Tuesday, January 28, 2014

Chapter 2: Ang Disgrasya



Ang disgrasya, ayon kay Aling Josephine, ay maihahalintulad sa isang regalong hindi mo nais matanggap. Ito’y parang isang surpresang walang handaan at walang kasayahan magaganap. Nakabibigla at di kaibig-ibig na pangyayari. Maihahalintulad din sa isang “surprise quiz”na hindi mo inaasahan. Hindi mo rin malalaman kung sino ang tatamaan at kailan tatama. Parang isang malaking roletang kung kanino tumapat, jackpot, yun nga lang sakit sa katawan ang premyo. Kung minsan alam mo na rin kung sino ang tatanggap ng korona ng kasawian gaya ng sumunod na pangyayari.
Maagang nakarating si Marco sa opisina.  Maaga ng 30 minutes sa takdang oras na pinag-usapan nila ng secretarya nyang si Emily. Ngunit wala pa si Emily dahil habang tumatagal oras ay lalong lumalakas ang ulan. Tumataas na rin ang baha sa harapan ng gusali nila, kaya’t di siya makapasok sa loob.  23 years old si Emily, balingkinitan at maganda. Tatlong taon na syang nagtatrabaho bilang sekretarya ni Marco.  Malambing ang boses at kaakit-akit tingnan. Isa rin siya sa pinakamaganda sa kumpanya at siya rin ang pinakapaboritong pagalitan ni Marco. Ngunit kahit na ganon ang ugali ng boss ni Emily ay nananatili syang masunurin at loyal sa kanya, dahil alam niya at nauunawaan niya kung bakit nagiging bugnutin si Marco.
Ilang sandali pa’y dumating na siya at halos mangatog sa pangangatwiran,
 “I’m very sorry Sir Marco, I’m late, was’nt able to go to the hall due to……”
“That enough…!” ang sabi ni Marco napabulong ngunit nakakatakot na pananalita habang tinutuktok ang whiteboard marker sa lamesa.  “I need the report now! We’re getting behind the schedule”.
“Bu… Bu.. But Sir,… nga..nga…ngayon ko pa lang po gagawin yu..yu..yung report?”, ang sabi ni Emily sa mahina at natatakot nyang boses.
“Hell Whaaat?!!”. Dito na nagsimula di-maipinta ang mukha ni Marco sa galit at naibato nya ang whitebroad marker. Tumama ito sa lamesa at tumalsik papuntang sahig.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko Emily e. You must always be ready! In fact you must be updated sa anumang bagay! Sa mga bagay na dapat mong gawin araw-araw! Dapat lagi kang handa! Paano mo sasabihin handa ka nang mamatay ngayon kung napakamarami ka pang dapat tapusin sa buhay! Anumang oras hindi di mo alam kung kailan ka mamatay!” Pasigaw nyang sinabihan si Emily. Dito na biglang namula sa galit si Marco.  Ang mala-anghel nilang mukha ay napalitan ng tila bagang mabalasik na hayop.
Kung namumula sa galit si Marco, namumutla naman sa takot si Emily. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Bubuksan ba niya ang drawer o ibo-“boot” ang computer. Halos gumilid ang luha sa mga mata at nanginginig ang mga kamay sa takot.
Napansin ni Marco ang reaksyon ng kanyang sekretarya. Lumayo siya ng nakaharap sa desk ni Emily. Tumalikod at sabay ngumisi. Biglang nabago ang mood niya, parang gusto niyang humagalpak ng tawa at hindi napansin ni Emily iyon. Pigil na pigil si Marco sa kanyang reaksyon. Kaya lang mabilis ang karma, hindi niya napansin na maapakan na niya pala yung whiteboard marker sa sahig. “I need that report within 30 minutes, you have to submit it on top of my...aaaaaaaarggghhh!!!” At nadulas na siya.
Patihaya siyang nadulas. Naunang lupat ang kayang kanang kamay upang ipantukod iyon, sumunod ang kanyang ulo na tumama pa sa kanto ng upuan malapit sa pinto at huli ang kanyang likod na malakas na lumagabog sa marbled floor. Hindi maganda ang pagkakabagsan ni Marco sa sahig. Nawalan siya ang malay at may lumabas ang buto sa kanan kamay. Nabahala si Emily sa pangyayari at nagsisigaw.  Agad niyang nilapitan ang kanyang boss, binuhat niya ang ulo at tiningnan kung buhay pa. “Sir Marco! Sir Marco! Wake-up! Wake-up!”. “Shit! gwapo parin kahit nadisgrasya na” ang bulong niya sa sarili.
Lalo syang nabahala nung makita nyang nakausli ang buto sa braso. Agad siyang lumabas ng opisina at tumawag ng gwardiya upang magpatulong.
“Guard! Guard! Sir Marco nadisgraya! Tulungan mo akong buhatin siya bilis!” Alistong sumunod ang gwardiya.
Binuhat ng gwardiya si Marco papuntang receiving area upang ihiga sa sofa. Lumaylay ang kamay niya at agad na tumulo ang dugo nito sa sahig.
Agad na binuksan ni Emily ang kanyang drawer upang hanapin ang numero ng hospital at tinawagan ito. “Yes, good morning, can you please send us an ambulance quickly, we have an emergency here,…we’re in the vicinity of Filinvest…” ang madaling pakiusap ni Emily. “We’ll try to reach you as soon as possible…unfortunately expect us to be late due to our climate condition” ang sabi ng nurse na nakausap niya.
Matapos ang usapan nila ay agad na lumapit siya kay Marco at alalang-alala. Kumuha sya ng tissue at agad na natatarantang pinunasan ang tumutulong dugo sa braso ni Marco. “Kasi naman sir e. Kung anu-anong pang patay ang sinasabi nyo e…” ang naluluha sabi niya habang hinawi ang buhok ni Marco. 
Wala pang 30 minutes ay dumating na ang ambulansiya. Agad na inihatid nila sa hospital kung saan malapit din sa pinagtatrabahuhan nila. Wala paring malay si Marco.



