ANG FIESTA
Maliwalas ang panahon at maulap ang himpapawid na siyang
nagbibigay ng lilim sa malawak na bahagi ng baybayin. Ang mga ibo’y malayang nakalilipad
sa kalangitan at ang iba nama’y abala sa paghahanap ng pagkain sa malinaw na
tubig ng dagat. Malinis at tila pulbos ng gatas ang baybayin kaya nama’y nakapanghihikayat
ito sa mga taong maglakad ng nakapaa.
Sa di kalayuan
ng baybayin, naglalakad si Marco at nakatanaw sa malawak na karagatan. Maaliwalas
ang kanyang mukha at walang bahid ng pag-aalinlangan. Ilang sandali pa’y may
lumapit na bata sa kanya upang iiabot ang nalikom nitong mga kabibe. Imbis na
abutin ang mga kabibe, binuhat niya ang bata upang kargahin. Hinalikan niya sa
pisngi at niyakap ng mahigpit. Ang batang ito’y si Miguel na kanyang anak. May
isang babaeng lumapit sa mag-ama. Nakasuot ng asul na bistida at malaking
sombrero ang babae. Ibinaba ni Marco ang bata pansamantala upang yakapin naman
ang babae na kanyang asawa. Hinawakan niya ang baba nito at hinalikan ng
matagal. Matapos nito’y iminulat ni Marco ang kanyang mga mata at pinagmasdan
ang mukha ng kanyang asawa. Lubha siyang nagulat ng makita niya na si Lenard
pala ang hinalikan niya at nakasuot din ng asul na bistida at malaking sumbrero.
Isang panaginip lang pala.
“Plofff!!!”
Nagising si Marco at basang-basa ng pawis ang buong
katawan. Maaga siyang nagising sa tila bangungot na panaginip at pansamantalang
naupo sa kanyang hinihigaan. Kinapa niya ang kanyang cellphone upang tingnan
ang oras. Alas-kwatro y medya ng Lunes ng umaga. Mas maaga ng 30 minutes sa
itinakdang alarm niya sa kanyang cellphone. Matapos nito’y nahiga muli’t
sinariwa ang kanyang napanaginipan. Pero imbis na sariwain ang pagkarga niya sa
kanyang anak, mas nagpokus siya sa paghalik niya kay Lenard.
“Bakit kaya
si Lenard ang nasa panaginip ko? Bakit hindi si Trixie ang kahalikan ko?”
“Bakit
parating umiikot ang atensiyon ko kay Lenard sa buong Linggong ito? Hindi kaya
tama ang teorya ko? Na…”
“Na…
mangkukulam nga sya?”
“Na… aswang siya?”
O baka naman…”
.
.
.
Napaisip
ng matagal si Marco.
“Baka naman…”
“Nagkakagusto ako sa kanya?”
“HINDI!!!... WAAAHHH!”
“Teka, kilala ko ang sarili ko… Hindi ako bading…
hindi ako bading… HIN..DI A..KO BA…DING…TAPOS!”
“Tama…Hindi
nga…Naiinsecure nga lang ako…hehehehe…”
“Insecure lang talaga ako…”
“Teka hindi porke’t nakakagusto lang sa kapwa lalaki e
bading na? Oo insecure lang talaga ako…Period!!!…”
.
.
.
“PERIOD???” sabay
hawak sa bibig niya…
“Bakit nagpePERIOD nako?”
“Bakit yung iba namang barako nagsasabi ng PERIOD ah?
heheheh”
“Teka ba’t nga ba ako naiinsecure? Ano bang meron sa
kanya? Wala naman…”
.
.
.
“Yung na nga e… Naiinsecure ako sa wala naman…”
“Hindi ba kabaliwan yun? Teka…, hindi kaya baliw na
ko?”
“Baliw ako sa kanya???”
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!”
“OK nang insure ako sa kanya, wag lang mabaliw ako sa
kanya?”
“O baka naman crush?...”
“Pwede ba ang lalaki magkacrush sa kapwa lalaki?”
