Pangarap na Pamilya
Maaliwalas ang panahon
at maliwanag ang kalangitan, sapagkat iilan lamang ang ulap sa himpapawid para
takpan ang haring araw ng umaga yaon, ngunit bakas parin sa kapaligiran
ang nagdaang bagyo. Nabawasan kasi ang
mga sanga ng mga punong-kahoy at lumiwanag ang mga daan. Nagsipaglagasan kasi ang
mga dahon nito na nagsisilbing lilim sa mga daraanan.
Kapansin-pansing araw iyon ng Sabado. Wala makikitang mga estudyante
na naka-unipormeng naglalakad at mga empleyadong nakasuot ng pangtrabaho. Sa
loob ng ‘subdivision’ nila Marco, ay makikita mo ang mga batang masayang naglalaro
sa ‘club house’. Araw ng Sabado, araw ng pahinga, pero kay Marco, ito na ang
huling dalawang araw na kung saan matatapos na ang kayang pahinga at ‘excited’
na syang pumasok muli sa kanilang opisina. Si Lenard naman, ito ang unang araw
niya ng paninilbihan kay Marco bilang isang driver.
“Ah?... Sir Marco, masyado pa po ‘ata tayong maaga
para pumunta sa ‘Festival Mall’ 8:30 pala po ng umaga… mga alas diyes pa po ang
bukas nun sa pagkakaalam ko…” wika ni Lenard.
“Oo nga pala nun?
Ah Sige iderecho mo nalang sa Makati, dun nalang tayo bibili ng cellphone, para
tamang-tama ang oras sa pagbukas ng ‘mall’ doon at para makahinga na rin ako
nakakabagot sa bahay e…”, sagot ni Marco.
“Ok po Sir…” wika
ni Lenard na halatang excited.
“Yes! Excited nako mahal ko sa date natin
hehehehe” wika ni Lenard sa isip at nakangiti pa.
Habang binabaybay
nila ang SLEX papuntang Makati, matagal na katahimikan ang nanaig sa pagitan
nila dahil nagkakailangan pa ang mag-amo. Nag-iisip silang dalawa kung ano ang na
dapat nilang pag-usapan. Parehas silang ayaw na masabihang ‘boring’ kaya’t kung
anu-ano nalang ang kanilang maiisipan pag-usapan kahit na wala naman itong
katuturan, gaya ng…
SA BILLBOARD…
“Sino yang nasa billboard na
yan? Maganda sya ah? Chinita…” tanong ni Marco.
“Ah sya po ba? Yan po si Kim Chiu, sya po ang bagong Pinoy Big Brother
Teen Edition Winner…” sagot ni Lenard. “Pero
mas bet ko si Gerard...gwapo pa…” bulong ni Lenard.
SA SPORTS…
“Umabot pala ng 12 rounds ang laban ni Pacquiao kay Oscar
Larios…unanimous decision ang hatol” sabi ni Marco.
“Oo nga daw Sir…” sagot ni Lenard “Si
Lia Andrea Ramos kaya Miss Photogenic sa Miss Universe” bulong ulit ni
Lenard.
SA PULITIKA…
“Talamak na ang mga tao sa gobyerno ngayon? Lataran na ang
pangungurakot…” wika ni Lenard…
“Onga e!” sagot ni Marco…“Ano
naman ang paki mo …” bulong ni Marco.
SA IBANG BANSA…
“Lalong lumalaganap ang sakit na SARS sa Hongkong…” wika ni Marco.
“Ah talaga Sir?” sagot ni Lenard “Teka
pa’no ko durugtungan…’to” bulong ni Lenard…
SA KALUSUGAN…
“Alam nyo Sir? Mabisa daw pantanggal ng bato sa kidney ang parsley…”
wika ni Lenard.
“Ah Talaga…?” sagot ni Marco. “E wala naman akong sakit bato e” sagot
ni Marco sa isip.
Hanggang sa
napunta sila sa…
“Sir ba’t wala
kayong girlfriend? Sayang naman ang ganda lalaki ninyo… hehehe” tanong ni
Lenard.
“Hmm…matagal na
kong wala girlfriend… Hmmp… Siguro… maglilima ng taon na akong bakante… Wala na
siya…Wag mo nang itanong kung bakit, ayoko nang pag-usapan pa…” sagot ni Marco
namalamlam ang boses at parang irita…
Napansin iyon ni
Lenard at biglang tumingin sa salamin upang pagmasdan si Marco. Malungkot ang
kanyang mga mata at nakatingin siya sa kanyang mga hita. Banaag sa kanyang mga
mukha ang lungkot.
At namayani muli ang
katahimikan sa loob ng kotse.
Nabali nalang ito ng magtanong si Marco…
“E ikaw may
girlfriend ka ba?”
“Pucha?! Ito na nga ba ang sinasabi ko e…
mali ang tanong ko e… tiyak talagang sa’kin din ang balik ng tanong na ito… kainis
naman…” wika ni Lenard sa sarili at nag-simulang mag-alala.
“Ah? Sir wala pa…”
sagot niya kay Marco.
“Talaga…? Seryoso
ka…? Ba’t naman…? Alam mo sa totoo lang mas pogi ka pa nga sa’kin e, tapos wala
ka pang girlfriend?” gulat na tanong ni Marco.
“E kasi Sir ano
e?... Ano?” sagot ni Lenard na kinakabahan… “Waah!
paano ko ‘to lulusutan? Ang mga kagaya mo ang type ko Sir e…”
“Naku baka
malaman nyang bading ako! Wag sa ganitong paraan wag waaah!” ang
nagsusumamong bulong ni Lenard sa kanyang isipan.
“Alam mo kasi,
dalawa lang ang dahilan yan ‘Nard… Either Torpe ka… o –BADING KA!” wika ni
Marco.
Umalingawngaw kay
Lenard ang salitang “-BADING KA” ng paulit-ulit. Gustong dumugo ng mga tenga
niya ng oras ding yun. Banayad ang pagkakabigkas ni Marco sa mga salitang iyon
pero kay Lenard ay parang nakakabingi at tumatagos sa kanyang mga buto. Parang
sasabog ang kayang ulo at hindi niya alam ang kanyang isasagot kay Marco kundi
ang mga salitang…
“Hindi ako bading
sir ah?!…”sagot ni Lenard na malaki at buo ang boses.
“Ah? So Torpe ka pala…buti nalang di ka bading, kasi
kung bading ka? Matitikman mo ang tamis ng kamao ko! Hehehe Ayoko sa mga bading
e…” wika ni Marco.
Lalong nanlamig
ang buong katawan ni Lenard at para siyang lalagnatin. Pakiramdam niya ay lumapat
na ang kamao ni Marco sa kanyang mukha at parang isang daang beses tinutusok
ang kanyang puso.
“Di sa torpe ako
Sir Marco, marami pa kasi akong pangarap na dapat tupdin…wala pa kasi akong
panahon sa mga babae e, sa totoo lang marami ang nagpaparamdam dyan sa
tabi-tabi…” palusot ni Lenard.
“Sabagay sakit
lang sa ulo yang mga babae yan, teka ano naman ang masasabi mo kay Grace?...sa
pinsan ko?” wika ni Marco.
“Mukha namang
mabait si Grace…” sagot ni Lenard.
“Teka nga…? Sino nga ulit yung Grace? Yung
katabi ko o yung nasa dulong upuan?”
Nakalimutan na
kasi kaagad ni Lenard kung sino sa
dalawang pinsan ni Marco ang Grace.
Kapansin-pansing hindi siya interesado sa mga babae.
Panatag ang
pagsasalita ni Marco wala syang kamalay-malay na nanadudurog na ang damdamin ni
Lenard. Si Lenard naman ay nananalangin na tuldukan na ang pagtatanong ni Marco
tungkol sa mga babae…
“Please? Mahal ko tama na ang pagtatanong?!,
Oo tanggap ko, na bading ako! E ikaw kaya, tanggap mo ko? E di ba hindi…so
please stop this…bago mo pa ako mabuko” wika ni Lenard sa isip habang
nakakagat sa labi…
Kaya’t naisip ni
Lenard na ibaling nalang pagtatanong ng…
“Ah Sir di ba
sumasakit yang kanang braso mo?”
“Well?, Sumasakit
pagsinusumpong at pagnagagalaw… medyo makati sa loob ng simento… gusto ko ngang
kamutin e” wika ni Marco.
Alam ni Lenard
kung ano ang nangyari sa kanang braso ni Marco kaya’t di na sya nag-atubiling
tanungin pa. Ayaw nya rin kasing mapahiya pa ang kanyang amo sa sinapit nito.
“Ilang araw na po
pala kayong ganyan?” tanong ni Lenard.
