Thursday, May 29, 2014

Chapter 8: Cellphone

          Naalimpungatan si Marco, nakatulog sya sa tindi ng papanakit ng kanyang kanang braso dahil sa kanyang kagagawan. Naupo siya sa kanyang kama at tinanaw niya ang basurahan kung saan nanduon ang nilamukot na biodata ni Lenard. Hindi niya na muna pinansin iyon bagkus pinabayaan niya muna ito pansamatala at nagdesisyong mamaya na muna ito kukunin. Nakaramdam siya ng pagkagutom at sabay tumingin sa orasan.

            “Alas dose na pala? Kaya pala nagugutom nako teka makababa na nga..” bulong niya.

Lumabas siya sa kwarto at tinanaw sa ibaba kung nakahain na ng pananghalian nila. Pero bago siya bumaba. Pagkababa niya, lumabas na rin ng kwarto si Grace. Gulong-gulong ang buhok at halatang galing sa pahinga.

            “Oh? Nagising kana pala?” bati ni Marco kay Grace.

            “Yes kuya, mababaw ang tulog ko e…” sabi ni Grace.

            “O dyan na pala kayo? Ano anak masakit paba ang ulo mo?” tanong ni Aling Josephine.

            “Medyo ‘Nay, ikakain ko lang ‘to baka gutom lang ‘to” sabi ni Marco.

            “Mabuti pa nga. Tara kain na. Ate Beth?! Tama na muna yan halika’t saluhan mo na kami” sigaw ni Aling Josephine sa kasambahay.

            Nasa kalagitnaan sila ng kanilang kainan, agad na nagtanong si Grace.
            “I saw you kuya kanina, you had a visitor, segorow mga brunch time, who was that guy?” tanong ni Grace na nakangiti at parang kakatwa ang kanyang pagmumukha.

            Agad na nabulunan si Marco at nagulat sa pagkakasabi ni Grace sa kanya. Agad siyang nakinabahan baka kasi nakita sila ni Grace na magkayakap ni Lenard.
            Kinuha niya ang isang baso ng tubig at habang iniinum niya ito, nag-iisip na siya ng ipapaliwanag kay Grace.

            “Ah yun ba? Si… si… ano? Si… Si… Kwan?” sabi ni Marco na nauutal.

            “Si Lenard yun. Yung mag-aapply ng driver niya” ang sabi ni Aling Josephine na biglang sumabat sa usapan.

            “Lenard?” tanong ni Grace.

            “Si Lenard!? Yung border ni Mare, yung nakita mo nung isang araw na nag babasketball sa harap ng boarding house nila?” paliwanag ni Aling Josephine.

            “Lenard? Ah! Si Lenard yung gwaphow? OH MY GOD!!!” sabay tingin ni Grace kay Marco na para bang may alam siya.

            Agad na nabahala si Marco sa pagkakatingin ni Grace at parang may alam nga sya sa pangyayari sa kanila kaninang umaga at nag tanong kaagad si Marco…

            “Na… na…nakita mo ba kami kanina? Anong na… na…kita mo?” tanong ni Marco kay Grace pa bang kinakabahan.

            “Well actually was in my room, I heard that you’re talking to someone... Then I checked who was this guy you’re talking with, but unfortunately I saw him na palabas na sya ng bahay... I saw you leading him outside na… So yung back nalang niya ang nakita kow… Mataas na tao… hmm… segurow same height kayo kuya” paliwanag ni Grace.

            “Sigurado ka bang yun lang ba ang nakita mo?” tanong ni Marco na may pagdududa.

            “What else should I need to see? Sayang nga e, sana nameet ko man lang, teka kuya? aren’t you gonna hire him, are you? Did he pass your preference Kuya?” sabi ni Grace.

            “Hay salamat naman buti yung lang ang nakita niya at least I’m safe, hehehe” bulong ni Marco.

“Well, I’ll expect him on Monday, may magagawa pa ba ako? Eh si Nanay at Ninang na ang nagdesisyon.”

“Oh My… Yehey I gonna meet him on Monday, how’s he kuya? Is he nice?” kulit ni Grace.

“Mabuting tao si Lenard, masipag at higit sa lahat mabait” ang sabat uli ni Aling Josephine.

“Talaga Tita, bagay ba kami? Heheheh” tanong ni Grace.

