din ng asul na bistida at malaking sumbrero.  Isang panaginip lang pala.

“Plofff!!!”

Nagising si Marco at basang-basa ng pawis ang buong katawan. Maaga siyang nagising sa tila bangungot na panaginip at pansamantalang naupo sa kanyang hinihigaan. Kinapa niya ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras. Alas-kwatro y medya ng Lunes ng umaga. Mas maaga ng 30 minutes sa itinakdang alarm niya sa kanyang cellphone. Matapos nito’y nahiga muli’t sinariwa ang kanyang napanaginipan. Pero imbis na sariwain ang pagkarga niya sa kanyang anak, mas nagpokus siya sa paghalik niya kay Lenard. 

“Bakit kaya si Lenard ang nasa panaginip ko? Bakit hindi si Trixie ang kahalikan ko?”

“Bakit parating umiikot ang atensiyon ko kay Lenard sa buong Linggong ito? Hindi kaya tama ang teorya ko? Na…”

“Na… mangkukulam nga sya?”

“Na… aswang siya?”

O baka naman…”
.
.
.
Napaisip ng matagal si Marco.

“Baka naman…”

“Nagkakagusto ako sa kanya?”

“HINDI!!!... WAAAHHH!”

“Teka, kilala ko ang sarili ko… Hindi ako bading… hindi ako bading… HIN..DI A..KO BA…DING…TAPOS!”

 “Tama…Hindi nga…Naiinsecure nga lang ako…hehehehe…”

“Insecure lang talaga ako…”
“Teka hindi porke’t nakakagusto lang sa kapwa lalaki e bading na? Oo insecure lang talaga ako…Period!!!…”

.
.
.
“PERIOD???” sabay hawak sa bibig niya…

“Bakit nagpePERIOD nako?”

“Bakit yung iba namang barako nagsasabi ng PERIOD ah? heheheh”

“Teka ba’t nga ba ako naiinsecure? Ano bang meron sa kanya? Wala naman…”
.
.
.
“Yung na nga e… Naiinsecure ako sa wala naman…”

“Hindi ba kabaliwan yun? Teka…, hindi kaya baliw na ko?”

“Baliw ako sa kanya???”

“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!”

“OK nang insure ako sa kanya, wag lang mabaliw ako sa kanya?”

“O baka naman crush?...”

“Pwede ba ang lalaki magkacrush sa kapwa lalaki?”

“Di insecure lang ‘to…”

“Ano kaya ang gagawin ko para mawala ang pagkainsecure ko sa kanya?”
.
.
.
“Alam ko na!?... Hahanapan ko siya ng kapintasan sa katawan… heheheheh…”

“Tapos… tapos yun lang?”

“OO yun lang, paunti-unti muna… hanggang maging confident ako ulit sa sarili ko… heheheh…dyahe kase ito cast sa braso ko… nakakawala ng confidence… sana gumaling na ito...”
            
           “RRRRRRIIIINNNGGG!!!”
             
            At tumunong na ang itinakdan alarm ni Marco sa cellphone niya.
.
.
.
            Suot ang kulay puting polo-shirt at kulay “dark-khaki” na patalon, maagang pumasok si Lenard sa bahay nila Marco dahil ito ang araw na opisyal na siyang magtatrabaho kay Marco bilang isang driver. Excited na excited ulit makita ni Lenard si Marco, pero sa pagkakataong ito kinakailangang bilang ang mga galaw niya upang huwag mabasa ni Marco ang mga kilos niya at di mahalatang may langsa siyang pilit niyang tinatago.

Si Marco nama’y nakasuot muna ng T-shirt at itim na pantalon. Naghahanap kasi siya ng kasama sa bahay na tutulong sa pag-suot ng damit sa kanya. Pagbaba niya sa hagdan napansin niya ang pagpasok ni Lenard sa pintuan ng bahay.

“Morning Sir, kukunin ko na po ang susi ng kotse…” bati ni Lenard.

“Ang aga mo ah? Kumain ka na ba?” tanong ni Marco.

“Kumain na po ako sa boarding house…” ngumingiting sagot ni Lenard.

Napansin ni Marco ang ngiti ni Lenard na syang ikinagulat nito at umiwas na lang ng tingin.

Lumapit si Lenard kay Marco.

Napansin ni Marco na nakapolo-shirt lang ito.

“Oh!? Ba’t nakapolo-shirt ka lang?” tanong ni Marco.

“E Sir, baka naman mag-over dress ako kung mag lolong sleeves ang driver mo…” sagot ni Lenard.

