Saturday, May 10, 2014

Chapter 7: Baliktaran

Ang kwarto ay bahagi ng bahay kung saan tayo ay nagpapahinga. Dito napapaloob ang mga personal nating kagamitan. Pero kung iisipin mo, napakaliteral na paglalahad sa bagay na ito, ngunit hindi ba ninyo alam na ang kwarto rin ay isang lugar kung saan ay may malaking kontribusyon sa paghulma ng ating kinabukasan? 
Sa silid na ito binubuo ng mag-asawa ang mga pangarap nila sa kanilang pamilya. Nagsisilbing pangalawang paaralan ng mga estudyante. Ang lugar kung saan ang mga taong bigo sa buhay ay namamahinga upang mag-ipon ng lakas para gamitin muli ang kakayahan upang harapin ang bukas. Sa kwarto din nagdidisisyon kung ano ang susunod ng gagawin ng pangulo ng isang bansa kung ano ang mga plano na dapat niyang gawin sa ikakataguyod ng kinabukasan ng kanyang nasasakupan.  Ang lugar kung saan naipapahayag natin ang saloobin, mga sama ng loob, mga pangangailangan, mga kasiyahan, pa
sasalamat at kapatawaran sa pamamagitan ng panalangin atin sa Diyos. Ito’y sumasalamin ng ating pagkataon.

Pagkatapos ng mga pangyayari sa bahay nila Marco, nakangiting tumungo si Lenard sa botika para bilhan si Aling Martha ng gamot para sa kanyang karamdaman.

Sa sobrang kasiyahan, nilakad niya simula sa bahay nila Marco pagtungo sa botika. Lahat ng makakasalubong niya’y napapatingin sa kanya’t napapa-isip na para bang may sakit siya sa utak. Ngunit di napapansin iyon ni Lenard sapagkat abala siya sa pananariwa sa mga pangyayari sa kanila ni Marco. Atat na atat na siya na sana’y bukas na ang umpisa ng kanyang trabaho at ipinapanalangin niya rin na sana’y huwag ng tumawag si Marco sa kanya dahil napagkasuduan nila na, kapag hindi tumawag si Marco sa kanya, ibig sabihi’y tuloy sila sa Lunes ng umaga.

Parang ito na ang pinakamasayang pangyayari sa buhay niya. Di mo tuloy malalaman kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya masaya. Masaya ba siya dahil natanggap na siya sa trabaho? Masaya siya dahil makakasama niya si Marco? O Masaya siya dahil sa pangyayari sa kanila Marco? Pero para sa kanya tila ba nanalo siya ng ‘house and lot with living room and entertainment showcase’, pinatos niyang lahat.

Pagkatapos ng 30 minutes na paglalakad, narating niya ang botika. Good mood na good mood si Lenard. Agad na pumasok at masaya niyang binati ang pharmacist ng ‘good morning!’, na hindi niya naman talagang ginagawa, at sinabi ang gamot na kailangan niyang bilhin.

“Meron ba tayong ‘Paracetamol’?” tanong ni Marco sa nanay niya.
Kung ano ang pakiramdam ni Lenard sa sarili, kabaliktaran naman ang nararamdaman ni Marco. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya kay Lenard at parang di nya matanggap iyon. Kung si Lenard sinasariwa niya ang bawat sandali, si Marco naman ay pilit niya itong ibinubura sa isipan. Parang gusto niyang isumpa ang araw na iyon.

“Kumain ka muna anak, meron tayo dyan sa ‘medicine cabinet’, bakit masama ba ang pakiramdam mo?” ang sabi ni Aling Josephine sa anak.

“Opo ‘nay, parang biglang sumama ang pakiramdam ko”, sagot ni Marco.

“Parang may dalang epidemya si Lenard at nahawa ako sa kanya” bulong niya sa sarili.