“Ilusyunada ka talaga heheheh” ang biro ni Aling Josephine.
Habang nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap biglang tumunog ang busina ng “Truck” ng basura sa labas. Hudyat na ito na ilabas na ang basura sa loob ng bahay upang kolektahin.

“Ay ano ba yan? Nakalimutan kung kunin ang mga basura ninyo sa kwarto sandali nga’t kukunin ko muna?” sabi ni Ate Beth na pansamantalang umalis sa hapag para kunin ang basura sa bawat kwarto nila.

Hindi pinansin iyon ni Marco bagkus tuloy parin sila sa pag-uusap.

“Teka Marco? Malinis ba ng kotse? Nakakahiya naman kay Lenard kung marumi ito” sabi ni Aling Josephine.

“Nay? Ipapalinis ko nalang ito sa kanya...” paliwanag ni Marco.

“Anak nakakahiya naman kay Lenard, ipagmamaneho ka lang naman ng tao di mo sya kailangang aalilain” sabi ni Aling Josephine.

“O shya, shya! Papapuntahin ko sya bukas dito para ipadrive ko sa carwash” sabi ni Marco.

Biglang napa-isip si Marco at napahinto sa pagnguya…

“Teka may number na ba ako ni Lenard? Teka? Sabi nya nasa contacts daw yung number niya… sa Biodata at ang biodata nasa…”

“WAAAHHH?!” sigaw ni Marco.

At biglang nagulat sila Grace at Aling Josephine.

“Ate Beth?! Ate Beth?! Asan si Ate Beth?!” tanong ni Marco.

“Nasa labas nagtatapon ng basura, bakit?” tanong ni Aling Josephine.

Agad na kumaripas ng takbo papalabas ng bahay si Marco, at nakita niya si Ate Beth na inaabot lalagayan ng basura sa mamang kolektor ng basura.
Agad siyang sumigaw ng malakas nagmakita niyang ibinuhos na ng mama yung basura sa truck…

“WAGGGGGG! Waaaaaaaaaaaaaaaaahh!” sigaw ni Marco na nakasabunot sa kanyang buhok.

Agad na lumapit si Ate Beth kay Marco at tiningnan ang kanyang mukha.
Nagtaka at pansin ni Ate Beth na hindi pa tapos kumain si Marco dahil napansin niya ang isang mumo ng kanin malapit sa kanyang bibig…

“Bakit po Sir?” ang sabi ni Ate Beth.

Nanlambot ang tuhod ni Marco at agad itong napaupo sa harap ng bahay. Hinayang na hinayang siya sa biodatang itinapon niya sa kanyang basurahan. Agad niyang naisip ang pagmumukha ni Lenard na nakagiti sa ‘picture’. Gusto niyang sisihin si Ate Beth sa pangyayari ngunit wala syang magawa sapagkat kung meron mang pagkakamali sa bagay na ito, ang dapat niyang sisihin ay ang kanyang sarili.

“Wala na? Wala na Ate Beth? Wala na sya? Naitapon na…” ang malungkot na sabi ni Marco kay Ate Beth.

“Wala na sino Sir?” ang malambing na tanong ni Ate Beth.

“Si Lenard…” ang di mapigilang pagkasabi ni Marco.

“Hah? Yung tinutukoy nyo po ba e yung basura ninyo?” tanong ni Ate Beth.

“Oo Ate Beth…” ang maramdam niyang pagkakabigkas.

“Ayan pa po yung iba oh?! Sa gilid ninyo. Asan ba dyan yung basurahan ninyo?” sabi ni Ate Beth

Biglang lumingon si Marco sa gilid at nakita niya ang basurahan niya partikular na ang biodata ni Lenard. Nabuhayan si Marco at nagbago ng itsura...

“Ayun pala e…” sabi ni Marco at biglang sumigla.

Kinuha niya biodata na nakalamukos at inayos muli, sabay pumasok sa loob ng bahay at iniwan si Ate Beth na takang-taka.

“Ay Sus! Lenard pala ang pangalan ng basura nya…” sabi ni Ate Beth na parang naliwanagan.

Pagpasok ni Marco sa loob ng bahay agad na sinalubong ng ina niya ng tanong,

“Oh? Ba’t anong nangyari sa’yo? Ano yang hawak mo?” tanong ni Aling Josephine.

“Ay wala ‘Nay, wala ito.” sagot ni Marco sabay nilagay ang nalamukot na biodata ni Lenard sa kanyang likod.