“Ano ka ba? Lika sa kwarto ko hanapan kita ng long-sleeves… Tsaka di na kita driver no… Personal Assistant na kita… Mahirap kasing kumilos sa opisina kung naka-cast ang braso ko… Ano tara na… tulungan mo na rin akong magbihis mahirap ipasok sa damit ang cast e...” sabi ni Marco.

“TWINGGGGGGG!!!!!”

“Nako eto na naman tayo…Mahihirapan na naman akong magpigil nito… bakit ba ako nalagay sa alanganin…sa mahihirap at masasarap na sitwasyon…tapos mauudlot naman… sa maling kilos buhay ko ang nakataya at mukha ko ang panangga…” bulong ni Lenard.

Napalakas ang bulong ni Lenard “Hayyy!!! FIESTA na naman...”

“Huh? Anong Fiesta?” tanong ni Marco.

“Ah? Eh? Wala po Sir… Fiesta pala sa barangay ng kaibigan ng kapatid ng asawa ng boardmate ko sa Linggo naalala ko lang po…” wika ni Lenard “Naku… muntik na… kalma kasi… kalma lang…”
“Ah…” sagot ni Marco.

Pumasok sila sa kwarto ni Marco.

“Yan pumili ka nalang ng long-sleeve magkasize naman ata tayo ng katawan…” wika ni Marco.

Tinitinginan ni Marco ang hubog ng katawan ni Lenard habang namimili ito ng damit. Sinimulan niya sa balikat, braso at dibdib. Napansin niyang walang tiyan si Lenard. Nag-simulang maglaro ang isipan ni Marco at biglang natauhan.

“Ano kaya ang itsura ng katawan niya?”

“Naku… ba’t ko inaiisapan ang mga bagay na iyon…”

“Hindi ako bakla… hindi ako bakla…”

“Insecure lang ako…yun lang…”

At sabay na tumalikod si Marco upang iwasan niyang tingnan si Lenard. At wala namang kaalam-alam si Lenard sa nangyayari…

“Ito nalang Sir… Dark green… babagay naman ito sa pants ko…” wika ni Lenard.
            
 “Bahala ka na…”wika ni Marco na nakatalikod kay Lenard at kunyare ay may ginagawa sa kama.
            Agad niyang tinanggal sa pagkakahanger ng damit.
            “Sir dito nalang ako magbibihis ok lang ba?” wika ni Lenard.

“TWINGGGGGGG!!!!!”

            Natigilan si Marco at di nakapagsalita.

            “Maghuhubad siya…” bulong ni Marco at nakakagat labi.

            “Pasimple ko nalang nalilingunin…wala namang sigurong masama pareho naman kaming lalake at wala namang malisya dun ah…” bulong ulit ni Marco.

            Hinubad ni Lenard ang Polo-shirt. Sa pagtaas niya ng damit, unang sumambulat ang abs niyang may karog simula sa pusod hanggang sa karugtong nito. Tanging sa puting brief na lamang natatapos ang pagkahaba ng karog at tumatakip sa dulong bahagi. Fully develop ang six-pack abs niya at detalyado ang pagkakahulma. 
            
            Kitang-kita rin ni Marco ang chest ni Lenard. Malaki at malabato ang dibdib nito. Sa sobrang laki, nabanat ang ariola ng nipples nito kaya nagiging pinkish ang kulay. Tuluyang hinubat ni Lenard ang polo shirt at pansamantalang inilapag sa kama. Halos lumobo ang ulo ni Marco at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa…
            “Ang ganda ng katawan mo ah?” ang patay malisya niyang sabi ni Marco.
            
             Nahiya si Lenard kaya tumalikod siya kay Marco.
            “Hindi naman Sir…Mas hubog nga katawan ninyo kesa sa’kin”, wika ni Lenard.

            Sa pagtalikod ni Lenard, napansin naman ni Marco ang pwetan ni Lenard. Matambok ito at perpekto ang pagkakahubog sa pantalon niya. Lumalabas din ang puting brief sa likurang bahagi.

            Napakalakas ang impact nito kay Marco, di lang sya nagpapahalata.

            “Shit! Ano ba namang nayayari sa akin, bat ako nasisilaw sa katawan ni Lenard…”

            “Insecure lang ‘to, insure lang…” bulong ni Marco at biglang kinakabahan.

            Napaisip si Marco at nagwika.

            “Teka ‘Nard… Mag-undershirt ka… teka hanapan kita dito…” wika ni Marco.

            “Thanks Sir, next time maglolong-sleeve na ako bukas…” sagot ni Lenard.