“’Nak ng…, nakakahiya ang ginawa ko, baka sabihin ng mokong na yun na babading ako sa kanya at isa pa, malapit ko na syang tanggihan e… ba’t ganon napa ‘Oo’ agad ako, parang may ‘something’ sa mga titig niya. Di kaya myembro siya sa mga asosasyon ng mga makukulam dito sa Pilipinas o isa sa mga myembro ng budol budol gang? Para akong babae na gayuma ah?…” bulong ni Marco.

“Teka asan na pala ang biodata niya?”

Asar na asar niyang tinungo ang lamesa at muntik ng sipain ito dahil, ito ang dahilan ng kanyang kahihiyan.

Pagalit na kinuha ang biodata at humakbang siya patungo sa hagdan na nakakunot-noo.

Pumanhik siya at tiningnan niya ang biodata, ngunit na imbis na basahin ang nilalaman nito, sa ‘2 x 2 picture’ siya agad tumingin.

 Napahinto siya sa kalagitnaan ng hadganan.

Matagal ang pagkakatitig niya sa ‘picture’. At ilang sandali pa’y -nilukot niya ang biodata, tumungo na sa kwarto at sabay na inihagis niya ang inlamukot na biodata sa lamesa. Nahiga siya ng pahalang sa kanyang kama pansamantala at tiningnan ang kisame.

At sinabi niya kanyang sarili.

“ANG GAGO KO TALAGA!!!”

Di maipinta ang mukha niya. Parang pinaghalong inis, galit at hiya ang kanyang pakiramdam. Agad siyang bumangon at kinuha ang nilamukot na biodata at inayos muli ito. Humiga siya ulit sa kama ng padapa dala ang biodata at tinitigan muli ang picture ni Lenard.

Mukha naman siyang mabait”

“Maamo ang mukha, pero mas pogi kaya ako sa kanya?”

“Oo, mas pogi ako… hehehe… At macho pa…”

Tinitigan pa niya ang nakangiting picture ni Lenard at sabay na ginaya ang ngiti nito.

“Maganda ang kanyang mga ngipin at napakaamo ng kanyang mga ngiti, ako kaya maganda ba ang ngiti ko?”

Bumangon siya dala ang biodata, pumunta sa salamin at sabay na ngumiti.

“Maganda naman ang ngiti ko ah?”

At di pa siya nakuntento, itinapat pa niya ang biodata sa harap ng salamin at ipinagkumpara niya ang sarili niya sa picture ni Lenard habang nakangiti.

At sabay na tumawa.

“Wahahaha!”

“hahahahaha!”

At biglang di ulit maipinta ang mukha ni Marco sabay lamukos sa biodata at itinapon ito basurahan. At muling bumulong sa sarili..

“PUTANG-INA!!!”

“NA-IINSECURE AKO!!! WAHHH!!!”

Biglang tumakbo at tumalong sa kama ng padapa at nakalimutan niyang may bali pala siya sa kanang braso.

“ARAYYY!!! ANG SAKKKKIITTT!!!

Samantala, nakalabas na ng botika si Lenard, sabay niyang inilagay sa bulsa ang binili niyang gamot at tumungo na pauwi sa ‘boarding house’. Pagkauwi niya, agad na tumungo siya sa kwarto ni Aling Martha.

“Nay Martha? Nay Martha? Binili ko kayo ng gamot” sabi ni Lenard habang kumakatok.

“Teka Sandali lang, di ko mahanap ang kabilang pares ng tsinelas ko, sige pumasok ka bukas ang pinto” sabi ni Aling Martha.

Pagpasok ni Lenard sa kwarto nadatnan niyang nakaupo si Aling Martha sa kanyang kama at suot-suot ang kabilang pares ng tsinelas. Mahahalata mong maysakit siya. Magulo ang buhok at parang antok na antok.

“Ay pasensya na po iaabot ko lang po ang gamot ninyo, teka ‘nay asan ba ang kabilang pares ng tsinelas nyo?” sabi ni Lenard at sabay na yumuko at sinilip ang ilalim ng silong ng kama. Agad naman niya itong nakita at kinuha, ibinigay kay Aling Martha.

“Salamat, kumusta pala ang lakad mo? Nagkita ba kyo ni Marco? Kumusta nya sya?” sabi ni Aling Martha.