Itinago ni Marco sa likod niya ang biodata upang di makita ng nanay niya at di pagalitan siya sa pagiging burara nito.
Hindi tinapos ni Marco ang kanyang pagkain at dumeretso siya sa kanyang kwarto at kanyang sinabi sa sarili…

“Hay?! Muntik ko na ikaw matapon buti nahabol ko heheheh…”

At sabay hinalikan ang picture ni Lenard sa biodata

Nabigla rin si Marco sa kanyang ginawa.

“Ay shit ano bang ginawa ko? Ba’t ko hinalikan ‘tong mokong na ‘to”

“Pero nandito parin ang amoy ni Lenard sa biodata, di natanggal kahit naitapon ko na sa basura”

“Teka na’san na contact number niya? Hmmp”

Hinanap ni Marco ang ‘contact number’ ni Lenard sa biodata, nakita niyang ‘cellphone number’ iyon kaya’t di nag atubiling kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawag niya si Lenard.

“Hello? Lenard? Si Marco ito…” Ang bati ni Marco.

“Sir Marco kayo po pala, may problema po ba?” tanong ni Lenard.

Sa puntong ito kinakabahan si Lenard, baka kasi di sya matuloy sa pagmamaneho niya sa Lunes.

“Ay wala naman. Pasensya na kung naistorbo kita? Pwede ka bang sumaglit dito bukas ng umaga o kung anong oras ka pwede… Pwede bang ipa-carwash mo muna yung kotse? Matalaga na kasing ‘di ko nagamit e…” magalang na pakiusap ni Marco kay Lenard.

Parang biglang nabago ang ‘mood’ ni Marco, bilang bumait kay Lenard. Si Lenard naman nawala ang tensyon niya, bagkus biglang naexcite.

“Oo naman Sir, pwede po, kung OK lang po sa inyo kahit mamayang hapon wala naman akong gagawin mamaya e…” sabi ni Lenard na parang napakakisig pakinggan.

Kilig na kilig si Lenard ngunit pigil na pigil ito sa kanyang mga pananalita, halos masira na ang unan niya kakayakap ng mahigpit. Habang kausap ni Lenard si Marco, malalaman mong nakangiti siya at gayun din si Marco sa kanya. Para bang nag-uusap sila bilang makakilala na talaga.

“Hindi bukas nalang masama kasi ang pakiramdam ‘ko sasamahan kita kasi upang malaman mo saan ako nagpapa-carwash.” paliwanag ni Marco.

“Ah O sige po Sir, bukas nalang po, pupunta nalang po ako bukas” ang sagot ni Lenard.

“OK sige bye!” sabi ni Marco na malumanay.

Sabay ibinaba ang tawag.

“Anong bye? Bye bye bayin mo mukha mo!!! heheheh” sabi ni Marco.

“Bye rin Sir Mahal ko! Waaaaaaaaaah!!!” ang kilig na sabi ni Lenard na halos maihi.

“Sasamahan ako ni Marco bukas? Naku kailangan kung maghanda, kailangan kung magpagupit, teka isasave ko muna ang contact number ni Sir” bulong ni Lenard.
        
    Agad nya ito ‘sinave’ sa kanyang cellphone at pinangalanan niya itong
                        S-I-R—M-A-R-C-O

            Ngunit di sya nakuntento, kaya’t pinalitan niya ito ng

                        S-I-R—M-A-H-A-L—K-O

            At nasiyahan siya sa kanyang ginawa.

            At si Marco naman sinave din niya ang contact number ni Lenard na…

            M-O-K-O-N-G

            “Wahahaha mokong ang pangalan mo sa phone ko.. heheheh” sabi ni Marco.

            “Teka malinis ko na nga ang loob ng kotse baka sabihin ni mokong na burara ako”

Kinagabihan isinet ni Lenard ang alarm ng alas siyete y medya ng umaga upang gumising.

Dumating ang araw ng kinabukasan, maagang nagising si Marco, naligo at nagdamit ng madali niyang suotin “walking-short” at simpleng pang-itaas na T-shirt. Agad syang bumaba upang mag-almusal. Pagkababa nya, nagulat siya sa kanyang nakita, Si Grace. Maaga siyang umuwi sa bahay, at nakapagpalit na rin damit, naka-‘spaghetti strap’ at maikling ‘walking-short’, di rin nya pinalagpas ang mag-make-up dahil alam niyang pupunta si Lenard.