            Tinatagalan ni Marco ang paghahanap ng undershirt...
            “Ito kasya ba syo ‘to? Maliit ata…”
            .
            .
            “Ito? naku… may punit…”
            .
            .
            “Ito? naku… maliit ulit…”
            .
            .
            “Ito? Ay masyadong mahaba…”
            .
            .
            “Ito? Ayan medyo ok…”
            .
            .
            Sa bawat pag-abot ni Marco kay Lenard ng damit, sumisimple naman ng tingin siya sa katawan ni Lenard at hindi naman niya nahahalata ang ‘alibi’ ni Marco. Dahil sa ganong paraan matagal sa pagkakahubad si Lenard natapos lang ito ng isuot na nya ang undershirt.

            Nagsimula na naman ulit ang kuwari-kunwariang pagkabala ni Marco sa mga damit niya…

            Sinimulang suotin ni Lenard ang long-sleeves. Binutones ito, ngunit nakaligtaan niya ng ika huling butones sa may bandang baba at yun ay sa may bandang zipper ng pantalon. Sinubukan niya itong ituck-in ngunit hindi pulido ang kanyang pagkakagawa dahil lumalabas ang laylayan ng undershirt.

Hindi niya napapansin na lihim na tinitingan siya ni Marco .
Upang maayos ang pangkakatuck-in niya, binuksan niya ang kanyang belt at sinunod ang zipper. At dahan-dahang ibinaba niya ang kanyang pantalon.

Napatigil sa pagiging abala-abalahan si Marco. At kitang-kita niya ang ginagawa ni Lenard.

Sa pagbaba ng pantalon bilang sumambulat ang puti nito brief. Bumubukol ang tulog na sandata ni Lenard at pumuputok sa tambok nitong pwet. Balbon ang hita ni Lenard.

Agad na nawala sa paningin ni Marco ang brief ni Lenard dahil natakpan kaagad ng damit ito. Mabilis ang pangyayari, nakakabitin pero sulit.

            Napansin ni Lenard na tinitingnan ni Marco ang ibabang bahagi niya. At tiningnan din ni Lenard ang bahagi ring iyon at muli niyang tiningnan si Marco na parang naglalaro ang isipan.

            Nagulat din si Marco sa nagawa niya at nabasa niya ang nasa isip ni Lenard. Nag-simulang magdahilan si Marco.

            “Hoy! mokong ano ang nasa isip mo? Napansin ko kasi na nakalimutan mong isara yung huling butones…” sigaw ni Marco.

            “Ay ganon po ba Sir? Hehehe…O nga no?” ang sang-ayon ni Lenard at di na muling pinansin iyon.

            “Naku! Ano ba talagang nagyayari sakin? Insure pa ba ang tawag dito? Ba’t parang pinagpapawisan ako? Kinakabahan? Muntik na ‘ko dun ah…” bulong ni Marco sa sarili.

            Natapos na sa pagbihis si Lenard.

            At si Marco naman ang susunod.

            “Nard, tulungan mo nga akong magbihis…” wika ni Marco.

“TWINGGGGGGG!!!!!”
        
    Nataranta si Lenard.

           “Naku ito na? Ito na ang FIESTA!!!” bulong ni Lenard.

            Naka-Tshirt na si Marco ngunit bumabakat din ang ganda ng katawan niya.

            Sinimulang ipasok ni Lenard ang cast sa long-sleeve hanggang sa balikat ni Marco. Sinarado niya ang mga butones. Nang umabot na sya sa pinakahuling bahagi, lumuhod si Lenard harapan ni Marco.

            “Naku, kailangan maingat ang galaw ko... wag sanang mahalata na kinakabahan ako… Kalma lang Lenard… Kalma lang… nasa bandang kaligayahan na ako ng Mahal ko…” bulong ni Lenard.

Tumayo at tumungo sa likuran ni Marco si Lenard.

“Ah… Sir.. Ano? Kaya nyo bang ituck-in ang damit nyo?” tanong ni Lenard.

“Ah Sige ako nalang…” wika ni Marco.

Nakita niya ang ginawa ni Lenard kanina sa pagtutuck-in. Kaya ginaya nya rin iyon para hindi sya mahirapan.Sinubukan niyang buksan ang belt gamit ang isang kamay…

“Masyado palang mahigpit ang pagkakasuot ko dito, inabot ako halos 30 minutes sa pagkakasuot nito tapos huhubarin lang ulit…” wika ni Marco.