Sa Admission area na ng hospital tumawag si Emily para ipaalam sa nanay niya ang pangyayari.

Itutuloy... [CHAPTER 3: Sa Ospital ]

Friday, January 10, 2014

30 Minutes (Chapter 1: Ang Panahon)

30 Minutes
By Robi Quijano


Hanggang kailan mo itatago ang lihim na  pagtingin mo sa taong mahalaga sayo? Paano mo masasabi sa kanya kung ang pagkatao mo ang humahadlang sayo? Hanggang kailan mo palalagpasin ang pagkakataon kung ang pagkakataon na ang gumagawa ng paraan?



CHAPTER 1: Ang Panahon

Makulimlim ang kalangitan at may pagbabayang bumuhos ang ulan ng Lunes ng umagang yaon. Buwan ng Hulyo taong 2006. Ang lahat ng tao, mapaprofessional man, estudyante at simpleng mamamayan ay abala patungo sa kani-kanilang paroroonan. Kinagabihan pa lamang kasi ay inanunsyo na sa telebisyon may paparating na bagyo kaya nakapaghanda ang lahat sa pagdala ng kani-kanilang payong kung sakasakaling bumuhos ang ulan. 
Maagang nagising si Marco upang pumasok sa kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan.  Kilala sa buong bansa kumpanya ito sapagkat halos lahat ng produkto nito ay ineexport sa ibat-ibang paning ng daigdig.  Laki sa hirap si Marco. Sa mura nyang edad ng 27 ay Assistant Chief Finance Officer na siya, dahil sa kanyang kasipagan at laging subsob nito sa pagtatrabaho. Napakaistrikto niya sa mga detalye lalo na kung tungkol ito sa gastusin ng kumpanya.  Naassigned din kasi siya disbursement office bago pa siya ay naging isang Vice-CFO, kaya alam nya ang mga pamamalakad, pasikot-sikot at masalimuot na trabahong iyon.  Lahat ng narating niya sa buhay ay bunga ng kanyang pagsusumikap. Dahil dito, nakabili siya ng sarili niyang magarang bahay malapit sa pinapasukan niya.
Pababa siya ang hagdan papuntang “dining area” habang binubutones ang kanang bahagi ng kanyang “long sleeve”. Napakakisig niyang pagmasdan sa suong niyang long-sleeve na kulay “maroon” na bumagay sa maputi niyang kutis at umayon sa maganda niyang pangangatawan. 5’8’’ ang kanyang taas. Maaliwalas ang kanyang mukha nakahawig ni Leandro Munoz.  Lahat ng madaraanan niyang babae sa “hallway” o makakasabay niya sa elevator ay halos magdugo ang labi sa kakakagat, sapagkat umaalingasaw ang pabango niyang lalaking-laki ang amoy na waring nagpapaakit at nagpapabaliw sa kanila.  At halos idolohin at sambahin siya ng mga kalalakihan sa kanilang kumpanya sa kanyang angking kakisigan.  Ngunit hindi na niyang nakagawiang ngumiti. Parang tila baga parating may inisip at seryoso kung umasta, kung kaya’t iniwasan siya sa takot ng mga “subordinates” niya. Madali siyang magalit sa simpleng pagkakamali ng kanyang tauhan.  Samadaling salita, bugnutin siya.
“Good Morning Nay!”  ang pagmamadali at walang kaemo-emosyong sambit sa kanyang ina sabay halik sa pisngi.
 “Aalis na po ako, may kailangan pa po kaming tapusin sa opisina.”
“Good Morning din anak, hindi ka na ba mag-aalmusal? Halika’t samahan mo ako dito" ang mahinahong sagot ni Aling Josephine, na kanyang ina, habang inihahanda niya ang kanilang almusal.