“O di ka pa ba matutulog?” tanong ni Marco dahil alam nyang panggabi ito.

“Later Kuya.” Sagot ni Grace habang abalang-abala sa kakamake-up.

“May lakad kaba?” tanong uli ni Marco.

“Well Kuya as far I know? E pupunta si Lenard, magpapakacarwash at sasama ako sa kanya” ang agresibong sagot ni Grace.

“Ah! Talaga? Kasama ka? Bakit?” tanong ni Marco.

“Sige na Kuya? Please? I just want to meet Lenard… Pretty-pretty please?” pakiusap ni Grace.

“Edi e meet mo ngayon pero wag kanang sumama, ituturo ko lang naman kung saan ako ng papacarwash ‘tas tapos na, yun lang” sabi ni Marco.

“Ako nalang ang magtuturo para di kana mahirapan pls?” sabi ni Grace.

“At tapos magdadate kayo?” sagot ni Marco.

“Uhmm, Oo waaahhhhh!?” ang sagot ni Grace habang kinikilig.

“Anong kalandian na naman yang naririnig ko?” ang entrada ni Jane na kagigising lang.

Habang pababa si Jane sa hagdanan, may natanaw siyang lalaki na nakatayo sa gate nila para bang may hinihintay at panay ayos sa kanyang buhok. Si Lenard. Maaga rin siyang nagising dahil mababaw ang kanya tulog at upang maging maaga siya sa unang araw, di rin nasunod ang kanyang itinakdang oras ng paggising.

“Oh may tao sa labas…” sabi ni Jane.

Bago siya pumunta sa hapag, dumirecho muna sa gate upang tanungin kung ano ang kailangan ng taong nakatayo roon.

“Ano po yun? Ano po ang kailangan nila?” tanong ni Jane.

Hindi kilala ni Jane si Lenard…

“Uhm, good morning po, ako po si Lenard, ako po yung magiging driver ni Sir Marco” sagot ni Lenard na nakangiti kay Jane.

Si Lenard ay nakasuot ng simpleng puting T-shirt, kupas na maong at ‘sneakers’. Nakasabit sa kanyang T-shirt ang kanyang ‘sun glasses’. Malayo palang maamoy mo na siya sa kanyang pabango.

“Aba ang bilis ata ng pangyayari? Nakaroon kaagad ng driver at may itsura pa, ah teka? kaya pala lumalandi ngayon si Ate dahil sa kanya” sabi ni Grace sa isip.

“Tara pasok ka?” sabi ni Jane.

At pumasok naman si Lenard at pansamantalang huminto upang tiningnan ang kotse. Napansin niya na kailangan nya na ngang linisin dahil sa makapal nitong alikabok.

“Ah Kuya pasok ka muna sa loob” ang banggit ni Jane kay Lenard habang nag-aantay sa tapat ng pinto. Agad naman sumunod si Lenard.

Pagpasok ni Lenard, agad na tumambad ang pagmumukha ni Marco na medyo malamlam ang itsura, ngunit nginitian lamang iyon ni Lenard at sabay bati ng…

 “Good morning sir, kumusta po ang pakiramdam ninyo?” sabi ni Lenard.

Medyo naiilang si Lenard na tingnan si Marco, kaya napabaling ang tingin niya kay Grace.

“Good Morning Ma’am” sabi ni Lenard at pagkatapos nginitian niya si Grace na ngayon lang din niya nakita.

At si Grace naman ay nanlaki mga mata, sapagkat mas malapitan niyang nakita si Lenard at nakangiti ito. Tagus-tagusan sa puso ang pagkakilig ni Grace at na ‘love at first sight’. Hindi siya nakasagot kaagad kay Lenard at natahimik pansamantala.

“Medyo ko na ako kaysa kahapon…Teka bagong gupit ka ngayon ah” sagot ni Marco.

Biglang namula ulit ang mukha ni Marco dahil naisip niya muli ang nangyari kahapon sa kanila ni Lenard ngunit hindi na iyon pinahalata.

Si Lenard naman ay nakatayo lamang sa may bandang sala at parang nahihiya.

“Sir kukunin ko lang po sana ang susi ng kotse” sabi ni Lenard.
At sabay lumabas si Aling Josephine sa kusina at nakita nya si Lenard.