“Opo nagkita po kami at tanggap na po ako, pero siguro Nay Martha inumin nyo muna ang gamot niyo’t magpahinga muna kayo. Maya-maya nalang tayo magkwentuhan” sabi ni Lenard.

“Ah ganon ba? Mabuti naman. Pakiabot na nga lang yung bote ng ‘mineral water’ dun sa lamesa ng mainum ko na ‘to” pakiusap ni Aling Martha.

Matapos ang kanilang usapan dali-daling tumungo si Lenard sa kanyang kwarto na para bang ‘excited’.  Pagkasarado niya sa kanyang pinto, hinubad niya ang kanyang sapatos at sabay na tumalong sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang una at mahigpit niya itong niyakap.

Nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama habang yakap niya ang kanyang unan.

At nagsimula siya sa kanyang pagpapantasya.

“Oh Marco? Oh Marco ng buhay ko? Ba’t ganito ang nararadaman ko syo? Bakit? Parang napakaespesyal mo sa akin?” sabi niya sa sarili.

Huminto siya sa pagkakagulong-gulong at nakadapa na habang nadadaganan niya ang unan. At ipangpatuloy niya ang pagpapantasya.

“Oh Marco? Ano bang ginawa mo sakin, bakit ako ng kakaganito? Bakit parang nahuhulog na ang loob ko sayo?” ang pabulong niyang sabi sa unan na animoy si Marco ang kausap niya.

Lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa unan, mahigpit na parang si Marco ang kanyang kayakap.

“Napakaganda ng iyong mga mata at napakakisig mo? Lalo nahuhulog ang loob ko syo?”

“Ang yakap mo kanina sakin, alam kong aksidente yun, pero para lalong nagpapakalas ng buto ko..”

“Ang mga labi mo parang nag-aalok ng halik” sabay hinalikan ni Lenard ang unan. Matagal ang pagkakahalik niya at pagkatapos tinitigan niya ulit ang unan, napansin niyang nabasa ito ng kanya laway.

“Oh shyet Marco? Ba’t sa’yo pa? Sandali lang tayong nakasama kanina, pero ba’t parang ang lakas talaga ng tama ko syo. Papaano pa kaya kung magkasama na tayo sa Lunes?” sabay halik ulit sa unan.

“Oh Marco! Marco! Marco! Mahal kooo! Napa-ibig mo ako…” sabay nginitian niya ang unan.

Saksi ang apat na sulong ng kwarto sa mga pangyayari at pagpapantasya ni Lenard kay Marco. Alam niya na sa paraang ito lamang ang kaya niyang gawin upang mailahad ang kanya nadarama kay Marco. Ang kwarto niya rin mismo ang nagsisilbing kulungan ng kanyang tunay na pagkatao. Dito niya lamang naipapakita ang kanya lihim at kanyang saloobin. Para sa kanya, ang kwarto niya lamang ang tanging lugar sa mundo kung saan tanggap ang kanyang pagkatao.

Hanggang sa tumunong ang kanyang ‘cellphone’, at binunot niya sa kanyang pantalong. Napansin niyang di nakarehistro ang pangalan ng tumatawag sapagkat numero lamang ang nakatala doon.

Agad siyang kinabahan, alam niyang hindi iyon ang ‘agency’ na kanya papasukan sa abroad. Ang tangi nasa isipan niya ay si Marco na lalong nagpakaba sa kanya. Sinagot niya ang tawag…

“Hello?”

“Hello? Lenard? Si Marco ito.” ang sabi ni Marco na walang kaemo-emosyon.

Gumuho ang mundo ni Lenard, alam niya ang usapan nila na kapag di siya tumawag ibig sabihin tuloy ang trabaho niya ngunit ngayon para may mali, parang may masamang mangyayari na…



Itutuloy…

1 comment:

  1. Sorry guys to keep you waiting, I have lots of important things to do plus the summer outbreak together with my friends but don't you worry I'll try to post the chapter 8 within this week.. thanks keep reading...

    ReplyDelete