“Di insecure lang ‘to…”
“Ano kaya ang gagawin ko para mawala ang pagkainsecure
ko sa kanya?”
.
.
.
“Alam ko na!?... Hahanapan ko siya ng kapintasan sa
katawan… heheheheh…”
“Tapos… tapos yun lang?”
“OO yun lang, paunti-unti muna… hanggang maging
confident ako ulit sa sarili ko… heheheh…dyahe kase ito cast sa braso ko…
nakakawala ng confidence… sana gumaling na ito...”
“RRRRRRIIIINNNGGG!!!”
At tumunong na ang itinakdan alarm ni Marco sa cellphone
niya.
.
.
.
Suot ang kulay puting polo-shirt at kulay “dark-khaki” na
patalon, maagang pumasok si Lenard sa bahay nila Marco dahil ito ang araw na
opisyal na siyang magtatrabaho kay Marco bilang isang driver. Excited na
excited ulit makita ni Lenard si Marco, pero sa pagkakataong ito kinakailangang
bilang ang mga galaw niya upang huwag mabasa ni Marco ang mga kilos niya at di
mahalatang may langsa siyang pilit niyang tinatago.
Si
Marco nama’y nakasuot muna ng T-shirt at itim na pantalon. Naghahanap kasi siya
ng kasama sa bahay na tutulong sa pag-suot ng damit sa kanya. Pagbaba niya sa
hagdan napansin niya ang pagpasok ni Lenard sa pintuan ng bahay.
“Morning
Sir, kukunin ko na po ang susi ng kotse…” bati ni Lenard.
“Ang
aga mo ah? Kumain ka na ba?” tanong ni Marco.
“Kumain
na po ako sa boarding house…” ngumingiting sagot ni Lenard.
Napansin
ni Marco ang ngiti ni Lenard na syang ikinagulat nito at umiwas na lang ng
tingin.
Lumapit
si Lenard kay Marco.
Napansin
ni Marco na nakapolo-shirt lang ito.
“Oh!?
Ba’t nakapolo-shirt ka lang?” tanong ni Marco.
“E
Sir, baka naman mag-over dress ako kung mag lolong sleeves ang driver mo…”
sagot ni Lenard.
“Ano
ka ba? Lika sa kwarto ko hanapan kita ng long-sleeves… Tsaka di na kita driver
no… Personal Assistant na kita… Mahirap kasing kumilos sa opisina kung
naka-cast ang braso ko… Ano tara na… tulungan mo na rin akong magbihis mahirap
ipasok sa damit ang cast e...” sabi ni Marco.
“TWINGGGGGGG!!!!!”
“Nako eto na naman tayo…Mahihirapan na naman akong
magpigil nito… bakit ba ako nalagay sa alanganin…sa mahihirap at masasarap na
sitwasyon…tapos mauudlot naman… sa maling kilos buhay ko ang nakataya at mukha
ko ang panangga…” bulong ni Lenard.
Napalakas
ang bulong ni Lenard “Hayyy!!! FIESTA na naman...”
“Huh?
Anong Fiesta?” tanong ni Marco.
“Ah?
Eh? Wala po Sir… Fiesta pala sa barangay ng kaibigan ng kapatid ng asawa ng
boardmate ko sa Linggo naalala ko lang po…” wika ni Lenard “Naku… muntik na… kalma kasi… kalma lang…”
“Ah…”
sagot ni Marco.
Pumasok
sila sa kwarto ni Marco.
“Yan
pumili ka nalang ng long-sleeve magkasize naman ata tayo ng katawan…” wika ni
Marco.
Tinitinginan
ni Marco ang hubog ng katawan ni Lenard habang namimili ito ng damit. Sinimulan
niya sa balikat, braso at dibdib. Napansin niyang walang tiyan si Lenard.
Nag-simulang maglaro ang isipan ni Marco at biglang natauhan.
“Ano kaya ang itsura ng katawan niya?”