“Teka nahihirapan ako… tulungan mo nga ko ‘Nard…”

“Ito na naman… nuong una zipper ngayon buong pantalon na… kailangang hubarin ko na talaga… napagdaanan ko na ‘to… pero pano ko gagawin ‘to na hindi nakakamalasya si Sir? Yung tipong parang bale wala lang…” wika ni Lenard sa isipan.

“Buksan ko kaya ang belt ng paluhod…Luluhod ako sa harapan ni Marco… naku makikita ko ang brief niya…’tas makikita ako ang bakat ng pututoy niya… pututoy kaya? O patola… hehehe…”

“Pero ‘wag baka mapansin niya ang pagnanasa ko… Tsaka mahal ko si Marco… Ayokong mawala ang respeto ko sa kanya…at malapit ang kaliwang braso niya sa mukha ko…Lunes pa naman ngayon, maraming tao sa ospital para simentohin ang mukha ko…”

Kaya ang ginawa ni Lenard, pumunta sya sa likod ni Marco. Pinadaan niya ang kanyang mga kamay sa bewang nito. Inabot ang belt at binuksan ang zipper. Ramdam niya ang pagkakuraba ng zipper dahil bumubukol ang harapan ni Marco. Pero niwasan ni Lenard na sumagi ang mga kamay niya sa pagkalalaki ni Marco.

Pakagat labi at dahan-dahang ibinaba ang pantalon nito’t maingat na inayos ang pagkakatuck-in ng damit at patay-malisya niyang itinaas na muli ang pantalon. Upang maayos naman ang likurang bahagi, pumunta sya sa harapan ni Marco at inyos ang likuran. Nasasalat niya ang pegui ni Marco. Pero alam ni Marco na di niya iyon sinasadya dahil ganon naman talaga ang pagtatuck-in.

“Grabe! para akong ‘disabled’ nito ‘Nard” wika ni Marco.

“Di naman Sir…” sagot ni Lenard.

“Kung may asawa lang ako sana’y siya ang gumagawa nito sa’kin…” wika ni Marco at tila nalungkot.

“Sir… Move-on na tayo… marami naman dyan e… makakakita rin kyo na mag-aalaga sa inyo…” wika ni Lenard.

“Nandito naman ako…” wika ni Lenard.

Nagulat si Marco.

            “Ang alin? Ang magiging asawa ko!?” wika ni Marco.

            “Hindi Ah? Sir Marco naman, di tayo talo... Ako ang tutulong sa inyo sa panghahanap sa magiging asawa ninyo… Sa ngayon ako muna ang mag-aalaga sa’yo…hehehe”

            “O baka naman Sir iba ang hanap nyo? Hehehe…” pabirong tugon ni Lenard.

            Sa ganong paraan nakalusot si Lenard ka pagkakadulas niya.

            “Sira ulo ka talagang Mokong ka...Puro ka biro… “, wika ni Marco.

            Ang huli sinuot ay ang sling-bag na syang magsosoporta sa cast.

“Ito na susi… dahil mo narin yung ibang folders at laptop lagay mo na sa kotse’t aalis na tayo…” wika ni Marco.

            “Ok Sir bababa na’ko” wika ni Lenard.

            Dito na nagtatapos ang Fiesta. At ang nabusog sa kanilang dalawa ay si Marco. Si Lenard nama’y takam na takam sa mga handa ngunit hirap na hirap sa pagpipigil na tila ba nagdidyeta.

            Naunang lumabas si Lenard ng kwarto, palabas na sana si Marco ng mapansin niyang naiwan ang polo-shirt ni Lenard na nakalapag lamang sa kama. Tila nakalimutan na ni Lenard ang naiwan niyang damit.

            “Mauna kana ‘Nard may aayusin lang ako sandali…” sabi Marco.

            Nanatiling nasa loob ng kwarto si Marco at naglock ng pinto. Kinuha niya ang damit ni Lenard, tiningnan mabuti at inamoy. Naroon parin ang bango ni Lenard. Naupo siya sa kama’t inamoy-amoy pati ang bahagi ng kilikili. Medyo mainit pa ang damit. Bangong-bango si Marco at papikit niya itong inamoy-amoy.

Tapos na ang fiesta,

 ngunit sya ay naghihimagas pa.

Hindi niya maiintindihan kung bakit sukdulan na ang pagka-insecure niya kay Lenard. Tinupi niya ang damit at itinabi pansamantala.

“Dito na muna itong damit…saka ko na lamang isasauli”
“Teka insecurity pa ba ang tawag dito… Habang tumatagal lalo ata akong lumalala…”

Tapos na ang fiesta,

nakapaghimagas na siya,

at may baon pang tabi.
.
.
.