“Mag-iisang
linggo palang… sabi daw kasi ni Dr. Rivera, mga ilang buwan pa daw bago
gumaling” sagot ni Marco.
“So? Isang
mag-iisang linggo na pala kayong walang ano…? Di rin ba sumasakit ang tiyan
ninyo? Naku sir…? Buo-buo na yan… Hehehe…” pabirong tanong ni Lenard.
“Anong ano? Ahh?
heheh ikaw talaga? Ang libog mong mokong ka? Hehehe… Siguro gawain mo yan ano?
Panay panay ka ata e…ahahahah” sagot ni Marco.
“Ahahahah!!! Di
naman Sir, paminsan-minsan lang din pagbored ahahahah!!!” sagot ni Lenard.
“Kasi sir kung di
pwede yang kanang kamay nyo e...”
“E ano?” tanong
ni Marco.
“Yung kalawang
kamay nalang… hehehe” sagot ni Lenard.
“Kung gusto mo ako nalang ang gagawa nyan
mahal ko…Oh Shit?!... tinigasan ako dun ah? Pero wag na… baka sa ospital pa ako
damputin…” wika ni Lenard sa isipan.
“Oo nga naman,
sige mamayang gabi nga? Ahahahah! You give me an idea…” sagot ni Marco.
At nagsimula nang
magpantasya si Lenard.
Sa ganong usapan
nila, nakapalagayan ng loob ang mag-amo. Nawala ang ilangan at pagiging pormal
nila sa bawat isa. Pero si Lenard ay lalong nabalutan ng pag-aalinlangan lalo’t
alam niyang ayaw na ayaw ni Marco sa mga bakla. Kaya’t ano man ang mangyari
hinding-hindi sya dapat bumibigay sa harapan ni Marco at mananatiling nakabaon
sa lupa ang kayang lihim.
Sa Makati avenue
nila iginarahe ang kotse. Maaga pa ngunit marami nang tao ang namamasyal sa
labas ng mall. Mga magkakabarkada at mag-anak. Pumasok sila sa isang kilalang
mall upang makapamili ng cellphoneng ipangreregalo ni Marco sa kanyang ina. Iba’t-ibang
‘stalls’ at mga cellphone shops ang mga pagpipilian pero mas pinili nila yung
mismong brand ng cellphone ang pinuntahan nila.
Naunang pumasok
si Marco sa shop, agad syang nilapitan ng isa sa mga ‘sales lady’…
“Yes Sir, What
phone are you looking for?”
“Ang cute
naman nito kahit nakabenda ang kanyang mga braso…tsk..tsk..” bulong
sales lady.
“Ah? wait lang miss, tatanong ko lang sa kasama ko…’Nard halika,
pakita mo nga cellphone mo” banggit ni Marco.
Lumapit si Lenard
at tumabi kay Marco…
“Ah? Miss meron
pa ba kyong stock ng L7 na Motorola?” singit ni Lenard.
“Oh my God? Napapalibutan akong dalawang
gwapo…” bulong ng sales lady.
“Meron po Sir…
Sundan nyo po ako…ito po ba?”
“Meron ba kyong
kulay pink?” wika ni Marco.
“Oo nga kulay
pink… tama! Sige nga Miss ikuha mo kami ng kulay pink na L7” wika rin ni
Lenard.
Pink ang napili
nilang kulay para sa nanay ni Marco ngunit na dismaya ang sales lady…
“Ay patay na… pink as in Fwwink talaga?
Bongga!” bulong ulit ng sales lady na gulat na gulat.
“Ito po Sir…”
Ngunit di
nagustuhan ito ni Marco kaya’t napagpasyahan nilang kulay itim nalang katulad
ng kay Lenard ang kunin. Binayaran agad ni Marco ito at agad na silang umalis
sa shop.
Habang papalabas
sila, pinagtitingin sila at pinag-uusapan ng mga sales ladies…
“Sayang naman, ang gwagwapo nila kaya lang… parehas ayaw sa tulya…
magjowa pa ata…”
“E kase naman kahit na ako di
ako pipili ng bilasang tulya…! hahahaha…” wika ng isa.
“Ay naku? dibale
nang bilasa kesa naman dyan sa tulya mo… nagsasalita…hahahah!... madaldal pa…baka
matakot ang makakita nyan baka kasi tumawa…hahaha” ganti naman ng isa.