“Aba nandiyan ka na pala Lenard, tara’t kumain ka na muna sabayan mo na kami” bati ni Aling Josephine.

“Good Morning Ate Jo, tapos napo ako mag-breakfast” sabi ni Lenard na nahihiya.

“Aba’y kahit kape lang humigop ka na muna” sabi ni Aling Josephine.

At niyaya ni Grace si Lenard na kumain…

“Hi thura kumain ka na muna… By the way, I’m Grace, cousin ni Kuya Marco” ang pademure effect ni Grace.

Inabot ni Grace ang kamay ni Lenard upang makipag- ‘hand shake’ at lalong kinilig dahil sa magaspang at makalyong kamay ni Lenard.

“Oh my? Lalaking-lalaki ang kanyang kamay, ang tigas-tigas at bango-bango pa niya…” bulong ni Grace.

“Dito ka sa tabi ko Lenard…don’t be shy” anyaya ni Grace.

“Thanks…” sabi ni Lenard.

Dumating sa eksena si Ate Beth.

“Ah sya pala ang Lenard? Akala ko kasi yung ano…” ang banggit ni Ate Beth sabay tingin kay Marco.

Sa kabisera umupo si Aling Josephine, magkatabi si Marco at si Ate Beth at katapat nila si Grace at Lenard, sa dulo ng lamesa umupo si Jane, na dapat sana’y katabi ni Grace.

Tinanong ni Aling Josephine si Lenard…

“Sya nga pala kumusta na si Mare?”

“Medyo mabuti po ang pakiramdam niya kaysa kahapon, pabago-bago po kasi ang panahon natin ngayon e, kaya siguro nagkasakit sya..” paliwanag ni Lenard.

Sa bawat papaliwanag ni Lenard kay Aling Josephine, ay panakaw syang tumitingin kay Marco. Walang nakakapansin nito maliban kay Jane. Natyetyempuhan kasi ni Jane ang ginagawa ni Lenard at duon nahihiwagaan siya sa kanya.

“Teka nga ba’t panay tingin ng taong ito kay kuya Marco, andyan naman si Ate… Si Ate naman parang dumalagang aso, kulang na lang kumadong na kay Lenard para lang mapansin pero ba’t parang binabalewala lang nya…hmmm parang may mali, hindi kaya naiinsecure si Lenard? Hmmp” bulong ni Jane.
        
      Di namamalayan ni Marco na ninanakawan na sya ng tingin ni Lenard, Si Grace nama’y kada isang mahinhin na pagsubo, isang sulyap kay Lenard na tila pinapapak niya siya ng tingin.

Aksidenteng sumulyap si Marco kay Lenard at napansin iyon ni Lenard, nagulat sila pareho, kaya’t naibaling nila ang tingin sa kinakain nila. Parehas sila namula. Huling-huli naman ni Jane ang pangyayaring iyon.
      
      Bigla namuo ang katahimikan.

            Walang anu-ano’y tumunog ang alarm ni Lenard sa cellphone, at ang lahat ay tumingin sa kanya…

            “RRRRRRRRRIIIIIINNNNGGGG!!!”

            “Oh? You have a call Lenard” sabi ni Grace.

            “Ay sorry…” sabi ni Lenard at agad na dinukot niya ang cellphone sa bulsa.

            “Ay yung alarm pala nakalimutan kong ioff” paliwanag nalang niya.

            “Oh my? We’re the same phone…Motorola Sliver ka rin? Parehas pa tayo ng color, color black din yung akin” puna ni Grace at ipinakita rin nya ang kanya cellphone.

            Napuna ni Aling Josephine ang kanilang cellphone…
           
      “Aba’y ang nipis naman n’yan at ang ganda pa…” sabi ni Aling Josephine.
      
      “May iba’t-ibang colors din yan tita, may white, pink at transparent din” sabi ni Grace.

            “Talaga? ang galing naman, sakin kasi Nokia 3310 parin at burado na ang mga letra niya…hehehe” sabi ni Aling Josephine.

            “Hmmp! mas maganda naman ang phone ko dyan, Motorazor” bulong ni Marco.

            “Lenard, anong number mo? Text text tayo ha?” sabi ni Grace.

            “Ah sige, eto number ko” sabi ni Lenard.

            “Lumalandi na naman ito si  Grace, parang sinisilaban ang tumbong, di mapakali, baka mamaya e, babaero ‘tong si Lenard … hmmp” bulong ni Marco.