“Naku… ba’t ko inaiisapan ang mga bagay na iyon…”
“Hindi ako bakla… hindi ako bakla…”
“Insecure lang ako…yun lang…”
At
sabay na tumalikod si Marco upang iwasan niyang tingnan si Lenard. At wala
namang kaalam-alam si Lenard sa nangyayari…
“Ito
nalang Sir… Dark green… babagay naman ito sa pants ko…” wika ni Lenard.
“Bahala ka na…”wika ni Marco na nakatalikod kay Lenard at
kunyare ay may ginagawa sa kama.
Agad niyang tinanggal sa pagkakahanger ng damit.
“Sir dito nalang ako magbibihis ok lang ba?” wika ni
Lenard.
“TWINGGGGGGG!!!!!”
“TWINGGGGGGG!!!!!”
Natigilan si Marco at di nakapagsalita.
“Maghuhubad siya…” bulong ni Marco at nakakagat labi.
“Pasimple ko nalang nalilingunin…wala namang sigurong masama pareho naman kaming lalake at wala namang malisya dun ah…” bulong ulit ni Marco.
Hinubad ni Lenard ang Polo-shirt. Sa pagtaas niya ng damit, unang sumambulat ang abs niyang may karog simula sa pusod hanggang sa karugtong nito. Tanging sa puting brief na lamang natatapos ang pagkahaba ng karog at tumatakip sa dulong bahagi. Fully develop ang six-pack abs niya at detalyado ang pagkakahulma.
Kitang-kita rin ni Marco ang chest ni Lenard. Malaki at malabato ang dibdib nito. Sa sobrang laki, nabanat ang ariola ng nipples nito kaya nagiging pinkish ang kulay. Tuluyang hinubat ni Lenard ang polo shirt at pansamantalang inilapag sa kama. Halos lumobo ang ulo ni Marco at hindi alam ang gagawin. Hanggang sa…
“Ang ganda ng katawan mo ah?” ang patay malisya niyang
sabi ni Marco.
Nahiya si Lenard kaya tumalikod siya kay Marco.
“Hindi naman Sir…Mas hubog nga katawan ninyo kesa
sa’kin”, wika ni Lenard.
Sa pagtalikod ni Lenard, napansin naman ni Marco ang
pwetan ni Lenard. Matambok ito at perpekto ang pagkakahubog sa pantalon niya.
Lumalabas din ang puting brief sa likurang bahagi.
Napakalakas ang impact nito kay Marco, di lang sya
nagpapahalata.
“Shit!
Ano ba namang nayayari sa akin, bat ako nasisilaw sa katawan ni Lenard…”
“Insecure
lang ‘to, insure lang…” bulong ni
Marco at biglang kinakabahan.
Napaisip si Marco at nagwika.
“Teka ‘Nard… Mag-undershirt ka… teka hanapan kita dito…”
wika ni Marco.
“Thanks Sir, next time maglolong-sleeve na ako bukas…”
sagot ni Lenard.
Tinatagalan ni Marco ang paghahanap ng undershirt...
“Ito kasya ba syo ‘to? Maliit ata…”
.
.
“Ito? naku… may punit…”
.
.
“Ito? naku… maliit ulit…”
.
.
“Ito? Ay masyadong mahaba…”
.
.
“Ito? Ayan medyo ok…”
.
.
Sa bawat pag-abot ni Marco kay Lenard ng damit,
sumisimple naman ng tingin siya sa katawan ni Lenard at hindi naman niya
nahahalata ang ‘alibi’ ni Marco. Dahil sa ganong paraan matagal sa pagkakahubad
si Lenard natapos lang ito ng isuot na nya ang undershirt.
Nagsimula na naman ulit ang kuwari-kunwariang pagkabala
ni Marco sa mga damit niya…
Sinimulang suotin ni Lenard ang long-sleeves. Binutones
ito, ngunit nakaligtaan niya ng ika huling butones sa may bandang baba at yun
ay sa may bandang zipper ng pantalon. Sinubukan niya itong ituck-in ngunit
hindi pulido ang kanyang pagkakagawa dahil lumalabas ang laylayan ng undershirt.
Hindi
niya napapansin na lihim na tinitingan siya ni Marco .
Upang
maayos ang pangkakatuck-in niya, binuksan niya ang kanyang belt at sinunod ang zipper.
At dahan-dahang ibinaba niya ang kanyang pantalon.
Napatigil
sa pagiging abala-abalahan si Marco. At kitang-kita niya ang ginagawa ni
Lenard.
Sa
pagbaba ng pantalon bilang sumambulat ang puti nito brief. Bumubukol ang tulog
na sandata ni Lenard at pumuputok sa tambok nitong pwet. Balbon ang hita ni
Lenard.
Agad
na nawala sa paningin ni Marco ang brief ni Lenard dahil natakpan kaagad ng
damit ito. Mabilis ang pangyayari, nakakabitin pero sulit.
Napansin ni Lenard na tinitingnan ni Marco ang ibabang
bahagi niya. At tiningnan din ni Lenard ang bahagi ring iyon at muli niyang
tiningnan si Marco na parang naglalaro ang isipan.
Nagulat din si Marco sa nagawa niya at nabasa niya ang
nasa isip ni Lenard. Nag-simulang magdahilan si Marco.
“Hoy! mokong ano ang nasa isip mo? Napansin ko kasi na
nakalimutan mong isara yung huling butones…” sigaw ni Marco.
“Ay ganon po ba Sir? Hehehe…O nga no?” ang sang-ayon ni
Lenard at di na muling pinansin iyon.
“Naku! Ano ba
talagang nagyayari sakin? Insure pa ba ang tawag dito? Ba’t parang
pinagpapawisan ako? Kinakabahan? Muntik na ‘ko dun ah…” bulong ni Marco sa
sarili.
Natapos na sa pagbihis si Lenard.
At si Marco naman ang susunod.
“Nard, tulungan mo nga akong magbihis…” wika ni Marco.
“TWINGGGGGGG!!!!!”
Nataranta si Lenard.
“Naku ito na? Ito na ang FIESTA!!!” bulong ni Lenard.
Naka-Tshirt na si Marco ngunit bumabakat din ang ganda ng
katawan niya.
Sinimulang ipasok ni Lenard ang cast sa long-sleeve
hanggang sa balikat ni Marco. Sinarado niya ang mga butones. Nang umabot na sya
sa pinakahuling bahagi, lumuhod si Lenard harapan ni Marco.
“Naku, kailangan
maingat ang galaw ko... wag sanang mahalata na kinakabahan ako… Kalma lang
Lenard… Kalma lang… nasa bandang kaligayahan na ako ng Mahal ko…” bulong ni
Lenard.
Tumayo
at tumungo sa likuran ni Marco si Lenard.
“Ah…
Sir.. Ano? Kaya nyo bang ituck-in ang damit nyo?” tanong ni Lenard.
“Ah
Sige ako nalang…” wika ni Marco.
Nakita
niya ang ginawa ni Lenard kanina sa pagtutuck-in. Kaya ginaya nya rin iyon para
hindi sya mahirapan.Sinubukan niyang buksan ang belt gamit ang isang kamay…
“Masyado
palang mahigpit ang pagkakasuot ko dito, inabot ako halos 30 minutes sa
pagkakasuot nito tapos huhubarin lang ulit…” wika ni Marco.
“Teka
nahihirapan ako… tulungan mo nga ko ‘Nard…”
“Ito na naman… nuong una zipper ngayon buong pantalon
na… kailangang hubarin ko na talaga… napagdaanan ko na ‘to… pero pano ko
gagawin ‘to na hindi nakakamalasya si Sir? Yung tipong parang bale wala lang…” wika ni Lenard sa isipan.
“Buksan ko kaya ang belt ng paluhod…Luluhod ako sa
harapan ni Marco… naku makikita ko ang brief niya…’tas makikita ako ang bakat
ng pututoy niya… pututoy kaya? O patola… hehehe…”
“Pero ‘wag baka mapansin niya ang pagnanasa ko… Tsaka
mahal ko si Marco… Ayokong mawala ang respeto ko sa kanya…at malapit ang
kaliwang braso niya sa mukha ko…Lunes pa naman ngayon, maraming tao sa ospital
para simentohin ang mukha ko…”
Kaya
ang ginawa ni Lenard, pumunta sya sa likod ni Marco. Pinadaan niya ang kanyang
mga kamay sa bewang nito. Inabot ang belt at binuksan ang zipper. Ramdam niya
ang pagkakuraba ng zipper dahil bumubukol ang harapan ni Marco. Pero niwasan ni
Lenard na sumagi ang mga kamay niya sa pagkalalaki ni Marco.
Pakagat
labi at dahan-dahang ibinaba ang pantalon nito’t maingat na inayos ang pagkakatuck-in
ng damit at patay-malisya niyang itinaas na muli ang pantalon. Upang maayos
naman ang likurang bahagi, pumunta sya sa harapan ni Marco at inyos ang
likuran. Nasasalat niya ang pegui ni Marco. Pero alam ni Marco na di niya iyon
sinasadya dahil ganon naman talaga ang pagtatuck-in.
“Grabe!
para akong ‘disabled’ nito ‘Nard” wika ni Marco.
“Di
naman Sir…” sagot ni Lenard.
“Kung
may asawa lang ako sana’y siya ang gumagawa nito sa’kin…” wika ni Marco at tila
nalungkot.
“Sir…
Move-on na tayo… marami naman dyan e… makakakita rin kyo na mag-aalaga sa inyo…”
wika ni Lenard.
“Nandito
naman ako…” wika ni Lenard.
Nagulat
si Marco.
“Ang alin? Ang magiging asawa ko!?” wika ni Marco.
“Hindi Ah? Sir Marco naman, di tayo talo... Ako ang
tutulong sa inyo sa panghahanap sa magiging asawa ninyo… Sa ngayon ako muna ang
mag-aalaga sa’yo…hehehe”
“O baka naman Sir iba ang hanap nyo? Hehehe…” pabirong
tugon ni Lenard.
Sa ganong paraan nakalusot si Lenard ka pagkakadulas
niya.
“Sira ulo ka talagang Mokong ka...Puro ka biro… “, wika
ni Marco.
Ang huli sinuot ay ang sling-bag na syang magsosoporta sa
cast.
“Ito
na susi… dahil mo narin yung ibang folders at laptop lagay mo na sa kotse’t
aalis na tayo…” wika ni Marco.
“Ok Sir bababa na’ko” wika ni Lenard.
Dito na nagtatapos ang Fiesta. At ang nabusog sa kanilang
dalawa ay si Marco. Si Lenard nama’y takam na takam sa mga handa ngunit hirap
na hirap sa pagpipigil na tila ba nagdidyeta.
Naunang lumabas si Lenard ng kwarto, palabas na sana si
Marco ng mapansin niyang naiwan ang polo-shirt ni Lenard na nakalapag lamang sa
kama. Tila nakalimutan na ni Lenard ang naiwan niyang damit.
“Mauna kana ‘Nard may aayusin lang ako sandali…” sabi
Marco.
Nanatiling nasa loob ng kwarto si Marco at naglock ng
pinto. Kinuha niya ang damit ni Lenard, tiningnan mabuti at inamoy. Naroon
parin ang bango ni Lenard. Naupo siya sa kama’t inamoy-amoy pati ang bahagi ng
kilikili. Medyo mainit pa ang damit. Bangong-bango si Marco at papikit niya
itong inamoy-amoy.
Tapos
na ang fiesta,
ngunit sya ay naghihimagas pa.
Hindi
niya maiintindihan kung bakit sukdulan na ang pagka-insecure niya kay Lenard. Tinupi
niya ang damit at itinabi pansamantala.
“Dito
na muna itong damit…saka ko na lamang isasauli”
“Teka
insecurity pa ba ang tawag dito… Habang tumatagal lalo ata akong lumalala…”
Tapos
na ang fiesta,
nakapaghimagas
na siya,
at
may baon pang tabi.
.
.
.