Habang naglalakad ang mag-amo sa pasilyo ng mall, may naramdaman si
Marco na ikinatuwa ni Lenard…
“Nard, sadali
muna…”
“Bakit Sir? Ano
po yun?” tanong ni Lenard
“Naiihi ako… ihi
muna tayo… tara…” wika ni Marco.
Nasorpresa nang labis si Lenard sa sinabi ni Marco, para sa kanya mas
exciting yayain ng kanyang amo sa banyo, kaysa mamasyal sa mall. Dali-daling
pumasok sila sa CR, ngunit nanlumo si Lenard dahil ‘divided’ ang ‘urinal’ at
may mga harang ang bawat isa. Kaya’t imbis na umihi siya ay nanalamin nalamang.
Dalawa lang sila sa CR. Napansin ni Lenard na napakatagal umihi ni
Marco. Nagtataka siya dahil alam nyang tapos nang umihi si Marco, wala na kasi
siyang naririnig na agos ng ihi sa urinal. Ilang sandali pa’y nag-salita si
Marco…
“Nard, halika bilis… wala namang tao e?” sabi ni Marco.
Nagulat si Lenard bilang kinabahan at naexcite…
“Paki-sarado nga itong zipper ng short ko… di ko maisara e…di kaya ng
kaliwa kong kamay… mahirap… maganit na kasi siguro ang zipper… bilis baka may
dumating pa na tao…” pakiusap ni Marco na para walang malisya.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Lenard, pakiramdam niya’y lumulobo
ang ulo niya. Hindi niya alam kung susundin niya si Marco.
“Sinusubukan
ba ni Sir ang pagkalalaki ko…? Kung hindi ko sya susundin…? baka sabihin,
naiilang ako? At magiging tama ang teoriya niya na bading ako…”
“Kung
susundin ko siya, dapat ngayon na at patay malisya akong isasara ang zipper
niya. Kung mabagal ako? Ibig sabihi’y para akong ng dadalawang isip, dapat alam
nyang di ako ng aalinlangan – kasi ibig sabihin ay naiilang talaga ako…naku…
Kalma lang Lenard… Kalma lang…” yan ang mga bumabagabag sa isip ni
Lenard.
“Sige na ‘Nard,
isasara mo lang ‘tong zipper… Sige na please? Lalaki naman tayo parehas di ba?
Ang hirap e...Wag ka nang mailang…” pakiusap ni Marco.
“Putik!? Ano ba ang gagawin ko…? Isasara ko
ba o hindi? Ano na Lenard? Ano na?” bulong ulit ni Lenard.
Hanggang
sa…
“Ay ito na pala…sandali…
ayan… nagsara na ang zipper… maganit na kasi e…” sabi ni Marco at sabay lumabas
ng CR.
“Ok na pala sir
e… isasara ko na sana?” wika ni Lenard.
Naiwan si Marco
na hinayang na hinayang sa loob ng CR.
“Putik…! Jackpot na sana naging bato pa?
ARGGGG!!! SAYANGGGG!!! Ang tanga-tanga mo Lenard, ang tanga-tanga mo…”
Palabas na si
Lenard ng CR. Natanaw niya si Marco na may kinakausap na bata. Nakaupo siya
habang kinakausap ito dahil sa mababa ang bata. Masaya ang mababanaag mo sa
mukha ni Marco. Nang lalapitan na nya ang dalawa, may lumapit na babae sa
kanila. Nakasuot siya ng mahabang palda at nakaspaghetti-strap na damit. Kinuha
niya ang bata, kinarga at para ayaw ipahawak ay Marco…
“OK Migs…Let’s
go… say goodbye to Tito Marco…” wika ng babae.
“Bha Tito Marco”
ang sabi ng bata.
At iniabot ng
babae sa yaya ang bata. Hinintay niya ang magyaya na makalayo sa kanila.
At kinausap ng
babae si Marco.
“Wala na tayo
Marco, matagal na, mahal ko ang anak mo, kaya sa puder ko na sya… mamaya na ang
flight namin papuntang Maldives… we will stay there for good…wag mo na kaming
sundan pa…” wika ng babae.
“Oo tanggap ko na
wala na tayo… pero bakit mo inilalayo sa akin ang anak ko? Bakit parang
ipinagkakait mo na maging tatay ako sa kanya? Bakit?” wika ni Marco habang
gumigilid ang luha.
Natahimik ang
babae at tinitigan si Marco.
“Kalimutan mo na
sya… Kalimutan mo na si Miguel… in fact kaya nga kami pupunta sa abroad dahil
nag-aantay na ang mapapangasawa ko doon…magpakasal na kami at tanggap siya ng
mapapangasawa ko… Marco I’m sorry… Buo na plano ko…” ang malamig na pakikitungo
ng babae kay Marco.
“E paano naman ang
mga plano ko? Napakasama mo… Bakit mo ginagawa sa’kin ito? Anong kasalanan ko
syo?” wika ni Marco.
Hindi pinansin iyon ng babae bagkus iniwan niya si Marco na lumuluha…
Natunghayan iyon ni Lenard at nagtaka kung bakit ganon na lamang ang
nagyari sa usapan ng babae at ni Marco. Si Marco nama’y parang batang inagawan
ng kendi. Napako ang kayang mga paa at tanging ang mga balikat niya lamang ang
gumagalaw sa pag-iyak. ‘Di nya alintana ang mga taong dumaan sa harapan niya.
Malalim ang kanyang paghinga, magkahalong galit at lungkot ang kanyang
pakiramdam. Ilang sadali pa’y naramdaman niya na may humahagod sa likod niya,
si Lenard.
Sa gitna ng mall
mayroong chapel na napaliligiran ng halamanan at palaisdaan at ito ang nagiging
sentro ng atraksiyon ng mall. Maaliwalas ang kapaligiran. Niyaya ni Lenard si
Marco na tumungo sa lugar na ito upang umupo at upang ilayo siya sa mga taong
nakatingin sa kanila. Walang tinanong si Lenard kung ano at bakit, gustuhin man
niya pero napangunahan siya ng alinlangan na baka pagsabihan siya ni Marco na
huwag siyang makialam sa pangyayari. Ang
tanging ginawa niya lamang ay hagurin ang likod ni Marco.
Nilingon ni Marco si Lenard. Napansin niya ang mukha nito na nag-
aalala
at parang nagtatanong kung bakit?
“Siya si Trixie… sya ang dating kong nobya… nagkaanak kami… Miguel daw
ang pangalan…siya yung batang kausap ko kanina…” sabi ni Marco at walang tigil
sa pag-iyak.
“Bakit niya ipinagkait sa akin ang aking anak? kahit 30 minutes lang! Kahit… 30 minutes
lang… Ni hindi ko man lamang nayakap ang anak ko….Tito Marco?! Tito Marco ang
gusto niyang itawag sa’kin ng sarili kong anak?! PUTANG-INA NYA!!! NAPAKASAMA
NYA!!!” ang hinagpis ni Marco.
Hindi na tapos
ang pang-iyak ni Marco. Iyak ng masama ang loob. Malalim ang pahugot niya sa kanyang
mga paghikbi. Basang-basa ng pawis ang kanyang leeg. Walang nagawa si Lenard
kundi pag-masdan na lamang ang pagluha ni Marco. Gusto na ring gumilid ang luha
niya sa kanyang mga mata sapagkat ramdam niya ang kalungkutang sinasapit ng
kanyang amo. Ngayon niya rin napagtanto kung bakit ganoon nalang ang ugali ni
Marco. Bugnutin at magagalitin parati.
Dahil dito, pansamatalang
umalis si Lenard at nagpaalam kay Marco habang nakaupo siya. Natukoy naman agad
ni Marco ang kung ano pakay ni Lenard sapagkat napansin kasi niya sa sarili, na
ang kaliwa niyang kamay ang pinampapahid niya sa kanyang mga luha. Alam niyang
bibili si Lenard ng ‘tissue’ upang ipamahid ngunit nagulat siya sa binili nito…
“Pasensya na Sir...wala akong maipapayo sa'yo sapagkat 'di
ko napagdaanan ang mga yan... Heto kainin nyo po, para lumuwag naman kahit na
papaano ang dinidibdib inyo…” wika ni Lenard habang inaabot ang binili.
“Ice cream daw ang mabisang gamot sa mga pusong sugatan...”
“Salamat ‘Nard…” wika ni Marco.
Natigil ang pangluha ni Marco pansamantala, naibaling kasi ang
atensiyon niya sa pagkain ng ice cream.
“Sir, kung gusto nyo ng mahihingahan nandito ang lang ako…
kung gusto nyo ng karamay tawagin nyo lang ako… sa totoo lang Sir, hindi ako
magaling magpayo hindi ako bihasa sa mga ganyan, pero kung gusto nyo ng kasama
nandito lang ako…’di ko kayo iiwan…” sabi ni Lenard.
“Salamat ‘Nard, isa kang mabuting kaibigan…” sagot ni Marco.
“Sa totoo lang, ikaw pa lang ang nakakaalam ng matagal kong
kinikimkim… Ikaw palang ang taong nag-alok ng ganyang serbisyo… Medyo mabuti na
ang pakiramdam ko, nailabas ko nang lahat ang sama ng loob ko… Sayang… Ito na
sana ang pinakamasayang araw sa buhay ko… ang mahagkan ko ang anak ko’t maging
mabuti ama sa kanya…”
Sa araw na ito, lalong namangha si Lenard sa kanyang amo. Natunghayan
niya na napakasimple bagay lang naman pala ang minimithi ni Marco sa buhay.
Natunghayan niya rin ang iba’t-ibang emosyon ng kanya amo, ang magalit, ang
matuwa at ang lumuha.
“Sa totoo lang, naiinggit ako sa inyo Sir Marco… kaya ninyong ipahayag
ang nilalaman ng inyong puso ng walang pag-aalinlangan… kaya ninyong ilabas ng
inyo emosyon sa harap ng maraming tao, samatalang ako… pinangungunahan ako ng
takot, parang walang lugar sa mundo ang ipaghayag ko ang aking damdamin… bago
ko pa kasi ipahayag, naiisip ko na ang kinalabasan, kung matatanggap ba nila o
hindi… kung makakatulong ba ito o makakakapanira… Natatakot akong
mareject…”
wika ni Lenard.
‘Di pinansin iyon
ni Marco, sa halip ay inatupag pa niya ang pagdila sa kanyang ice cream…
“Nard, pano mo
nalamang ice cream ang weakness ko? Ang sarap ah?” wika ni Marco.
“Tingnan mo, kasasabi ko lang, maganda na
sana ang pagkakaemote ko. talagang walang puwang sa mundo ang mga ipinahahayag
ko…hmmp… pero ok lang ‘at least’ ok na ang mahal ko… wala talaga akong tyansang
ipahayag ang sarili ko syo…hmmp..” sabi ni Lenard sa isip.
Lumabas na sila
ng mall, nauunang lumakad si Lenard dala ang kanilang pinamili. Nang sasakay na
sila sa kanilang kotse, naupo si Marco sa tabi ni Lenard imbis na sa likuran at
iyon ang labis niyang pinagtaka…
“Nard… Salamat…
pwede ba kitang maging ‘bestfriend’?... Ikaw palang ang tao sa buong buhay ko
ang napahingahan ko ng loob… ikaw palang ang taong nakakaaalam ng aking
pagkatao… Sabi ko na nga ba? Tama ako at mali sila nanay, hindi driver ang kailangan
ko… Dahil ikaw ang kailangan ko…” wika ni Marco.
“Oo naman Sir
Marco…” tugon ni Lenard.
“Marco nalang ang
itawag mo sakin…” sabay tapik ni Marco sa hita ni Lenard at sabay na umakbay…
Kinilig ng husto
si Lenard at bumilis ang pagtibok ng kayang puso. Dahil doon sinuklian niya ng
ngiti si Marco. Napatitig si Marco sa mga ngiti ni Lenard at nagsimulang
bumagal na ang oras. May parang kakaiba ginhawa ang mga ngiti nito na nagpabago
ng kanyang pakiramdam.
“Ayan na naman ang kanyang mga ngiti… para
akong hinihypnotize… bumibilis ang pagtibok ng puso ko…” bulong ni Marco.
“Pangiti-ngiti ka
nalang dyan ah? Alam mo? Kung naging babae ka? Naku… Hinalikan na kita…
hehehehe nakakainlove yang ngiti mo…” biro ni Marco kay Lenard.
Nagulat si Lenard…
“Huh? Naku Sir
Marco… Di tayo talo” ang panlinlang tugon ni Lenard na napangiti ulit sa tuwa.
Bigla syang
binatukan ni Marco,
“Ano kaba? Sinabi
nang Marco nalang e… Mokong ang itatawag ko syo…hahahahah” wika ni Marco.
Nakapagpalagayan
sila ng loob. Pero si Lenard, pilit paring pinipigilan ang damdamin niya kay
Marco. Mas lalong naging komplekado ang situasyon ngayon para sa kanya. Mas
mahihirapan siyang itago ang pagkatao niya kay Marco.
Itutuloy…

No comments:
Post a Comment