            Palihim na tumitingin si Marco sa mga cellphone ng dalawa…

            “Hmmm?, alam ko na! Tama, yun na nga…mamaya pag-alis..” bulong ulit ni Marco sa sarili at parang may binabalak.
Pagkatapos ng 30 minutes na kainan at usapan nagdesisyon ng umalis si Marco at Lenard,

            “So?, tara na Lenard, pwede bang ‘Nard ang tawag ko syo? Ang haba kasi ng Lenard e” sabi ni Marco.

“Ok lang po sakin yun Sir…” sabi ni Lenard.

“Pero gusto ko, Mahal nalang sana ang itawag mo sakin, hehehe” sabi ni Lenard sa isip.

 “Honey ang itatawag ko syo kung magiging boyfriend kita hehehe” bulong rin ni Grace.

“Mokong sana itatawag ko syo e wahahahha” sabi rin ni Marco sa isip.

“Wirdo ang itatawag ko syo, gago!” ang sabi rin ni Jane sa sarili.

“Ay teka nakalimutan ko yung susi, Grace pakikuha nga yung susi sa table malapit sa altar” utos ni Marco.

“Kuya pagkinuha ko yung susi, sasama ako ha?” pabirong sabi ni Grace.

“Tsk!.. wag na nga ako nalang” sabi ni Marco na nakakunot-noo.

Pag-akyat ni Marco sa hagdan, muling napansin ni Lenard ang mga binti ni Marco at tiningnan ito hanggang sa makapanhik sya. Para sa kanya, nakakasilaw ito at parang isang napakagandang tanawin.

Hindi nakatakas sa paningin ni Jane ang pagtitig ni Lenard sa binti ni Marco, na sa simula’t simula pa ay tinitingnan na ito.

“Isa pang ‘clue’ mababasa na kita…” bulong ulit ni Jane.

Palabas na sila ng bahay. Sa likod pinaupo ni Lenard si Marco at di naman ito tumanggi. Tamang-tama lang ang tuling ng takbo ni Lenard, sapagkat ayaw nilang matagtag ang kotse na magiging sanhi ng pag-alog ng kanang braso ni Marco. At nagsimula ng magtanong si Lenard…

“Sir san ba yung pagcacarwash-san natin?”

“Dun lang sa labas ng Village sa Santiago’s Cashwash” sabi ni Marco.

“Ah kina Danny? Alam ko yun, officemate ko ang may-ari nun, family business nila yung carwash, at dun minsan ako nagpapalinis ng taxing hinihiram ko sa boardmate ko” sabi ni Lenard.

“Ah ganon ba?” sagot ni Marco. “Di ko naman tinatanong… hmmp!” bulong niya.

‘Casual’ ang usapan nila. Ngunit ang sagot ni Marco ay parang napakatabang at walang kaemomosyon.

Tahimik sila parehas at parehas silang nakikiramdam. Naiilang si Lenard. Kada galaw ni Marco ay napapatingin siya sa salamin at upang di mahalata ang patingin-tingin niya, sinuot niya ang kanyang ‘sunglasses’. at si Marco naman ay di nagpapahalata na tinitingnan bawat kilos ni Lenard. Sinimulan niyang usisain ang sinuot na ‘sunglasses’ hanggang sa batok ni Lenard.

“Ano kaya ang brand ng ‘sunglasses’ niya, sayang sana sinuot ko rin ang ‘sunglasses’ ko”

“Hmmp… ang puti ng batok niya, makinis at malaki ang kanyang balikat” sabay kapa ni Marco sa sarili niyang batok hanggang sa kanyang balikat.

“Ang bango niya. Ano kaya ang pabango niya? Tama lang, di gaanong matapang at mukhang mamahalin, sana nagpabango rin ako, tanungin ko kaya kung anong brand?”

“Wag nalang baka sabihin inggetero ako, mas mabango naman yung sakin, pero ang bango talaga e.”

Lalong nainsecure si Marco.

Nakarating na sila sa carwash. Bumaba agad si Marco at sinabihan ang attendant na magpapalinis sila. Nakilala naman ng attend si Marco sapagkat isa sya sa mga regular customer nila. Bumaba na rin si Lenard, agad binati niya ang attendant…

“Pare, kumusta na? Dyan ba si Pareng Danny?” tanong ni Lenard.