Maagang nabiyuda si Aling Josephine, sapagkat namatay ang asawa niya sa isang sakuna. Driver ng pampasaherong jeep ang asawa niya at tindera siya noon sa palengke sa Alabang. Di na siya nakapag-asawa muli dahil itinuon niya sa pag-aaruga sa kanya anak at sa pagtitinda upang maitaguyod niya ang kanilang kinabukasan. Isang taong gulang palamang si Marco nang iwan siya ng kanyang tatay.   Dahil sa pag-aaruga at pagiging “close” nilang mag-ina, lumaking matalino at mabilidad si Marco, sapagkat kasakasama ni Aling Josephine siya pagtitinda. Nagtapos siya ng B.S. Accountancy at nakamit ang lisensya sa pagkaCPA sa napakamurang edad. Kahit mayaman na sila Marco, naging simpleng ina pa rin si Aling Josephine.
“Hindi na po, maagang kung pinapapasok ang secretary ko kasi kailangang mafinalize na iprepresent naming actual factory expenses, kakailangan ko mamaya iyon sa meeting. Dadaan muna ako ng opisina bago dumirecho… sa Laguna,… sa factory” ang sagot niya na parang nagmamadali. 
“Sumubo ka muna kahit kaunti, ito kape uminom ka muna” ang sabi ng kanya ina na parang naghihinayang.
“Di na po Nay!” ang sagot niya pagkatapos higupin ang kapeng tinimpla ng kanyang nanay. “Pasabayanin nyo na pong kumain si … Ate Beth sumabay na ho kayo kay nanay mag-almusal”. Si Ate Beth ay ang kanilang kasambahay at malayo nilang kamag-anak.  Halos magkasing-edad sila ni Aling Josephine. Ngunit “ate” parin ang tawag ni Ate Beth kay Aling Josephine upang magbigay-galang sa kanyang amo.
“Nak ba’t ka naman nakapula damit? Hindi ka ba kidlatan nyan? Mukhang uulan pa naman o?” pabirong bati ng kanyang ina habang nakatingin sa labas ng bahay.  Dahil sa bati ni Aling Josephine, napangisi naman si Ate Beth. Hindi pinansin iyon ni Marco, ni ngumiti ay di na ginawa. “Aalis na po ako!” ang sabi ni Marco at nagpaalam ng patalikod.  “Ate Beth wag muna kalimutan painumin ng maintenance mamayang tanghali si Nanay ha? Pakisarado na rin ‘te yung gate pag alis ko” Ang pahabol niyang utos.
“Opo Sir Marco”.
“Anak mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, baka abutan ka ng ulan, Diyos ko! Madulas pa naman ang daan. Huwag kang matulin sa pagmamaneho ha?! E malapit lang naman ang opisina mo, Wala pa namang 30 minutes nandoon ka na, ang disgrasya’y maihahalintulad sa isang regalong hindi mo nais matanggap” ang pag-aaalala sabi ng kanyang ina. 
Ngunit di niya iyon pinansin. Agad na sumakay ng kotse, dala ang laptop at mga importante dokumento, at pinaadar ng mabilis kotse paalis ng kanilang bahay. Dali-daling namang bumuhos ang ulan ng pagkalakas-lakas at sabay ihip ng malakas na hangin.  Kaya’t pakatakbong isinarado ni Ate Beth ang gate.
Bukod pa sa kanilang tatlo, kasama rin nila sa bahay ang dalawang pinsan niyang dalaga na nakikitira pansamantala sa bahay nila. Ang magkapatid na Grace at Jane. Si Grace ay call center agent sa Northgate, Alabang. At si Jane naman ay nag-aaral ng Culinary Arts sa may Las Pinas. Kapwa tulog pa ang dalawa dahil galing sila sa gimik nung kinagabihan at siguro dala na rin na malamig na panahon.  Tanghali na kung magising si Jane dahil panghapon pa ang klase niya. At umaga na kung umuwi sa Grace dahil sa kanyang trabaho pero sa araw na iyon nasa bahay si Grace dahil araw ng Sabado at Linggo ang kanyang pahinga.  
Wala pang 30 minutes ay may nagdoorbell sa labas ng gate. Si Aling Martha.  Matalik na kaibigan ni Aling Josephine at kinikilalang pangalawang nanay ni Marco. Kasama rin si Aling Martha sa paghubog kay Marco nung bata pa siya.  Siya’y nagmamay-ari ng boarding house sa kanilang lugar. Isang beses sa isang Linggo kung dumalaw siya sa kanila.   
Agad na binuksan ni Ate Beth ang Gate habang hawak-hawak ang malaking payong. Mula sa “dining area” ay natatanaw na ang gate ng bahay kaya kitang-kita ni Aling Josephine ang pagpasok ng matalik niyang kaibigan.
Agad siyang sinalubong ng tanong ni Aling Josephine. “Napaaga ata ang dating mo? Kumain ka na ba? Halika, saluhan mo kami ni Beth dito”. Agad na napansin ni Aling Josephine ang damit ni Aling Martha, “napakarumi ng damit mo? Ba’t daming talsik ng putik? San kaba galing?” pahabol na tanong niya.
“Ay oo nagsimba kasi ako ng ala-sais sa San Roque, 30 minutes lang inabot ang misa kaya na maaga akong nakaalis…pero teka muna, si Marco ba yung nagmamaneho ng kulay pulang kotse?” ang patanong na sagot ni Aling Martha.
“Opo Mam Martha, maaga po siyang umalis, nagmamadali pa nga po” sagot ni Ate Beth habang papalapit sa hapag.  “Siya nga yun. Nagmamadali umalis di na nga nakapag-almusal, maaga niyang daw pinapasok ang sekretarya niya may tatapusin daw sila, paano kasi kinagalitan niya nung Biyernes ng gabi. Di daw pumasok nung araw din yun, kaya di na tapos yung ano…factory?…factory?……basta sa factory daw yun… actual ano?  Ay ewan.. ” ang paglalahad ni Aling Josephine. 
“Ay Diyos kong bata iyon patawarin?! Ay napakabilis sa pagmamaneho. Ay sa sobrang bilis, nabasa niya yung tricycle na sinasakyan ko. Pinasok ng baha yung loob, natalsikan tuloy ang damit ko. Nadatnan namin ng mamang driver palabas ng gate ng village. Parang hinabol ng sampung demonyo sa sobrang bilis” ang sumbong ni Aling Martha.
“Naku namang bata iyun? Kasasabi ko lang ko lang e….” padadag na sumbat ni Aling Josephine. 
            “Ano bang nangyayari dyan sa inaanak kong yan? Pagkatapos makipaghiwalay kay Trixie, nagbago na ng ugali…”sabi ni Aling Martha.
            “Oo nga Ate, buti nga nakipaghiwalay siya sa babaeng iyon hindi na nga kagandahan, masama pa ang ugali” gatong ni Ate Beth.
            “Makapanghusga ka naman Beth! Sabagay tama ka…”pasaway na banggit ni Aling Josephine. “Naku kayo ha! Wag na wag mong mabanggit banggit ang pangalan ng babaeng iyan kay Marco ng iiba ng timpla ugali nya kapag naririnig ang pangalang iyon” dagdag niya.
Biktima rin Marco ng mapaglaro at mapagpanggap ng  pag-ibig noong college pa siya na nauwi sa kasawian at hinanakit. Mahal na mahal nya si Trixie simula pa noong high school pa sila. Ngunit iniwan din siya sa kadahilanang liberated si Trixie at sumama sa ibang lalaki. At yun ang nagpabago ng ugali ni Marco.
Makalipas ang dalawang oras, nagising si Jane sa tunog ng teleponong walang gustong sumagot. Sa lakas ng ulan hindi agad namalayan nila Aling Josephine ang tunog telepono. 
“Hello?” ang pambungad na salita ni Jane.
“Ano?”
 “San pong ospital sya dinala?”
“Wait lang wag nyo pong ibaba ang phone”
Agad na tumakbo papunta “dining area” si Jane habang dala-dala ang wireless telephone.  “Tita!!! si Kuya Marco nadisgrasya! Nasa ospital daw ”.



“Haaa?! Ano?! Sinabi ko naman sa kanyang mag-iingat siya e!” ang malakas na sambit ni Aling Josephine habang nakatitig kay Jane at nag-aalala.

Itutuloy...  [Chapter 2]


Thursday, January 9, 2014

My Upcoming Novel

Please support my upcoming novel entitled "30 Minutes" 
Hope you will like it...