By Robi Quijano
Hanggang
kailan mo itatago ang lihim na pagtingin mo sa taong mahalaga sayo? Paano mo masasabi
sa kanya kung ang pagkatao mo ang humahadlang sayo? Hanggang kailan mo
palalagpasin ang pagkakataon kung ang pagkakataon na ang gumagawa ng paraan?
CHAPTER 1: Ang Panahon
Makulimlim
ang kalangitan at may pagbabayang bumuhos ang ulan ng Lunes ng umagang yaon.
Buwan ng Hulyo taong 2006. Ang lahat ng tao, mapaprofessional man, estudyante
at simpleng mamamayan ay abala patungo sa kani-kanilang paroroonan. Kinagabihan
pa lamang kasi ay inanunsyo na sa telebisyon may paparating na bagyo kaya
nakapaghanda ang lahat sa pagdala ng kani-kanilang payong kung sakasakaling
bumuhos ang ulan.
Maagang nagising si Marco upang pumasok sa kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan. Kilala sa buong bansa kumpanya ito sapagkat halos lahat ng produkto nito ay ineexport sa ibat-ibang paning ng daigdig. Laki sa hirap si Marco. Sa mura nyang edad ng 27 ay Assistant Chief Finance Officer na siya, dahil sa kanyang kasipagan at laging subsob nito sa pagtatrabaho. Napakaistrikto niya sa mga detalye lalo na kung tungkol ito sa gastusin ng kumpanya. Naassigned din kasi siya disbursement office bago pa siya ay naging isang Vice-CFO, kaya alam nya ang mga pamamalakad, pasikot-sikot at masalimuot na trabahong iyon. Lahat ng narating niya sa buhay ay bunga ng kanyang pagsusumikap. Dahil dito, nakabili siya ng sarili niyang magarang bahay malapit sa pinapasukan niya.
Maagang nagising si Marco upang pumasok sa kanyang kumpanyang pinagtatrabahuhan. Kilala sa buong bansa kumpanya ito sapagkat halos lahat ng produkto nito ay ineexport sa ibat-ibang paning ng daigdig. Laki sa hirap si Marco. Sa mura nyang edad ng 27 ay Assistant Chief Finance Officer na siya, dahil sa kanyang kasipagan at laging subsob nito sa pagtatrabaho. Napakaistrikto niya sa mga detalye lalo na kung tungkol ito sa gastusin ng kumpanya. Naassigned din kasi siya disbursement office bago pa siya ay naging isang Vice-CFO, kaya alam nya ang mga pamamalakad, pasikot-sikot at masalimuot na trabahong iyon. Lahat ng narating niya sa buhay ay bunga ng kanyang pagsusumikap. Dahil dito, nakabili siya ng sarili niyang magarang bahay malapit sa pinapasukan niya.
Pababa
siya ang hagdan papuntang “dining area” habang binubutones ang kanang bahagi ng
kanyang “long sleeve”. Napakakisig niyang pagmasdan sa suong niyang long-sleeve
na kulay “maroon” na bumagay sa maputi niyang kutis at umayon sa maganda niyang
pangangatawan. 5’8’’ ang kanyang taas. Maaliwalas ang kanyang mukha nakahawig
ni Leandro Munoz. Lahat ng madaraanan
niyang babae sa “hallway” o makakasabay niya sa elevator ay halos magdugo ang
labi sa kakakagat, sapagkat umaalingasaw ang pabango niyang lalaking-laki ang amoy
na waring nagpapaakit at nagpapabaliw sa kanila. At halos idolohin at sambahin siya ng mga
kalalakihan sa kanilang kumpanya sa kanyang angking kakisigan. Ngunit hindi na niyang nakagawiang ngumiti.
Parang tila baga parating may inisip at seryoso kung umasta, kung kaya’t iniwasan
siya sa takot ng mga “subordinates” niya. Madali siyang magalit sa simpleng
pagkakamali ng kanyang tauhan. Samadaling
salita, bugnutin siya.
“Good
Morning Nay!” ang pagmamadali at walang
kaemo-emosyong sambit sa kanyang ina sabay halik sa pisngi.
“Aalis na po ako, may kailangan pa po kaming tapusin
sa opisina.”
“Good
Morning din anak, hindi ka na ba mag-aalmusal? Halika’t samahan mo ako
dito" ang mahinahong sagot ni Aling Josephine, na kanyang ina, habang
inihahanda niya ang kanilang almusal.
Maagang
nabiyuda si Aling Josephine, sapagkat namatay ang asawa niya sa isang sakuna.
Driver ng pampasaherong jeep ang asawa niya at tindera siya noon sa palengke sa
Alabang. Di na siya nakapag-asawa muli dahil itinuon niya sa pag-aaruga sa
kanya anak at sa pagtitinda upang maitaguyod niya ang kanilang kinabukasan. Isang
taong gulang palamang si Marco nang iwan siya ng kanyang tatay. Dahil
sa pag-aaruga at pagiging “close” nilang mag-ina, lumaking matalino at
mabilidad si Marco, sapagkat kasakasama ni Aling Josephine siya pagtitinda. Nagtapos
siya ng B.S. Accountancy at nakamit ang lisensya sa pagkaCPA sa napakamurang
edad. Kahit mayaman na sila Marco, naging simpleng ina pa rin si Aling
Josephine.
“Hindi
na po, maagang kung pinapapasok ang secretary ko kasi kailangang mafinalize na
iprepresent naming actual factory expenses, kakailangan ko mamaya iyon sa
meeting. Dadaan muna ako ng opisina bago dumirecho… sa Laguna,… sa factory” ang
sagot niya na parang nagmamadali.
“Sumubo
ka muna kahit kaunti, ito kape uminom ka muna” ang sabi ng kanya ina na parang
naghihinayang.
“Di
na po Nay!” ang sagot niya pagkatapos higupin ang kapeng tinimpla ng kanyang
nanay. “Pasabayanin nyo na pong kumain si … Ate Beth sumabay na ho kayo kay
nanay mag-almusal”. Si Ate Beth ay ang kanilang kasambahay at malayo nilang
kamag-anak. Halos magkasing-edad sila ni
Aling Josephine. Ngunit “ate” parin ang tawag ni Ate Beth kay Aling Josephine
upang magbigay-galang sa kanyang amo.
“Nak
ba’t ka naman nakapula damit? Hindi ka ba kidlatan nyan? Mukhang uulan pa naman
o?” pabirong bati ng kanyang ina habang nakatingin sa labas ng bahay. Dahil sa bati ni Aling Josephine, napangisi
naman si Ate Beth. Hindi pinansin iyon ni Marco, ni ngumiti ay di na ginawa.
“Aalis na po ako!” ang sabi ni Marco at nagpaalam ng patalikod. “Ate Beth wag muna kalimutan painumin ng
maintenance mamayang tanghali si Nanay ha? Pakisarado na rin ‘te yung gate pag
alis ko” Ang pahabol niyang utos.
“Opo
Sir Marco”.
“Anak
mag-iingat ka sa pagmamaneho mo, baka abutan ka ng ulan, Diyos ko! Madulas pa
naman ang daan. Huwag kang matulin sa pagmamaneho ha?! E malapit lang naman ang
opisina mo, Wala pa namang 30 minutes nandoon ka na, ang disgrasya’y maihahalintulad
sa isang regalong hindi mo nais matanggap” ang pag-aaalala sabi ng kanyang
ina.
Ngunit
di niya iyon pinansin. Agad na sumakay ng kotse, dala ang laptop at mga
importante dokumento, at pinaadar ng mabilis kotse paalis ng kanilang bahay. Dali-daling
namang bumuhos ang ulan ng pagkalakas-lakas at sabay ihip ng malakas na hangin.
Kaya’t pakatakbong isinarado ni Ate Beth
ang gate.
Bukod
pa sa kanilang tatlo, kasama rin nila sa bahay ang dalawang pinsan niyang
dalaga na nakikitira pansamantala sa bahay nila. Ang magkapatid na Grace at
Jane. Si Grace ay call center agent sa Northgate, Alabang. At si Jane naman ay
nag-aaral ng Culinary Arts sa may Las Pinas. Kapwa tulog pa ang dalawa dahil galing
sila sa gimik nung kinagabihan at siguro dala na rin na malamig na panahon. Tanghali na kung magising si Jane dahil
panghapon pa ang klase niya. At umaga na kung umuwi sa Grace dahil sa kanyang
trabaho pero sa araw na iyon nasa bahay si Grace dahil araw ng Sabado at Linggo
ang kanyang pahinga.
Wala
pang 30 minutes ay may nagdoorbell sa labas ng gate. Si Aling Martha. Matalik na kaibigan ni Aling Josephine at
kinikilalang pangalawang nanay ni Marco. Kasama rin si Aling Martha sa paghubog
kay Marco nung bata pa siya. Siya’y nagmamay-ari
ng boarding house sa kanilang lugar. Isang beses sa isang Linggo kung dumalaw
siya sa kanila.
Agad
na binuksan ni Ate Beth ang Gate habang hawak-hawak ang malaking payong. Mula
sa “dining area” ay natatanaw na ang gate ng bahay kaya kitang-kita ni Aling
Josephine ang pagpasok ng matalik niyang kaibigan.
Agad
siyang sinalubong ng tanong ni Aling Josephine. “Napaaga ata ang dating mo?
Kumain ka na ba? Halika, saluhan mo kami ni Beth dito”. Agad na napansin ni
Aling Josephine ang damit ni Aling Martha, “napakarumi ng damit mo? Ba’t daming
talsik ng putik? San kaba galing?” pahabol na tanong niya.
“Ay
oo nagsimba kasi ako ng ala-sais sa San Roque, 30 minutes lang inabot ang misa
kaya na maaga akong nakaalis…pero teka muna, si Marco ba yung nagmamaneho ng
kulay pulang kotse?” ang patanong na sagot ni Aling Martha.
“Opo
Mam Martha, maaga po siyang umalis, nagmamadali pa nga po” sagot ni Ate Beth
habang papalapit sa hapag. “Siya nga yun.
Nagmamadali umalis di na nga nakapag-almusal, maaga niyang daw pinapasok ang
sekretarya niya may tatapusin daw sila, paano kasi kinagalitan niya nung
Biyernes ng gabi. Di daw pumasok nung araw din yun, kaya di na tapos yung
ano…factory?…factory?……basta sa factory daw yun… actual ano? Ay ewan.. ” ang paglalahad ni Aling
Josephine.
“Ay
Diyos kong bata iyon patawarin?! Ay napakabilis sa pagmamaneho. Ay sa sobrang
bilis, nabasa niya yung tricycle na sinasakyan ko. Pinasok ng baha yung loob,
natalsikan tuloy ang damit ko. Nadatnan namin ng mamang driver palabas ng gate
ng village. Parang hinabol ng sampung demonyo sa sobrang bilis” ang sumbong ni
Aling Martha.
“Naku
namang bata iyun? Kasasabi ko lang ko lang e….” padadag na sumbat ni Aling
Josephine.
“Ano bang nangyayari dyan sa inaanak kong yan? Pagkatapos
makipaghiwalay kay Trixie, nagbago na ng ugali…”sabi ni Aling Martha.
“Oo nga Ate, buti nga nakipaghiwalay siya sa babaeng iyon
hindi na nga kagandahan, masama pa ang ugali” gatong ni Ate Beth.
“Makapanghusga ka naman Beth!
Sabagay tama ka…”pasaway na banggit ni Aling Josephine. “Naku kayo ha! Wag na
wag mong mabanggit banggit ang pangalan ng babaeng iyan kay Marco ng iiba ng
timpla ugali nya kapag naririnig ang pangalang iyon” dagdag niya.
Biktima
rin Marco ng mapaglaro at mapagpanggap ng
pag-ibig noong college pa siya na nauwi sa kasawian at hinanakit. Mahal
na mahal nya si Trixie simula pa noong high school pa sila. Ngunit iniwan din
siya sa kadahilanang liberated si Trixie at sumama sa ibang lalaki. At yun ang
nagpabago ng ugali ni Marco.
Makalipas
ang dalawang oras, nagising si Jane sa tunog ng teleponong walang gustong
sumagot. Sa lakas ng ulan hindi agad namalayan nila Aling Josephine ang tunog
telepono.
“Hello?”
ang pambungad na salita ni Jane.
“Ano?”
“San pong ospital sya dinala?”
“Wait
lang wag nyo pong ibaba ang phone”
Agad
na tumakbo papunta “dining area” si Jane habang dala-dala ang wireless
telephone. “Tita!!! si Kuya Marco
nadisgrasya! Nasa ospital daw ”.
“Haaa?!
Ano?! Sinabi ko naman sa kanyang mag-iingat siya e!” ang malakas na sambit ni
Aling Josephine habang nakatitig kay Jane at nag-aalala.

No comments:
Post a Comment