 “Ay Sir ikaw pala yan? Bago na ba raket natin? Nandyan po si Sir Danny sa loob, teka tatawagin ko po" sabi ng attendant.

Ilang sadali pa’y…

“Oh? Lenard dito ka pa pala? Kala ko nasa abroad kana? Anong nangyari?” bati ni Danny.

“Wala pare e, nag-aantay ako ulit ng tawag, nagkaproblema kasi sa kumpanyang papasukan ko e, 3 months pa raw, kaya eto driver muna ako, kakaumpisa ko palang” paliwanag ni Lenard.

Naechapwera si Marco sa biglang pagpasok sa usapan ni Lenard…

“Excuse me! magpapacarwash kami, pakibilisan” singgit ni Marco na parang naiirita.

“Ay sori Sir… kayo po pala… Sige po aasikasuhin na namin…” ang pagsensya ni Danny kay Marco.

Ayaw na ayaw ni Marco yung mawawala siya sa eksena lalong lalo na yung sasapawan siya.

Napansin din yun ni Lenard.

“Ay Pareng Danny, Si Sir Marco pala sya ang boss ko ngayon, driver niya ako” pakilala ni Lenard.

Alam ni Danny ang estado ng pamumuhay ni Lenard, professional sya tuwing weekdays at professional taxi at jeepney driver naman sya kapag weekends.

“Ay oo kilala ko yan si Sir Marco, suki namin yan dito” sabi ni Danny.

“Ah Lenard lika muna saglit may ipapakita ako syo sa loob” paanyaya ni Danny.

“Sige sandali lang, Sir Marco iwan ko muna kayo saglit ha?” sabi ni Lenard.

Pero pakana lamang iyon ni Danny para di marinig ni Marco ang sasabi niya kay Lenard.

“Pre, sya ba boss mo? Masungit yan… Ayaw niyang babagal bagal sa trabaho…” ang bulong ni Danny kay Lenard.

“Ah talaga? Buti sinabi mo… Kasi pinakikiramdaman ko palang siya. Naku sayang na sayang ang kagwapuhan niya… Este ang kanyang gandang pagkalalaki” sabi ni Lenard na muntik ng mabuking.

30 minutes na ang nakakalipat at natapos na ang paglilinis ng kotse at agad na nagtanong si Marco…

“Magkano nga ulit ang bayad?” pabalang na sabi ni Marco.

“Ah Sir, libre lang po, libre lang, kilala ko naman po si Lenard e…” sabi ni Danny.

“Thank you Pare ah! di bali makakabawi rin ako syo…” pasasalamat ni Lenard.

“Tara na Sir uwi na po tayo…” yaya ni Lenard.

Pumasok agad si Marco sa kotse na nakakunot-noong nakatingin sa kalayuan…

Alam ni Lenard na mainit ang ulo ni Marco kaya’t ang tanging ginawa niya ay humingi paumanhin..

“Sir Marco sori po pala kanina, di ko sinasadyang i-cut ang usapan ninyo… Sorry po” ang madamdaming paumanhin niya...

Si Marco nama’y mabilis na humupa ang galit at biglang nahiya kay Lenard. Hindi niya maiintindihan ang kanyang sarili kung bakit ganoon ang kanyang pakiramdam. Kung pagalitan niya nga si Emily sa bawat pagkakamali nito’y parang kriminal ang turing, kahit ilang ulit na siyang humingi ng tawad walang epekto kahit na katiting. Pero iba si Lenard, iba ang amor niya sa kapwa lalaki, simula’t sapul pa sa pagkabata’y wala siyang nakagisnang kamag-anak na lalaki na humubog sa kanyang pagkatao at papano ang mamuhay na kasama ito. Mas panatag siyang makisalamuha sa mga kababaihan dahil sa apat ng sulok ng kanilang bahay, puro mga babae ang kanyang kasakasama, kaya pagdating sa mga kalalakihan e medyo, naiilang siya.

“Wag munang isipin yun, sige alis na tayo, shya nga pala saan mo nabili yang cellphone mo? Ganyan ang ireregalo ko kay Nanay… Magbibirthday na sya sa Wednesday… wag ka lang maingay ha?” sabi ni Marco.

“Ah talaga po Sir? Sa festival po... alis na po tayo…”sabi ni Lenard.

“Naku, para na rin kaming magdadate kami ni Mahal ko…” bulong niya.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment